"I will meet you all in the orientation next week. Thank you, class dismissed." Agad naman kaming napatayo at nag-inat sa klase ni ms. Del Monte.Nakakastress beshy!
"Uy! Lunch na, san tayo kakain? 3 PM pa naman yung last period natin." Excited na puna sakin ni Kaira. Yung medyo annoying na friend ko. Absent kasi si Tamara eh.
"Hwag kang atat Kai. Hindi tumatakbo yung pagkain. Mag-carenderia nalang kaya tayo?" Sabi ko. Totoo naman kasi, mas nakakatipid kapag carenderia lang.
Minsan nagfa-fastfood rin kami, mga jollibee, mcdo, o kfc pero kadalasan sa carenderia kami kumakain.
"Oo nga. Tsaka masarap pa rin yung tortang talong ni nanay Brenda!" Sabi ni Kai kaya kinuha na namin yung bag namin at umalis na sa room.
Nang makalabas kami ni Kai ay may narinig kaming tilian sa hallway.
"Oh my gahd! Ang gwapo-gwapo!" Rinig kong tili ng isang babae.
"Fafa! Shet!"
"Oh my gosh! Kinindatan nya ako!"
"Sheteeee!"
Mga narinig kong tilian sa hallway kaya napakunot ang noo ko.
"Ano ba ang nangyayari?" Tanong ko sa isang babae.
She just looked at me at bumalik sa pagtitili doon. Snob.
Sarap dukutin yung mata. May dila pa ba to? Sarap na ring tirisin. Baka hindi ko na matantya to ah.
"Seah! Tara na!" Pag-anyaya sakin ni Kai kaya umalis na ako doon.
May tumitili pa rin, kaya medyo nahirapan kaming lumabas dahil ayaw pausog yung iba. Leche.
"Seah." Isang baritonong tinig ang nagpatahimik sa lahat. I carefully looked sa kung saan man nanggaling iyon.
What the freaking f?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang binibigyan sya ng isang matalim na tingin.
"Sinusundo ka. Obviously." Aba't pinilosopo pa ako!
"Omg. Ang gwapo nya kapag malapitan!" Tili nung isa kaya napairap ako.
"I am not going to go with you." Matigas na sabi ko.
"Your mom and dad talked about this yesterday right? Kaya hwag kang magreklamo dyan." Pagsusungit nya at hinawakan yung palapulsuhan ko.
"Ano ba?!" Sigaw ko at pumipiglas sa hawak nya. Naiwanan ko tuloy si Kai!
"You're going with me. 3 PM pa yung class mo Seah Hera." Sabi nya na lalong nagpainis sakin.
"Stalker ba kita ha? Bitawan mo ko Hugo Dela Paz!!" Sigaw ko nang makaabot na kami sa tapat ng sasakyan neto.
"Nope." He simply said popping the "p". I frowned at pumiglas sa hawak nya. Anddd, I successfully did it! Agad akong tumakbo at since kinukulang ako sa height at hindi mahaba yung binti ko ay nahabol nya ako kaagad.
"Bwisit ka! Pakialamero! Bitawan mo nga sabi ako! Nagugutom na ako Hugo!" Sigaw ko.
"Nakakarindi na yang sigaw mo Seah! Tumahimik ka nga!" Seryosong sigaw nya kaya itinikom ko ang bibig ko.
Naramdaman ko ring medyo naging maluwag yung kapit nya sakin, siguro nabigla rin sya sa sinabi nya.
"Sorry—" bago pa nya matapos ang sasabihin nya ay padabog na pumasok ako sa sasakyan nya.
Nakakainis! Nakakagigil! At nakakabwisit!
Pumasok rin sya sa sasakyan with a worried look.
"Sorry Seah Hera, but you're stuck with me now. And you're my responsibility starting from this very minute." Sabi nya kaya mas lalong bumusangot yung mukha ko.
HINDI KA NA NAKAKATUWA DELA PAZ!
BINABASA MO ANG
Losing You
Ficção AdolescenteSometimes assurance is not enough to define love. Nagmamahalan nga kayo, pero it it enough? Para naman kay Seah Sarmiente, pag mahal mo- babalikan mo, pag mahal mo sapat na. Kasi mahal mo eh. Ba't mo iiwan? Ba't hindi magiging sapat? Pero yan kas...