Bumaba na ako sa sasakyan ni Mason at nagpaalam sa kaniya.
"Are you sure you're going to be fine?" Tanong nito, ngumiti lang ako sa kaniya.
"I will be. Sige na mauna ka na. Alam kong may family dinner kayo ngayon. Wouldn't want you to be late." Sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya.
"Basta, call me when you need someone to talk to okay?" Tumango lang ako sa kaniya at agad naman niyang pinaharurot ang kotse niya. I mindlessly went inside my dorm, I basically live by myself.
I went to my pantry at kumuha ng skyflakes doon. I need to calm down, akala ko ba ay magpapahinga na ako? Iniwan ko ang skyflakes doon sa sala at nagbihis muna. Napatingin naman ako sa salamin at natanto kong ang lalaki na ng eyebags ko tas ang pula pa ng mata ko sa kakaiyak. Ang lagkit din ng pisngi ko dahil sa mga luha.
Naligo nalang ako at agad na bumihis ulit. Sumalampak ako sa couch at kumain ng skyflakes. Hindi ako mapakali hanggang ngayon sa kakaisip kung ano na ang lagay niya. How did he get into an accident? I cried again.
"You idiot Hugo. Bakit mo pinabayaan ang sarili mo?!" Sigaw ko at hinampas-hampas ang unan. I immediately went to my mac at pumunta sa website ng PAL. Tutal spring break naman namin and I have 3 weeks to spare.
Hindi pa ako nakapag-uwi ng Pilipinas sa apat na taon kong stay dito. Kahit na may breaks in between I chose the jetsetter life. I went to different parts of America at kahit sa ganon ay nababawasan rin ang sakit na nararamdaman ko. And now? Unti-unti na namang bumabalik ang lahat ng sakit.
My brother and my parents visit me yearly at kinukumbinse din nila akong umuwi na ng Pilipinas pero umayaw muna ako. Kasi nung mga panahong iyon ay hindi pa ako handa para umuwi doon. I booked a one way flight, at nagdecide na hindi ko sasabihin sa mga parents ko na uuwi ako. It's better to surprise them.
I will only stay there for 3 days. Hindi sa ipinagdadamot ko ang sarili ko pero ayokong manatili ng mas matagal pa doon. I didn't text anyone or tell anyone about my flight. Kahit sina Erik, or Mason. Nang makapagbook ako ng flight ay agad akong nag-impake. My flight will be at 9:30 tonight and I will arrive in the Philippines on Sunday at around 5-6 AM.
No stops kasi iyong pinili ko and the trip takes 20 hours at least from New York to Manila.
--
"We will be landing in 20 minutes..." Sabi nung moderator at napatuwid naman ako ng upo. I'm so excited to see my parents! And him..
Nang makalanding ang plane ay agad na kaming bumaba. Medyo natagalan lang ako ng onti sa immigration pero pagkatapos ko doon ay pumara ako ng taxi. I only brought a backpack and slingbag since marami naman akong damit sa bahay.
"Salamat kuya!" Sabi ko nang makarating na sa tapat ng bahay. I quietly went in and nakita ako nila manang. They were preparing breakfast and I'm guessing na tulog pa ang lahat.
"Iha! Bakit ka nandito?" Tanong ni manang.
"Surprise po ito 'nang. Namiss ko ho kayo!" Masayang bati ko kay manang Rita at ngumiti naman siya.
"Akyat lang po ako ha?" Tumango lang siya at bumalik na sa kusina para umasikaso ng almusal.
I immediately went to my parents room at nakita kong tulog na tulog pa sila. I jumped on their bed at halata ang gulat sa mata nila.
"I'm home!! Surprise!!" Sigaw ko at bumangon naman silang dalawa.
"Anak!! It's so good to see you!"
"Ba't hindi mo kami sinabihan na ngayon ka dadating? Or uuwi ka? We could've booked you a flight." Sabi naman ni papa, they both hugged me at namiss ko ng lubusan ito.
"Eh gusto ko po kasi kayong isurprise. Sina kuya?" Tanong ko,
"Nasa kwarto nila, tulog pa yata. Naggame-night kasi sila kagabi kaya ayon, nagpuyat." Napanguso ako sa sinabi ni mama, hindi man lang nila ako sinama sa game night nila.
"Sige na po mama, sila naman yung guguluhin ko." Sabi ko at napatango lang silang dalawa.
