Dani
"Bunso." napabalikwas ako ng marinig kong tawagin ako ni Daddy.Ngayon ay nasa hapag-kainan kaming apat. Ako, si Daddy, si Mommy at si Kuya Daimonn.
"Ba-bakit po, Daddy?!" tanong ko rito at pilit kong nginitian ang aking ama.
"why are you acting so weird, anak? bakit tulala ka lang d'yan sa upuan mo at bakit hindi mo ginagalaw ang pagkaing nasa harapan mo? May problema ka ba?" Nagtatakang tanong sa akin ni daddy at hinintay niya ang isasagot ko.
Umiling lamang ako kay daddy at saka muling ngumiti rito.
"I'm sorry, Daddy.. may iniisip lang po ako pero hindi naman po iyon masyadong importante kaya kakain na po ako."
Tumango lamang ito sa akin ng matapos kong magpaliwanag at muli na nitong ipinagpatuloy ang kanyang kinakain.
"Daimonn." tawag ng aming ama sa pangalan ni kuya at hindi ko rin napigilang mapatingin sa aking nakatatandang kapatid ng tawagin siya ni Dad.
"yes dad, why?" wika ni kuya at humarap ito kay daddy.
Nakita kong biglang sumeryoso ang mukha ni dad.
"Akala ko ba.. mas gusto mong doon na lang muna sa states manirahan at mag-aral kaysa dito sa pilipinas?" tanong ni Daddy dito kay kuya.Nakita kong ngumiti lamang si kuya sa aming ama.
"Dad, anytime I can go there whenever I want to... but syempre, gusto ko namang bumalik dito sa philippines lalo na't birthday ni Dani and I want to spend my time for him... and also for you dad and mom dahil na-miss ko kayo." paliwanag ni kuya kay dad at matapos niya itong sabihin ay bigla na lamang itong tumingin sa gawi ko at ngumiti. Madali kong iniwas ang pagtingin sa kanya at ibinaling ko na lamang ang aking paningin sa aking kinakain.
"Napaka-sweet naman ng anak ko! Alam mo Daimonn.. we are very lucky that God gave us such a kind son like you." nakangiting sabi ni mom kay kuya at nakita kong ginantihan niya ng ngiti ang aming ina.
"So kung gano'n Daimonn.. dito ka ba muna mag-i-stay sa Pilipinas?" tanong ni Daddy kay kuya at dahil do'n ay awtomatiko akong napatingin sa kanya at hinintay ko siyang sumagot.
Nakita kong ngumiti ito sa aming ama at tumango. "Yes and No, dad." sagot ng aking nakatatandang kapatid kay dad.
Napakunot ang noo ni daddy dahil sa sinabi ni kuya.
"What do you mean?"
Muling ngumiti si kuya kay daddy.
"Yes and No, Dad. Yes dahil dito na muna ako sa pilipinas mag-i-stay and No because hindi lang MUNA ang stay ko dito because I decided na dito na ako titira for good." ngiting-ngiti nitong sabi at sunod no'n ay nakangising ngumisi itong muli sa akin.
"Paano naman yung pag-aaral mo doon, anak? Hindi ba't naka-enroll ka na sa isa sa mga sikat na university doon sa ibang bansa?" pagpasok ni mommy sa usapan at tinanong nito si kuya Daimonn.
Dahil sa kinausap ni mommy si kuya ay tumingin ito sa aming ina.
"Mom, before po akong umuwi dito ay nakausap ko na yung admin ng university sa states and sinabi ko na babalik na ako ng pilipinas kaya hindi ko na maitutuloy ang pag-enroll ko doon. And also mom.. bago naman po ako bumalik dito sa bahay natin ay pumunta na ako sa university na papasukan ko at sa totoo lang ay tapos na po akong mag-enroll." Sagot ni Kuya kay mommy na siyang tinanguan naman ng aming ina.
"Maganda kung gano'n, anak.. pero tanong ko lang, saan ka nga palang university papasok?" muling tanong ni mommy sa aking nakatatandang kapatid.
Mas lalong lumawak ang ngiti nito at parang may kakaiba akong nararamdaman sa ngiting pinapakita niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Secretly Obsessed [BxB] ✔
General FictionSimula pagkabata ni Dani hanggang sa kasalukuyan ay hindi mawala-wala ang kabang nararamdaman niya kada maglalapit silang dalawa ng kanyang kuya na si Daimonn. Maayos na sana ang kanyang pamumuhay ngunit nang magbalik ang kanyang kuya sa pilipinas a...