Dahil sa sobrang ilusyonada ko , sa kakaday dream ko. Nadulas ako at natapun ung juice na pinapakuha ni mama sa akin.
Flashback...
Ang saya naman nito , sana araw araw na ganito , hindi ako makapaniwala nandito sa bahay namin ang boyfriend ko na future husband ko. Habang tinitignan ko sila ni mama na ang saya nag-uusap,
Pinag-uusapan kaya nila kung ano ang unang magiging apo ni mama kung babae ba o lalaki o kung ano ang ipapangalan..
*Blag*
Hindi ko nakita ang basang sahig at ako'y nadulas.
~End of Flashback~
At ngayun nakabenda na ang kamay ko , nabalian ako :(
Magugustuhan pa kaya ako neto ni babylove ko. Naturn off na nga sa sobrang kalampahan ko tapos nakabenda pa kaliwa kung kamay .
Tatlong linggo pa daw bago bumalik sa dati at matanggal yung benda.
Ang boba naman Patricia!
Why so tanga?
*tok**tok*
"oh iho , ang aga aga nandito ka ?"
"Goodmorning po tita , si Patricia po kumusta na?, susunduin ko po sana siya papasok ng school baka po kasi mahirapab siya"
Hala! familiar yung boses na yun , parang alam ko na kung sino , kasi nag react ang puso ko eh.
Kay steve lang naman ito nagrereact.
Hala , dapat maganda ako sa paningin niya.
But wait , may girlfriend na siya at huwag kang ASA Patricia!
"Pasok ka muna iho , ang tagal kasi magbihis ng anak ko eh"
"Nak, bilisan mo may naghihintay sayo sa baba"
"Sino po Ma?"
Kunwari hindi ko alam , painnosente pa daw ako.
"Sino ka jan ,alam ko na alam mo kung sino"
"Opo bababa na nga po"
Kunwari gulat ako , ang galing kung umakting , pang Famas na to!
"Oh anong hangin ang nagdala sayo dito ?"
"Hangin ng kagwapohan , bilisan molelate na tayo"
"Aba! Umagang umaga nagsisinungaling ka ang tinde mo din dre"
"Crush mo naman" sabay lapit ng mukha niya with a smile.
Hooh! Nag init pisngi ko , kilig na kilig ako dun ha.
"wait may nakalimutan ako sa kwarto ko"
Kunwari may nakalimutan ako , bumalik ako para tumili ayiihhhh!
Kilig na kilig naman ako dun , Happy heart ako dun , but wait...
Ano sabi niya , CRUSH ko siya?
Sino nagsabi?
Hala , nahihiya na ako nito..
Pero Chilax , kalma lang kunwari hindi mo narinig.
"Bilisan mo naman jan , hoy malelate na tayo , wag kana magpaganda dahil maganda kana naman na"
Ha? Ano sabi niya ? Ako maganda?
Ang saya naman ng umaga ko.
Steve's POV
Ang gwapo!
Iyan ang palagi kung naririnig kahit saan ako magpunta. Ako nga pala si Steve Alejandro , half pinoy half american pero laking Pilipinas ako , iniwan kami ng tatay ko sanggol palang ako. Kaya cguro ang gwapo ko kasi may ibang lahi ang dugo ko.
Sa totoo lang matagal ko nang crush si Patricia , noong unang lipat palang namin ni mommy dito , Naglalakad siya noon pauwi ng bahay nila nakuha niya talaga attensyon ko. Ang ganda at simple niya pero hindi ko masabi sabi ang nararamdaman ko sa kanya kasi torpe ako at sa lahat ng na girlfriend ko , hindi ako nanligaw. Sila ang nanligaw sa akin.
Kaya hindi ko alam kung paano manligaw.
Noong unang beses akong pumasok. sa bahay nila , inutusan ako ni tita na kumuha ng unan sa kwarto niya nang makita ko ang malaking picture ko na nakadikit sa may ceiling.
At mga nakadikit na "Balang araw mapapasa akin ka Steve Alejandro" , "I love yoo Steve " , " I like you Steve ", May girlfriend na si babylove Steve ko :'("
"Magmove on kana Patricia"
Gusto pala niya ako , nako heto na yung chance. Akala ko kasi hindi niya ako gusto kasi hindi niya ako masyadong pinapansin at nginingitian.
Ano kaya ang gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Payong
Short Storyhello there! pasensya na sa kwento ko. pers taym eh:D kaya paki intindi nalang ako sa ngayun. so bale , GANITO po pala ang daloy neto. "Payong" bakit nga ba payong ? wala lang trip ko lang. at trip ko lang din ang gumawa ng kwento.... :) sana m...