Bumaba ako at humiram ng malaking kawali at isang steel na spatula. Napakunot naman ang noo nila manang pero nginitian ko lang sila. Humanda kayo kuya Syron.
Umakyat ako sa taas at pumosisyon sa gitna ng mga kwarto nila. Magkatabi kasi ang kwarto naming apat kaya tumayo ako doon at huminga ng malalim. Hwag sana kayong magalit.
*bang*bang*bang*
Kinalampag ko ang steel na spatula sa kawali kaya sobrang ingay nito. Ginawa ko iyon for five minutes at nakita kong sabay na nagsilabasan sa kwarto nila ang tatlo kong kapatid. Si Sierra kumukusot ng mata, si Sienna na parang nabulabog, at si kuya na parang susuntok na any minute.
Magsasalita pa sana sila pero imbes na ganun ay nanlakihan ang mata nila.
"Ate?!"
"Ate Seah!!"
"When did you get here?!"
"So tatayo nalang kayo diyan?" Nilingon ko si mama na nakapameywang habang nakaakbay naman si papa sa kaniya. Natawa nalang kaming apat at nagsitakbuhan ang mga kapatid ko sakin.
"Gosh! Ang lalaki niyo na! It's been four years!" Sabi ko at nagtawanan naman sila.
"Tama na iyan, halina't kumain ng almusal." Sabi ni papa kaya sumunod naman kami. Umupo na kami sa dining table at nagsimula nang kumain.
"Kailan ka pa dito Sei?" Tanong ni kuya,
"Kaninang 5 naglanding ang plane ko, natagalan nga lang ako sa immigration." Sabi ko habang nilalantakan ang pagkain ko.
"Ba't di mo ako sinabihan? Sinundo nalang sana kita."
"Kuya, I'm 24 kaya ko na ang sarili ko. Plus hindi naman ako napahamak." Tahimik lang si kuya pero nagsalita naman si Sienna.
"24 ka na ate wala ka pa ring boyfriend." At natigilan ako.
"Sienna," Banta ni kuya. Tumikhim lang ako at nginitian siya.
"Okay lang kuya. Ikaw naman Sienna, don't mind ate. Just focus on your senior highschool." Sabi ko at nag-alinlangan naman siyang tumango sakin.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako kela mama para sorpresahin sina Erik. Pero bago iyon ay minessage ko muna siya sa messenger.
To: Beking Erik
Beks, pinapatawag kayo sa bahay ni kuya. Please bring Kai and Tamara along, may kailangan daw siya sa inyo.Agad naman itong nag-reply.
From: Beking Erik
Ha?! Bakit? May nagawa ba kami?Ngumiti naman ako,
To: Beking Erik
Basta. Asap.Hindi na ako nagreply pa at naghanda na sa kwarto ko. Nang makalabas ako ng kwarto ay nakita ko si kuya Sy sa tapat. Napakunot naman ang noo ko.
"Oh kuya. Ba't andito ka?" Tanong ko,
"Alam kong biglaan ang uwi mo dito Seah. You can't fool me." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni kuya. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.
"You went home here kasi alam mong naaksidente si Hugo. I won't let you go and visit him Seah. Sinaktan ka ng gagong yon-"
"Kuya no! Oo umuwi ako dito kasi gusto ko siyang dalawin, at gusto ko rin kayong makita. At kuya hindi niya ako sinaktan. I broke his heart and I know very damn well na alam mo iyon." Sabi ko sa kaniya.
"I will be staying here for 3 days at babalik na rin ako kaagad sa New York." Mariing sabi ko.
"So will you please just let me visit him? Kuya,"
"Siya pa rin ba Seah?" Tanong ni kuya.
"Kuya,"
"Tell me, Seah Hera. Siya pa rin ba?" Ipinikit ko ng mariin ang mata ko to stop my tears from falling.
"O-oo kuya. Four years later, siya pa rin." Sabi ko at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.
When will the pain stop?
BINABASA MO ANG
Losing You
Teen FictionSometimes assurance is not enough to define love. Nagmamahalan nga kayo, pero it it enough? Para naman kay Seah Sarmiente, pag mahal mo- babalikan mo, pag mahal mo sapat na. Kasi mahal mo eh. Ba't mo iiwan? Ba't hindi magiging sapat? Pero yan kas...