Madilim.
Ramdam ng aking silid ang lungkot na aking nababatid
Hawak-hawak ang keychain ko
Inaalala ang mga panahong minsan ko syang nakasama
Valentine Ball.
Masaya kami sa panahon na yun kasi nagmukha kaming tao
Inaasar niya pa ako nun kasi naka gown daw ako
kesyo medyo tumangkad daw ako dahil sa heelsPicture niya.
Nasa keychain kong hugis ng kalahati ng puso
At nasa kanya yung isang kalahati na picture ko naman ang nilalaman.
- - - - - - - -
"Good Morning Lil" sabay akbay sakin ng kumag na nagpahiya sa'kin
Di na ako kumibo
Hindi naman kami magkaaway eh
Kaibigan ko yan na hindi ko naman sinasabing traydor pero parang ganun na nga
Kagaya nung ginawa niyang pagpahiya sa'kin
Tsaka sabay na kaming umupo sa mga seats namin
Ipplug ko na sana yung earphones ko kaso kinuha ni bakla
"Pahiram ha. Salamat"
"Okkaaayy" napatango nalang ako
Nga pala ang tinatawag kong Gaga, Kumag at Bakla ay iisa. . And meet Gino
Dakilang seatmate koHinayaan ko nalang siya
At nakinig kay Ma'am. So far, Naka focus naman ako ngayon sa klasePagkatapos nung class
Paglabas ko ng room nakasalubong ko si Raniel tsaka ewan ko sumabay na sya sakin sa paglalakad"San ka na?" tanong niya
"Sa tingin mo? nasan ako ngayon?" sagot ko
"ayh pilosopong palaka! san ka na pupunta ngayon?"
"Dederetso na ako sa next class ko, di ko feel kumain ng Snack"
"Tara! samahan na kita"
"Huh? bakit? wag na"
"Wala lang gusto ko lang gumala"
"Bahala ka dyan"
Pagdating ko sa next class namin. I bid goodbye to Raniel
Ako palang yung tao sa room
Kukunin ko na sana yung earphones ko kaso bigla kong naalala, na kay Gino pala
So nanuod nalang ako ng kung ano-anong videos sa phone ko
Hanggang sa dumating si Alex na mukhang tamlay at mukhang malungkot
Bago ko siya matanong kung anong nangyari sa kanya
Dumating na yung iba kasama si Sir
Pero inatupag ko lang si Alex
"Dzaii? anyare sayo" tanong ko
umiling lang siya
Bago nagsimula yung lessons ni Sir
Bumirada muna siya ng kung ano-anong hugot
Ewan ko ba sa Sir namin, palaging ganito yan
"We must love ourselves first baho ang iba dahil sila temporary lang na nakakapagbigay saya" ika niya
"Huyyy! okay ka lang?" sabi ni Ella kaya napalingon ako sa banda nila
Bigla nalang yumuko si Alex

YOU ARE READING
A Moment In A Picture
Teen FictionKasama sa bawat litrato ang bawat emosyon na nararamdaman mo. Alaala ng mga pangyayari sa buhay mo. Meet Lillian who stores every moment in a picture Mababalik ba kung ano ang nandoon sa picture niya? O tanging sa picture nalang niya ito makikita?