Chapter Eight ♥Stranded♥

33 2 0
                                    

Nakalabas na ako't lahat pero hindi ko madisgest  sa utak yun sinabi ni Darwin. Yung masungit na yun? Anak ng may ari ng school na ito which is popular sa buong asia kaya hindi lang pinoy ang nag-aaral dito. Tapos, soon-to-be-owner na siya neto? Ghad. Kaya pala nagmamasungit kasi may ipagyayabang  pala. Tss.

Palabas na ako ng biglang umulan ng malakas kaya tumakbo ako sa waiting shed malapit sa kinaroroonan ko.

"Ayy, umulan pa oh." inis na sabi ko habang pinupunas ko ang basa sa braso ko.

"Badtrip. I hate that rain." napatingin ako sa likod ko. Nakita ko si Mr.Masungit na naninigarilyo.

"Masama kaya manigarilyo." nasabi ko lang.

"So? I dont care." sabay irap niya sa akin.

Hindi ko nalang siya pinansin pa. Wala sa mood ang loko. Hahaha. Lagi naman e.

Mag-gagabi na pero hindi pa rin humihina ang ulan. Stranded na talaga kami dito. Si Mr. masungit naman puro "sh.t" "fvck" ang nadidinig ko sa kanya. Ayaw na ayaw niya ang ulan talaga.

"Ayaw mo talaga sa ulan no." tanong ko. Isang oras na ako nanunuyot ang laway dito. Ayaw naman ako pansinin nito .

"Obvious ba? " sabi niya at umirap pa talaga sa akin. Tinalo pa ako sa irapan.

Maya-maya lang may itim na porsche ang tumapat sa amin. Pagbaba ng driver na may dalang payong.

"Sorry po Young Master. Natraffic po sa tulay dahil sa malakas na ulan." sabay bow nung driver.

"Ano pa magagawa ko." sabi niya at hinablot niya sa driver yun susi ng kotse at binigyan ng isang libo yun driver.

"Pamasahe mo." at akmang papasok na siya sa kotse ng pigilang ko siya.

"Wait. Pasabay!" sabi ko baka kasi bukas pa ako makauwe na nito. Ang lakas ng ulan.

"Are we close?" tanong niya at hindi na ako pinasagot at sumakay na sa kotse at nagdrive paalis.

"Arrghh! Ang damot!" inis kong sabi with matching padyak pa yun.

"Pagpasensyahan mo na si Young Master. Mabait naman po iyan. May hindi lang po magandang nangyari sa kanya last two years." sabi nung driver.

"Ano po? Mabait? Alam naman niya na parehas kaming stranded dito hindi man lang po ako isinabay. Badtrip yan" sabay sabunot ko sa sarili.

"Get in." sabi nung seryosong boses sa likod ko. Pagtalikod ko, andoon si Mr.Masungit na iniintay akong sumakay.

"What? Bilisan mo. Bawal ako mainip." sigaw niya sa akin. Dali dali naman ako sumakay.

"Akalain mo yun. May mabuti ka palang loob." sabi ko sa kanya.

"Tss. Saan ang bahay mo?" Iwas niya sa tanong ko.

"Sa ******** street Kean." Sabi ko pero nagulat nalang ako ng magpreno siya at tumingin sa akin ng masama.

"Why?" Tanong ko. May mali ba sa sinabi ko?

"Dont you dare call me that name. " awtoridad niya sabi.

"Bakit? Pangalan mo yun. Kean Brix diba? Edi Kean itatawag ko sayo maganda----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sigawan ako ni Kean.

"Get out from my f.cking car. Out!!" Sigaw niya.

"Wait, umuulan oh. Mababasa ako." Sabi ko. Ogag din ito. Tingnan mo naman na umuulan.

"I dont care. I said out!!" Galit niyang sabi.

"Ayoko nga. Magkakasakit ako."

"Ayaw mo ha." Bigla siya lumabas at umikot sa tabi ko at pilit niya ako pinapaalis doon.

"Wait Kean huwag mo naman gawin sa akin ito." Pakiusap ko. Pero hindi niya ako tinigilan hanggang makalabas ako. At dali dali siya pumasok sa kotse at nag- U turn siya.

Batdtrip yan oh! Basang basa tuloy ako ng ulan. Naglakad nalang ako sa ulan papunta sa amin. Grabe, layo pa nun amin wala pang taxing dumadaan dito. Badtrip talaga si Kean. Ano kaya masama doon sa pagtawag ko sa kanya.

Author's POV

Dumiretso si Kean sa bar ni Daryll . Pagpasok palang niya nakita niya si Daryll na nagseserve, nilapitan niya ito.

"Oh pre, napadaan ka. Himala!" Bati sa kanya ni Daryll.

"One hard drinks." Utos ni Brix.

"May problema pre? " tanong ni Daryll.

"Wala ." Tipid na sagot ni Brix.

"Kahit hindi mo  sabihin, may problema ka. Tingnan mo si  Kent puro babae sa paligid nya " sabay nguso ni Daryll sa isa pang kaibigan na busy sa babae.

Hindi naman tiningnan ni Brix. Wala siya pakealam. Sa ngayon, nasasaktan siya.

Flashback

Papunta na si Brix sa kotse niya ng bumuhos ang malakas na ulan.

"Hay, buti naman umabot ako." Mahinang sabi niya.Nagdrive na siya palabas ng school pero may nahagip siyang babae na nasa waiting shed at mag-isa lang. Napatingin siya sa relo niya.

Mag-gagabi na tapos malakas pa ulan. Ang nasa isip niya.

Dahil naaawa siya sa babae dinaanan niya ito.

"Miss, sakay kana. Ihahatid na kita sa inyo." Aya ni Brix sa dilag.

"Nako, salamat nalang. Nakakahiya." Sabi nung babae.

"Hindi yan. Sige ka gagabihin ka dito tapos may multo pa---" hindi niya na magapos ng dali daling sumakay yun babae.

"Sasakay ka din pala." Mapang-asar niyang sabi.

"Nanakot ka. Takot kaya ako sa multo. By the way, ano pangalan mo? Salamat pala ha." Magiliw na sabi nung babae.

"Kean Brix. All who know me they call me Brix but call me what you want." Sagot niya sa dalaga.

"Kean nalang. Promise yan ako lang tatawag sayo ng Kean ha." Nakangiting sabi nung dalaga.

Napatingin si Brix sa dalaga parang may kung ano siyang nararamdamam.

"I-ikaw ano pangalan mo?" Tanong niya.

"Keisha." Ngiti nung dalaga.

End of flashback

Sa kakaisip ni Brix kay Keisha hindi niya pala alam na nabasag niya na pa ang baso sa kamay niya.

"Pre, nagdudugo ang kamay mo!" Sigaw ni Daryll. Pero hindi siya pinansin ni Brix bagkus umalis nalang ito.

Habang naglalakad siya papunta sa parking lot  hindi niya napigilang sipain ang gulong ng sasakyan niya at mapaiyak.

"Napaiyak mo nanaman ako Keisha." Sambit ni Brix

[A/N: Woooh! Unti unti na nalalaman ang nakaraan ni Kean este Brix. Peace tayo Brix :P  Vote and Comment.]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr.Poker Face meet Ms. PilyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon