One step closer

11 1 0
                                    

"Tisyang , gumising kanaaaaa"

"Ma , naman eh ang aga palang po "

Si Mama ang taga gising ko tuwing umaga , kumabag human alarm clock ko siya.. KAHIT gusto ko pa matulog , wala na talaga eh hindi ako titigilan at tatantanan hanggat hindi ako bumabangon.

"Bumangon na tisyaaaangg, malelate kana".

"Ma , ang late po eh alas otso hindi po alas singko".

Malapit lang naman ang bahay namin sa school , walking distance lang siya pero kahit sobrang lapit ako pa din ang LATE!

Hindi na talaga matatanggal sa system ko na yun talagang I was born to be late always.

*Beep* *Beep*

ops , may nagtext. Si CRUSH!

ay GM lang pala as in Group Message!

Eto sabi niya

From: Babyloves

Thank you Lord

for another day of my life :D

~

Goodmorning po:)

mgmg

Hayan po ang text niya. Curious po kayo no kung bakit may number si crush sa akin .Ay malamang magclassmate kami noong highschool at hindi lang yun magkalapit lang ang bahay namin :D..

"Tisyaaang , bangoon naaa"

Si mama talaga , panira ng moment kinukwento ko palang si babyloves sa mga readers eh.

"Opo Ma , bababa na po"

Pagbaba ko nakahanda na ang breakfast , yung paborito ko.

Yung ngiti ko abot hanggang sa tenga ganito oh :D..

Vigan, Longanisa ang paborito ko.

Ang sarap kasi , sobrang takaw ko kapag ganito ang ulam ko, sobrang nakakatakam ^-^..

Pagtapos ko naligo at nagpaganda pumasok na ako.

oh my schocks!

Si babyloves!

"Hi Patricia , Goodmorning"

with a smile.

Oh myG! He's so so so handsome , ung umaga palang buo na araw mo, He's so so so cute , lalo kapag nag smile grabe , dapat naka dikit panty kasi talagang malalaglag na sa sobrang kagwapuhan nito.

"Patricia , ok ka lang ?"

"Ah , ako ok lang "

"Alam ko na gwapo ako , kaya napanganga ka"

"Ang kapal mo naman dre , feelingero much?"

Pero sa totoo lang , napanganga ako sa kagwapuhan niya. Intense ang umaga ko.BRRrRRr!

"Tara, sabay na tayong pumasok "

Ang sabi ni babyloves , puso ko ay hindi mapakali.  Kilig to the bones!

Hala PuSo ko kalma , kalma. Chilax lang , Marami pa tayong pagkakataon.

Pareho kaming first yr.college ni Steve , opo steve po pangalan ni babyloves.

Pareho kaming pumapasok sa Centro de Collegio.

Siya Architect ang kinukuha ako naman ay Education.

Magiging isang mabuting guro ako balang araw.

Sabay kami pumapasok , araw-araw dahil pareho kami ng schedule.

PayongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon