This story is dedicated to my seatmate Lorielle Anne Lacap and her ex-crush Christopher Samson :)
~~~~~~~~~
Hindi ko alam kung kelan ito nagsimula.
Ang alam ko lang nakasanayan na namin 'to araw-araw.
Basta usapang Assignment, parang naging responsibility na namin ni Sam ang isa't-isa.
Give and take relationship kumbaga.
Minsan ako ang kokopyahan nya ng sagot pero minsan ako ang kokopya sakanya.
Pag di namin parehong nasagutan, sabay din kaming kokopya sa papel ng iba.
Tuwing uwian, lagi kaming naguusap tungkol sa mga assignments na dapat naming gawin at minsan may tutorial session pa.
Ewan ko ba, basta ang alam ko may karapatan na akong magtampo sakanya pag pinagdamutan nyako ng assignment.
Paano kaya kung sa isang araw, wala kahit isang assignment?
Maalala kaya ako ni Sam?
Hindi naman kase talaga kami close e. Di kami ganon kadalas magusap during class hours.
May mga oras na nakakabiruan ko sya dahil nagkakasundo naman kame lalo na sa kalokohan.
Pero ang mga oras na yon, talagang minsan lang.
Lapitan parin kaya ako ni Sam kahit wala na syang kailangan sakin?
Hindi ko alam ...
''Lorielle Anne M. Lacap, ano mga assignments? Nagets mo yung lecture sa Trigo?Nalilito ako e''
Tinawag nya nanaman ako sa full name. Btw his full name is Christopher Samson. Ang haba kase ng name nya kaya Sam nalang , shortcut for Samson.
Palapit na naman sakin si Sam since uwian na. Kung sbhen ko kayang di ko alam kung may assignments? O kaya di ako nakinig sa Trigo? Kukulitin nya kaya ako?
Syempre hinde.Malamang hahanap yun ng ibang makakasagot ng mga tanong nya. Haaayyy...
''Dami ngang assignments e. Oh eto listahan, kopyahin mo nalang. Ako nalang gagawa ng assignment sa Trigo tas explain ko nalang sayo bukas''
''Kumopya ako nung mga given sa Statistics, kelangan mo? Uwi mo nalang notebook ko if you want'' sabi nya sabay ngiti saken.
Tumango ako at kinuha ang notebook nya. Hindi ko parin maiwasang pansinin ang mga dimples nyang nakalubog kahit siguro nakasimangot sya.
''Bakit parang ang lungkot mo?'' tanong nyang sumorpresa sakin.
Ito kase ang first time na nagtanong sya saken ng tungkol sa ibang bagay.
