Prologue: What ifs

2.2K 37 43
                                    

Prologue

"What if.."

Two words that keeps on bugging me.

What if nagtapat ako sa kanya?

What if sinabi kong mahal ko siya dati pa?

What if mahal niya rin ako?

What if nandito pa rin siya sa tabi ko?

What if pinigilan ko siya?

What if naabutan ko sila?

What if..

What if..

What if..

Ano na kaya kami ngayon?

I have this painful regrets for so many years. Wala akong guts para sabihin sa kanya. Wala akong lakas ng loob para magtapat. Sige na, ako na ang torpe! Pero alam niyo naman siguro yung same old stories ng mga kagaya ko?

Takot.

Takot akong may mabago sa pinagsamahan namin.

Takot akong magbago siya saken.

Takot akong umiwas siya saken.

Pero masisisi niyo ba ko? Kung ganun ang takbo ng isip naming mga lalake pagdating sa inyong mga babae? Hindi ako naniniwala sa wishing well, shooting star at kung anu-anong mga bagay na magbibigay katuparan sa mga wish.

Pero ngayon?

Nagbago na ang pananaw ko.

May mga bagay palang kahit napakaimposible eh maaaring magkatotoo.

Siguro.. kung talagang kayo, kayo talaga. Kahit gaano pa kaimposibleng maging kayo magiging posible kapag kayo talaga ang nakatadhana.

Coincidence o hindi?

Totoo o hindi?

Wala na kong pakialam.

Ang mahalaga.. nakasama ko ulit SIYA.

Ang mahalaga.. tinupad NIYA yung hiling ko.

Kahit pa.. napakahirap nitong paniwalaan.

***

“Congrats bes.”

"Ang tamlay naman ng bati mo! May saket ka ba? Pero, thanks bes ah! Hahaha!"

“Wag ka nga tumawa, para kang timang!”

"Hahahaha! May naalala lang ako bes. Di ba sabi mo dati, mauuna kang ikasal? Hahaha! Ayan kase, ang yabang yabang mo! Ano ka ngayon? Hahaha!" 

“Oo na bes! Sige na, ikaw na ang ikakasal, ako na ang single!”

"Ang tampururut mo talaga! Alam mo, bagay talaga sayo nickname mo!"

“Ako na si Torpe. Alam ko yun bes, di mo na kailangan pang ipaalala.”

"HAHAHAHAHAHAHAHA! Ang epic ng mukha mo bes! HAHAHAHAHA! Namumula ka na dyan oh! Sa galit ba yan o sa kahihiyan?" Hindi ako nagreact. Tinignan ko lang siya ng seryoso kaya natigilan siya sa pagtawa.

“Bes..”

"Hmm?" 

“Please go out on a date with me.”

"Eh?" 

“HAHAHAHAHAHAHA! Mas epic mukha mo bes! HAHAHAHA!” Hinampas niya ko sa braso at nagpout.

"Langya ka talaga! Parang tanga 'to!"

“Gantihan lang bes. Pero, do you believe that some jokes are half meant?”

"So, what do you mean? Ang labo mo."

“Let's have our last date before you get married. Please?”

"Are you serious?"

“Of course. Ayaw mo bang idate kita for the last time?”

"Aww. Ang sweet ng bestfriend ko! Syempre gusto ko 'no! Mamimiss ko kaya yun pag may asawa na ko! Let's have our friendly date on Saturday!"

“Ah.. eh.. f-friendly.. s-sige. I'll fetch you before lunch.”

"So, kitakits na lang! By the way, I have to go na bes. May dinner date pa kami ni fiance!”

She gave me a goodbye kiss on my  left cheek. Siya ang bestfriend kong abnormal. She's Audrey, my childhood bestfriend. Ikakasal na siya sa Sunday, Dylan is the lucky guy. Blockmates sila nung college. Same course, Architecture. Halos lahat ng subjects magclassmate sila. Syempre, given na yun. Same course eh. Ako naman, Engineering kaya di kami madalas magkasama ni Audrey. Ang daldal ko na masyado, di pa ko nagpapakilala.

I'm Aiden Christopher C. Fernandez. She calls me Toper for short. Torpe pag inaasar niya ko. And Chris for formal purposes.

It's Thursday evening. Nandito pa rin ako sa coffee shop at nagmumuni-muni.

Haaayyy, ikakasal na ang bestfriend ko. Ikakasal na ang mahal ko. Oo, mahal ko si Audrey dati pa. Oo, tanga ko para di sabihin sa kanya. Let me explain! Bago kayo magalit saken. May pagkamanhid ang bestfriend ko. Minsan slow din. Kung may gusto kang sabihin, kailangan mong sabihin direct to the point. Which is napakahirap para saken. Ewan ko lang kung may nakakarelate saken. But it's too late to confess now. Magugulo ko lang ang sitwasyon. If I'll be only given just another chance.. gusto kong baguhin lahat.

Just Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon