"Picture tayo, dali! dali!"
"Sige ha, one! two! three! say Zzeeennnn"
nagtataka siguro kayo kung bakit "Say Zen" noh? siyempre pangalan yun ng taong mahal ko.
"Lil?" -Zen
"Mmh?"
"Teka! teka lang! - okay na! tingnan mo lockscreen ko" tapos itinapat ko sa kanya yung phone ko
"Ang cute natin noh" -Lillian"Syempre, ang cute kaya ng mahal koooo- achiko! chiko! bebe" -Zen
tapos pinisil niya yung magkabilang pisngi ko na parang bata"haha"
"ouyh, ano nga pala yung sasabihin mo?" - Lillianewan ko, bigla nalang syang naging balisa
"Aalis ako"-Zen
"Huh?"-Lillian
dinig ko naman eh, pero ewan ko
.
.
.". . . . . .Next week" -Zen
Bigla ko nalang nabitawan yung phone ko. Hindi ko na napansin kung saan yun nahulog ang tanging nasa isip ko lang ngayon yung sinabi ni Zen
pero I want to stay calm*Inhale*
*Exhale*
"Huh? diba Birthday ko sa Wednesday Next Week. . . Anong araw ka aalis? Ilang araw ka dun? Kailan ka uuw-"
hinawakan niya yung magkabilang kamay ko
"Heys! Heys! babawi naman ako eh" -Zen
"Pero — alam mo naman siguro kung gano ka importante sakin yun"
malapit na akong maiyak
"Basta isave mo yung pagiging second to the last dance mo ha, si Daddy kasi yung pinakalast" -Zen
"So hindi ka nga makakapunta" - Lillian
umiyak na talaga ako. Kasi wala siya sa isa sa mga pinakaimportanteng araw ng buhay ko. Ayaw ko nun eh. I want to make my 18th Birthday simple to spend more time with them. Pero wala naman pa rin pala siya
"Lil -" -Zen
"Teka Zen, kailangan ko ng umuwi" - Lillian
tapos kinuha ko yung phone ko na nasa kanya
hinablot pa niya yung kamay ko
"Pinapauwi ako ni Dad ng maaga"-Lillian
kahit hindi naman. Alam kong alam niya na nagsisinungaling lang ako.
Nabitawan niya yung kamay ko at kumaripas ng takbo
.
.
Oo, napakababaw kong tao dahil para sa Birthday ko lang di sya makakapunta naging ganito na ako. Pero matagal na namin yung pinagplanohan, matagal na akong sabik na sabik dun pero —
."LLLIIILLLLLIIIAAANN!" -Zen
dinig na dinig ko yung sigaw niya.
Pero wag muna parang gusto kong makapag-isip. I know it's so childish pero naman kasi. He promised eh na pupunta siya.Hanggang sa umabot na ako sa Kalsada at malapit na din niya akong maabutan. Sinundan niya pala ako.
Kaya agad-agad akong tumawid sa kabilang Lane."Lillian! Teka lang naman!" - Zen
pumara na ako ng Taxi
Saktong pagpasok ko sa taxi ay tatawid na din siya
then
*BLAG!*
rinig ko yung ingay pero hindi ko na pinansin. Pake ko ba dun sa ingay na yun?
Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko. Pero alam kong dahil sa kakatakbo ko yun

YOU ARE READING
A Moment In A Picture
Fiksi RemajaKasama sa bawat litrato ang bawat emosyon na nararamdaman mo. Alaala ng mga pangyayari sa buhay mo. Meet Lillian who stores every moment in a picture Mababalik ba kung ano ang nandoon sa picture niya? O tanging sa picture nalang niya ito makikita?