EPILOGUE
Third person's point of view
"Dul! set! Bang! Tan! Annyeonghaseyo! Bangtan Sonyeondan imnida."
Malakas na hiyawan ang bumalot sa venue nang magsalita na ang pitong kalalakihan na nasa harap nila. Ngayong araw na 'to ay ang fansigning event ng BTS para sa kanilang latest album. Maraming armys ang nakarating at hindi matago ang kanilang kasiyahan at pagkatuwa dahil ilang saglit na lamang ay makakausap na nila nang kaunting minuto ang kanilang mga idolo.
"ARMYs, namiss nyo ba kami?" Tanong ni Namjoon at itinapat ang mic sa mga ARMYs. Puno naman ng hiyawan at sigawan ang sumagot sa kanya.
Ilang minuto pa ay nagsimula na ang event. Kumanta sila ng kanilang comeback song at nakipag-interact sa kanilang mga fans. Kung ano-ano ring kalokohan ang pinaggagawa nila. They never failed to make ARMYs laugh and smile.
Habang abala ang lahat sa pakikipagkulitan sa bangtan, isang babae ang nananahimik lamang at nakangiti habang nakatingin kay Namjoon.
Ilang taon na ang nakalipas nung huli nyang makita si Namjoon. Sobrang saya nya dahil hindi nya akalaing mangyayari pa ang araw na makikita nya ito ng personal. Napapanuod nya naman ito sa ngunit hindi sa ganto.
Nagsimula nang magsign ng album ang bangtan. Masaya silang nakipag-usap sa kanilang mga ARMYs. Sinagot ang ilang katanungan nito and as usual, fanservice. Hindi mawala sa kanilang mukha ang mga ngiti.
"Hello!" Sambit ni Namjoon at ngumiti sa babaeng nasa harap nya na ngayon.
Kumaway ang babae at ngumiti.
"What's your name?" Tanong ni Namjoon.
Naguluhan naman si Namjoon dahil hindi ito nagsalita, ginamit nya ang kanyang mga daliri for sign language.
Naguguluhan pa rin ito at di nya alam ang ibig sabihin ng babae. Napatawa na lamang sya at kinuha ang pentouch at sinulat don ang pangalan nya.
"Namji?" Takang tanong ni Namjoon.
May sinulat pa muli si Namji na syang kinalaki ng mata ni Namjoon.
"I-ikaw yung nagsulat sa journal?" Tumango naman sya at pinakita muli ang ngiti sa kanyang labi.
Hindi maipaliwanag ni namjoon ang nararamdaman nya ngayon. Sya yung babaeng matagal nya nang hinahanap. Sya yung babaeng gustong gusto nyang makita at makausap sa personal.
Sa kasamaang palad, sinita na sya ng staff dahil sa tagal kaya naman dali-daling pumirma si namjoon. Bago pa man makaalis ang babae ay nagsign-language ito ulit at may ibinigay kay namjoon na letter.
Tuluyan na itong umalis at hindi na tinapos ang event. Lumabas na agad sya ng venue. Naiwan si Namjoon nang maraming tanong sa kanyang isip.
"Sabi nung babae kanina, nice to meet you raw." Sabi naman nung babaeng staff tsaka ngumiti kay namjoon. Nagthank you naman si namjoon dahil nasagot yung isang tanong sa isip nya.
"Ingat kayo pag-uwi! We love you!"
Natapos ang event at bumalik na sila sa kanilang van upang makabalik na sa building. Nagkatulog na ang bangtan except kay namjoon dahil nakatulala lang sya sa letter na galing kay Namji pati na rin ang journal na sinulatan nya.
Unti-unti nya itong binuksan kasabay ang unti-unting pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
Dear Namjoon,
hello namjoon! hindi na ako sa journal mo nagsusulat ah HAHAHA. sana mabasa mo 'to kahit alam kong marami pang ibang letters na ibibigay sa'yo yung mga fans nyo.
namjoon, di pa ako nakakapagsorry sa'yo kasi hindi ko naibigay ng personal yung journal mo. iniwan ko lang sa locker mo kasi ewan, nahihiya pa rin ako sa'yo. siguro kasi gustong gusto kita noong mga panahong yun? hahahaha. tsaka hindi rin naman tayo makakapagusap kasi hindi naman ako nakakapagsalita eh.
i'm mute that's why i used your journal to let you know how i feel. dun ko sinabi yung mga gusto kong sabihin sa'yo kasi hindi ko naman masasabi yun sa'yo ng personal eh hahaha hindi mo lang ako maiintindihan.
back then, hindi ko matanggap 'tong sitwasyon ko kasi ang sobrang hirap. but you came. pinarealize mo sakin na kahit ano pa man ako, kahit ano pa mang mali sakin, kailangan kong mahalin ang sarili ko. kailangan kong tanggapin kung anong ibinigay sakin. kailangan kong makuntento.
thank you for teaching me how to love myself, kim namjoon.
— Namji Lee
THE END
BINABASA MO ANG
15 pages || namjoon
Cerita Pendekthank you for teaching me how to love myself, namjoon. - namji