Chapter 5: Just Another Chance

463 20 24
                                    

Chapter 5: Just Another Chance

“Audrey..”

Yun yung huli kong sinabi. Yun na lang ang naaalala ko. Anong nangyari? White. White ang nakikita ko. Nasan ako? Anong ginagawa ko dito? Patay na ba ko? Fudge. Di pwede. Di ko pa nasasabi kay Audrey. It can't be. Ano 'tong lugar na 'to? Langit? Masyadong maliwanag. Nakakasilaw. Ano bang nangyari? Parang.. may babaeng papalapit.. unti unti siyang lumalapit sa pwesto ko. Hindi ko masyado makita ang mukha niya.. natatakpan ng mahaba niyang buhok. Sino siya? Kilala ko ba siya? Parang hindi.. nanlalabo ang mga mata ko.

“Toper..”

Biglang nagsalita yung babae. Kinilabutan ako dun ah. Sobrang lambing ng boses niya. Pero kinilabutan ako.. weird?

“S-Sino ka?” Sabi ko ng may nanginginig na boses.

“Wag ka matakot. Ligtas ka dito.”

“A-Anong sinasabi mo? Nasan ba ko? Ano 'tong lugar na 'to? Patay na ba ko?” Tanong ko.

“Hindi ka pa patay.. hiniram muna kita ng manandalian dahil may dapat tayong pag-usapan.”

“A-Ano yun? At saka, ano bang pangalan mo?”

“Tawagin mo na lang akong Angel.”

“Angel ka?”

“Hmm. Sabihin na lang nating ako ang gumagabay sa kapalaran ng mga tao.”

“A-Ano? Di kita maintindihan?”

“Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mong intindihin ako. May mga bagay talagang hindi mo maiintindihan dahil hindi ito kaya ng kapasidad mo bilang tao. Mas mabuting tanggapin mo na lang  ang mga bagay bagay.”

“Uhm, M-Miss Angel.. ano ba yung pag-uusapan natin? May atraso ba ko kay Lord?”

“Lahat ng tao maraming atraso kay Lord. Hindi naman maituturing na atraso ang nagawa mo.”

“Ano bang nagawa ko ang hindi niyo nagustuhan? Sabihin mo sakin, babaguhin ko. Ibalik niyo lang ako sa lupa.”

“Wala kang nagawang hindi namin nagustuhan. Wala kang ginawa kaya ka nandito.”

“A-Ano?”

“Sumunod ka sakin.”

Sumunod naman ako sa kanya. Lumakad kami paakyat sa isang mahabang hagdan. Sa dulo nun ay may lalaking medyo may edad na may mahabang balbas at may hawak na manok. Nakatayo siya sa harapan ng puting pinto.

San Pedro? Dadalhin niya ba ko kay San Pedro? Naku, wag naman po!

“Ito na po siya.” Sabi ni Angel kay San Pedro.

“Gawin mo na ang dapat.” Sabi ni San Pedro kay Angel, tapos tinapik niya ang balikat ko.

Pagkatapos nun ay pumasok kami sa pinto. Hindi doon sa pintong binabantayan ni San Pedro. Pumasok kami sa pinto katabi nun. Kulay gold yung pintong pinasukan namin. Ano kayang meron dun? Kinakabahan ako. Baka di na ko makabalik sa lupa.

“Toper..” Bigla akong nagulat nung tinawag niya yung pangalan ko. At the same time, kinilabutan ulit ako, ewan ko ba kung bakit?

Just Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon