"Ano bang kailangan niyo sakin?" mataray na tanong ko.
"gusto niyo to?" sabay turo ko sa private part ko.
"oh eto?" sabay turo ko naman sa kamao ko.
"siguro yung una mong sinabi" nakakalokong sabi naman nung isa.
THE HELL?
"bakit ba kasi palakad lakad ang mga babae ng ganitong oras?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
Nanlaki yung mata ko.
"a-anong g-ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanilang tatlo.
Yung tatlong gusto ni mommy na mag bantay sakin.
"isa kang medical student. Karapatan naming bantayan ka. Tss. Kahit ayoko. Pero dapat. This is an order." wika nung nasa gitna.
Anong pinag sasasabi niya? Medical student?
"pero---"
"mamaya na tayo mag usap. Kailangan muna nilang mamatay sa kamay ko." wika niya nang hindi tumitingin sakin.
Binalik ko naman yung tingin ko dun sa mga tarantadong bumato sakin.
Tumatango tango lang siya. Tapos ngumisi.
"hindi pa tayo tapos."
Tumalikod sila at umalis.
Wala pang ginagawa tong tatlong to pero parang takot na takot na agad sila.
"doctor ka ba talaga?" tanong ko sa kanya.
"I mean. Doctor ba talaga kayo?" taas kilay na tanong ko.
"hindi pa kami doctor. Magiging doctor palang." sagot naman nung nasa kaliwa nniya.
Lumapit sila sakin tapos may inabot na envelope.
"Basahin mo yung nakasulat diyan." Sabay ngiti niya.
"hindi nga pala namin obligasyong iligtas ka. Aalis na kami" nakakalokong sabi nung nasa gitna tapos umalis na sila.
"byeee! " habang kumakaway sakin ng nakatalikod.
Napa pout nalang ako at tinignan yung envelope na binigay nila.
What the hell it is?
Binuksan ko yung envelope.
"Shit."
Nanlaki yung mata ko sa nakita ko.
Picture ko na nakauniform akong pang medical student.
Arrghhh.
Gusto kong punitin yung picture sa sobrang inis. Pano nila nalaman?
Kinuha ko yung isa pang papel sa loob.
"pumili ka. Ipapakita namin to sa mommy mo? O ikaw na mismo ang mag sasabi sa mommy mo na pumapayag ka na sa condition niya?"
Pinunit ko lahat ng papel na hawak ko.
Saan ba napulot ni mommy yung tatlong yun? Sa basurahan?
Aish. Nakakinis talagaaaaa.
***
BINABASA MO ANG
Medical Gangster
General FictionIsang babaeng nangangarap maging isang doctor. Gustong maligtas ang sarili at ipag higanti ang mahal sa buhay. Handang sumugal para sa lahat. Mahahanap niya kaya ang pumatay sa kanyang ama?