CHAPTER 2

22 0 0
                                    

"inaantok pako"

"maam padating napo yung mama niyo. Hindi pwedeng maabutan ka niya dito."

"hayaan mo siya. Gusto ko pang matulog" wika ko.

Tinakpan ko ng unan yung muka ko.

"lumabas ka na sa kwarto ko!! " galit na sabi ko.

Naiinis talaga ako sa pinasok na katulong ni mommy.

Masyadong makulet.

"pero maam..."

"ANO BA?!!" takte nakakainis na talaga ako eh.
Naputol na nga yung tulog ko dahil sa kanya eh.

Narinig kong sumara yung pintuan ng kwarto ko.

Hays. Sa wakas, umalis na din siya.

Ipinikit ko na yung mata ko para matuloy ko na yung tulog ko.

Pero takte naman.

"PATULUGIN MO MUNA AKO PLEASE?!"

nagising nanaman yung diwa ko dahil sa pag katok nila sa kwarto.

Parang mas okay kung sa school nalang ako matutulog.

Yah. Great Idea.

"eto na. Maliligo nako!!" sigaw ko.

Hindi talaga nila  ko titigilan hanggat hindi ako bumabangon eh.

Wala namang kwenta yung pinapasukan ko. Puro drawing tapos palagi nalang narereject yung drawing. Walang kwenta. Hindi makakatulong sa ekonomiya.

Buti ba kung ang tinuturo nila, eh yung pag gagamot ng mga tao. Makakatulong pa yun. Tsk.

Bakit ba kasi ayaw akong pag doctorin ni mommy? Actually, mas malaki nga yung sahod sa pag dodoctor eh. Ayaw niya nun? Palibasa sakim siya sa pera eh. Tsk.

Kinuha ko na yung bag ko tapos bumaba nako.

Naabutan ko naman si mommy na nakaupo sa may sofa habang umiinom ng kape.

"panira ng araw." bulong ko.

Ngumiti nalang ako papunta sa kanya.

"Hi mommy!! " masiglang bati ko sa kanya. Ganyan ako kaplastik sa nanay ko. Hahahah.

Hindi siya kumibo. Nanatili lang siyang nakatingin sa baso niya.

Nag taka naman ako. Kasi as usual tuwing naabutan niya ko sa bahay pinapagalitan niya ko kasi di pako pumapasok. Pero ngayon...

Ang weird.

"Gusto mo ba talaga mag doctor?"

"W-wait. What? " nagulat ako sa tanong ni mommy.

Pag dodoctorin na ba niya ko?

Unexpected na tanungin niya ko ng ganyan.

Ayaw na ayaw niyang may naririnig na word na "doctor".

Duhh... Galit na galit siya sa doctor noh!

"kung gusto mo talaga mag doctor. Fine. Mag hanap ka na ng school mo." mahinahon na sabi ni mommy.

Ang weird talaga.

"S-seryoso mommy?"

"but in one condition" napataas nalang yung kilay ko.

Sabi ko na eh. Hindi niya ko pag dodoctorin ng walang kapalit or any reason.

Kilala ko na siya.

"kailangan mo ng mag babantay sayo." wika niya.

Ano bang kalokohan to?  Mag aaral lang ako pero kailangan ko pa ng mag babantay?

"pero bakit?"

"wag ka na mag tanong!! Sumunod ka nalang. Pumili ka, mag dodoctor ka o mag aarchitect ka?" this time hindi ko maipaliwanag yung emotion na pinapakita ni mommy.

Para siyang galit na nag aalala. Ewan. Diko siya maintindihan.

"pero sino?" taas kilay na tanong ko.

Biglang bumukas yung pinto.

"maam nandito na po siya." wika nung yaya namin.

Sinong nandito na? Nag dala ba ng bisita si mommy?

Biglang pasok naman nung tatlong lalaki.

Mag kakasing tangkad lang sila. Ang cool ng buhok nila. Pare parehas silang nakahikaw (pero hindi mukang adik sa kanto na nakahikaw) 

Kung titignan mo sila para silang anak mayaman na gangster.

Ewan ko ba.  Pero parang nakita ko na sila. Di ko lang matandaan.

"pare parehas silang nag aaral sa medical school. Mas ligtas kung sila yung palagi mong kasama."

"WAIT. LIGTAS?" napatayo ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat.

"Tingin mo magiging ligtas ako kasama yung mga lalake?" napahawak ako sa ulo ko.

"NABABALIW KA NA BA MOMMY?" galit na tanong ko.

"Pano kung rape-pin nila ko? Dalhin nila ko sa abandunadong bahay?  Pano kung chopchapin nila yubg katawan ko tapos ibenta yung laman loob ko?" walang tigil na sabi ko.

Tumingin ako dun sa tatlong lalaki na gulat na gulat sa sinabi ko.

"Aish." akmang susuntukin nung isa pero pinigilan lang siya ng kasama niya.

"see? Nandito palang tayo pero ang sama na nang balak niya sakin." sabay duro pa dun sa lalaki.

Bigla namang nag salita yung isa.

"ang sama naman ng tingin mo samin. Walang desperadong lalaki yung mag kakagusto sayo noh! Akasaya lang ng oras kung ibebenta namin yang katawan mo. Walang bibili sayo. Yang utak mo palang nga wala ng laman eh."

Nanlaki naman yung mata namin nung sinabi niya yun.

Si mommy naman nakatingin lang samin habang nag tatalo kami.

"AYOKO sa kanila. Di ako papayag." wika ko.

Kinuha ko yung bag ko sa upuan sabay walk out.





Medical GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon