Chapter 6: Anything For You
October 4
Audrey's 14th birthday
3rd year highschool
Pagmulat ko, ito na ang setting. What is this? Totoo ba talaga yun o panaginip lang? I can feel my body moving. And that means totoo 'to? Sa tingin niyo?
I remember this day. This is Audrey's 14th birthday. And this is where I perform infront of our schoolmates. Naaalala ko na. Anong oras na ba? Seryoso talaga yata si Angel na ibalik ako?
I'm wearing our school uniform right now. And I can feel everything. Ibig kong sabihin, di ba pag panaginip lang nakikita mo lang ang sarili mong gumagalaw sa panaginip mo? O di kaya, parang vision mo talaga ang ginagamit mo but you're not moving. Pero sa nararamdaman ko ngayon, I think this is real.
Break time. Madaming pakalat-kalat na studyante. Nakakamiss din palang maging highschool. Especially with her.
"Bes!" Speaking of, it's her.
“Yeah?”
"Break na tayo."
“Bakit bes, tayo ba?” Biro lang naman. Mga reaction niyo!
"Baliw! Tara na? Gutom na ko please lang Christopher ah! Kanina pa ko hinuhuli ng mga taga-jail booth, bago pa maubos pera ko tara na!" Aba galit ang bestfriend ko. Alam na, binuo niya yung pangalan ko eh. Foundation day pala ng school. Kaya ko nga pala nagawa yun.
“No need to get mad bes.”
"Bagal mo eh!" Sabay irap. What? Ano meron? Parang malungkot ang mahal kong bestfriend.
“Ba't ganyan mukha mo? Lukot na lukot ah?”
"Stop it Christopher." Ay ang sungit ni bestfriend.
“Bakit nga? Just tell me. Sige na Duday my love!” Hahaha. Tawag ko sa kanya pag naglalambing na nang-aasar ako.
"Stop calling me like that. Naiirita na ko ah. Isa pa!" Hala, anong ginawa ko? Nagtatanong lang.
“Sige na sabihin mo muna kasi para matahimik na ang kaluluwa ko! Please!” Nagpuppy eyes pa ko. Ano kayang problema nito?
"ANO BA AIDEN CHRISTOPHER CRUZ FERNANDEZ! ANG KULIT KULIT MO! KAKABWISET NA HA!" Patay. Nagwalk out. Galit nga. Ano bang ginawa ko?
Isip, isip, isip. Hindi ko pala siya binati. Hahaha. Tama! That's part of my plan! Lahat na ng friends, close friends, classmates at kung sinong kakilala niya binati na siya. But not the bestfriend. Sorry bes. I'm saving it for the surprise.
10:00 AM na ngayon, at sa pagkakaalala ko, ready na ang surprise ko? Alam ko the day before her birthday naayos ko na yun eh. Check ko muna, since nagwalk out naman si Audrey. Pumunta ko sa covered court. Nakaset-up na. At sinong maghihinala sa surprise ko? May banda kayang kakanta mamaya kaya ako muna mauuna. Pero syempre surprise yung part na yun. Ayos!
Pumunta akong canteen. Madaming tao, syempre walang klase. Ang init, siksikan. Nakita ko si Audrey. Nakapila siya dun sa bilihan ng softdrinks. Bigla akong sumingit.
"Excuse me nga." Sabay siksik kay Audrey.
"ANO BA! BAWAL SINGIT! BWIS—" Nagulat siya.
BINABASA MO ANG
Just Another Chance
Genç KurguNaniniwala ba kayo sa SECOND CHANCE? Eh sa WISHING WELL? Pano naman sa SHOOTING STAR? Naniniwala ba kayong matutupad ang hiling niyo kapag nagwish kayo sa kanila? Naniniwala ba kayong matutupad nila kahit ang isang napakaimposibleng hiling? Dati, hi...