Pusong lito

3 0 0
                                    

Paano ko kaya liligawan si Patricia , eh may girlfriend pa ako. Alangan naman na iwan ko si Bianca.

"Babe, parang ang lalim ng iniisip mo ? sabi ni Bianca.

"Ah , wala babe tara kain na tayo"

" Babe mahal mo ba ako ?"

tanong ni Bianca.

Hindi ako nakasagot dahil iniisip ko kung ano na kaya ang ginagawa ni Patricia ngayun. Yayayain ko sana siyang kumain ng lunch kaso alam ng lahat ng girlfriend ko si Bianca.

Si Bianca ang campus queen, kaya lahat ng nakakakita sa amin palaging sinasabi ay perfect match daw. Gwapo + Maganda = Perfect Match pero bati ako nagkakaganito ngayun, gusto ko si Bianca pero mahal ko si Patricia.

"Ha? ano sabi mo babe?"

"ah , wala sabi ko kain kana"

Kunwari hindi ko narinig ang tanong niya para maka iwas na din ako.

Pagkatapos  kumain...

Itext ko nga si Patricia

To: Patricia

Ano ginagawa mo?

Message Sent.....

*Beep**Beep*

From: Stevexcrush

Ano ginagawa mo?

Hala! Nagtext si Steve my ex crush. Joke! Crush ko parin siya kahit may girlfriend kahit may asawa pa yan crush ko parin siya. Sabi nga nila Huwag sumuko agad agad hanggat hindi mo pa sinusubukan , kaya fight lang ako ng fight. Mahal ko talaga siya eh.

To: Stevexcrush

Naka-upo dito sa classroom.

ikaw po?:)

Message sent.....

*beep**beep*

From : Patricia

Naka-upo dito classroom.

ikaw po?:)

Nasa classroom lang pala siya, sino kaya kasama niya? Nagmirienda na ba kaya siya ? Sino kaya katabi niya ngayun.

Anong nangyayari sa akin bakt ako napaparanoid.  Mahal ko siya pero hindi pa ako handa..

Gusto ko malaman kung sino kasama niya ngayun. Paano kaya?

Aha! Bright idea.. Puntahan ko si Bianca at kunwari dadaan ako sa classroom nila.

After 10 mins...

"Hi babe! " sigaw ni Bianca

"Babe , namiss kita ka-agad" sabay hug.

"Anong section dito sa katapat niyo na classroom?"

"Gusto mo sumilip tayo ?"

Sumilip nga kami , nakita ko si Patricia , may katabing lalaki mukhang close sila.

Hahahaha.  Lakas ng tawanan nila..

bakit ganito nararamdaman ko ?

Selos ba ito ?

Ngayun lang ako makaramdam ng ganito.

"Babe , anong problema, natahimik ka bigla?"

"ah , wala babe ang saya naman ng dalawang yun o" sabay turo kila Patricia.

"ah si Clifford yun pinsan ko , tapos yung kasama naman niya si Patricia. Crush ni Clifford si Patricia , ewan ko kung nililigawan na niya ngayun"

What?!!!! Sabi ng UTAK ko.

Para akong napako sa kinatatayuan ko sa narinig ko, HINDI ko matanggap na may manliligaw na iba sa taong mahal ko. Kailangan ko nang gumalaw bago pa makuha siya ng iba.

"Babe , bumalik kana nga sa building niyo , ang lanta mo na tignan"

"cge babe, alis na ako"

Ngayun para na akong ewan nakatunganga.. nang maalala ko.

Hindi ko pa pala nireplayan ang text ng mahal ko.

To: Patricia

Naka- upo din ,  kasama mo ?

Sending Failed...

Ay! Anak ng.... Bakit ngayun pa walang load ?  Bakit ? Kakainis naman o, baka maagaw na siya sa akin ng iba.

Patricia.. Mahal. kita pero gusto ko si Bianca...

Gusto ko si Bianca pero hindi ko mahal .

Mahal ko si Patricia pero hindi ko siya gusto.

Ang gulo ng puso ko , nalilito.

Ang gusto ba o yung mahal?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PayongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon