"kailangan mo ng umalis dito" pamimilit sakin ng mga pulis.
Pero ayoko.Ayokong iwan yung papa ko dito.
Kailangan ako ng papa ko."pa!! Gumising ka!! Pa!! " wala akong ibang ginawa kundi gisingin yung papa ko.
tuloy tuloy lang sa pag agos yung luha ko.
"papa ko... K-kailangan kita.. Ayoko kay mama.... Pa!!!" wala akong ginawa kundi gisingin yung papa ko.
Masyado pa kong bata nung mga panahon na yun kaya wala akong nagawa. Kahit manlang ipag tanggol ko yung sarili ko, hindi ko nagawa.
Bumuntong hininga nalang ako. Kahit manlang ibalik ko yung panahon... Hindi ko magawa.
Ininom ko yung kape na nasa harap ko, ng biglang tumunog yung cellphone ko.
Calling Mommy
Aish. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Arrgghh.
"H-hello M-mom--"
"HINDI MO NANAMAN TINAPOS YUNG PLANO MO!!! KONTI NALANG TALAGA
CHESKA, HINDI LANG ALLOWANCE TATANGGALIN KO SAYO. PATI YANG TUITION MO" napapapikit nalang ako sa sobrang lakas ng panenermon niya sakin.Pinatay ko na, kesa kung ano pang masabi ko na hindi niya magustuhan.
Nako! Kung legal lang talagang pumatay.
Ewan ko ba. Palagi nalang akong pinapagalitan. Jusko naman cheska.
Bakit mo ba kasi iniwan yung plans mo dun?
Padabog kong nilagay yung cellphone ko sa lamesa na naging dahilan ng pag tumba ng baso kong may laman na kape.
"shit. Yung gawa ko"
Tarantang taranta akong inayos yung mga papel.
Halaaaa!! Anong gagawin ko dito. Yung mga gawa kooo.
Ang aga aga puro kamalasan nang yayari sakin. AYOKO NAAAAA!!!!
***
Pumunta ako sa office ni mommy para bisitahin siya.As usual.
"H-hello m-mommy... " with matching pangiti ngiti pa.
Napakagat ako ng labi nung inikot niya yung swivel chair niya at humarap sakin.
"wag mo kong nginingiti ngitian diyan cheska. Akin na yang gawa mo" sabi ni mommy tapos nilahad niya yung kamay niya para kunin sakin yung hinihingi niya.
"ah eh. " di ko alam kung anong sasabihin ko. Nababaliw nakoooo. Huhuhu.
Lagot nanaman ako nito.
"CHESKA!!! " sigaw ni mommy sakin na ikinapikit ng mata ko.
"ano po kasi... " kinamot ko yung ulo ko.
"n-n-natapunan ng kape... " wika ko.
Yumuko nalang ako para di makita yung dissapointed na muka ni mommy.
"Cheska... "
Itinaas ko yung ulo ko para tignan siya.
"lumabas ka na... Baka kung ano lang masabi ko sayo. " wika niya.
Nanatili lang akong nakatayo habang nakitingin sa kanya.
Hindi ko alam. Pero bigla nalang tumulo yung luha ko.
"mom..." pinunasan ko yung pisngi ko na basa na dahil sa luha.
"gusto kong maging doctor...
Sana naman kahit dito lang mapagbigyan niyo kong piliin yung gusto ko.
Ayokong pumasok sa mundo ng arkitektura.
Gusto kong makapag pangiti ng pasyente gamit ang kamay ko. Gusto kong maligtas yung mga taong nangangailangan ng tulong..."Sa wakas, nasabi ko na yung matagal ko nang gustong sabihin.
Tumayo si mommy at nag lakad papunta sa harapan ko.
"Hindi ka magiging Doctor." taas kilay na wika niya.
"Imbis na gumamot ka ng pasyente gamit ang scalpel...
Baka scalpel pa ang gamitin mong pang patay ng pasyente." wika niya na ikinagulat ko.
Wala akong ginawa kundi umiyak lang sa harap ni mommy.
"wag mong ipilit yung hindi mo naman kaya. " tapos lumabas na siya ng office at iniwan akong nakatayo dito.
Kailan ko ba makukuha yung gusto ko? Palagi nalang akong sunudsunuran. Palaging talo.
Pa, magiging doctor ako. Pangako.
***
BINABASA MO ANG
Medical Gangster
General FictionIsang babaeng nangangarap maging isang doctor. Gustong maligtas ang sarili at ipag higanti ang mahal sa buhay. Handang sumugal para sa lahat. Mahahanap niya kaya ang pumatay sa kanyang ama?