Pagkalapag ko ng mga order nila, narinig ko na lang ang biglang pagtunog ng cellphone ko.
Kring! Kring! Kring!
*Abigail's Calling*
"Ano kayang kailangan nito?"
sinagot ko agad ang tawag ni Abigail."Oh Abby napatawag ka?"
"Sab si Kylbe,aalis na..pupunta siyang America,nandito kami ngayon sa Airport"..
-sabi sa kabilang linya-" Huh? Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Ngayon lang din namin nalaman,pumunta kasi kami kanina ni Temmy sa bahay nila pero wala na daw siya doon,kakaalis lang daw papuntang Airport, nagulat nga kami, hindi man lang siya nagpasabi at nagpaalam satin, kaya ayun napasugod na kami dito sa Airport, hinahanap nga namin siya".
" Ok sige susunod ako diyan"
"Sige bilisan mo lang, baka sakaling maabutan pa natin siya.."
Ano kayang problema nun? Biglaan ata ang pag-alis niya..
Dali dali Kong tinanggal ang apron na suot ko, tumakbo na ako palabas ng Restaurant, Hindi na ako nakapagpaalam pa sa Manager namin at kay Yeri,..wag naman sana akong mawalan ng trabaho,haiisst bahala na nga mamaya, gagalingan ko na lang mag-explain mamaya, basta ang importante ngayon,mapuntahan ko yung wrong timing lagi na best friend ko. Nagpara na rin ako ng Taxi."Saan po tayo Ma'am?
"Manong sa Airport po, pakibilis na lang po,nagmamadali ako, kung kailangang paliparin ang taxi gawin niyo na rin po"
Sa kamamadali ko kung ano ano na tuloy pinagsasasabi ko,dinamay ko pa si Manong Driver sa mga kalokohang lumalabas sa bunganga ko.
After a while ago..
"Mam nandito na po tayo"
"Bayad po..salamat"
Kumaripas na ako ng takbo sa loob ng NAIA. Nakita ko sina Temmy at Abby nagkakandaugaga sa paghahanap.
"Uy guys! Ano na? Nakita niyo na ba si Klybe?" bungad ko sa kanila
"Nandito ka na pala, Hindi pa nga namin siya nahahanap eh, tara hanapin natin"
"Wait lang,hindi ba siya yung nakaBrown na Leather Jacket at nakatimberlake na sapatos"
NagdaDoubt pa ako pero alam kong siya yun.Yahh siya nga!! sambit agad ni Abby na parang gulat na gulat
Nakaupo si Kylbe sa hintayan ng mga susunod na paFlight..malamang na papuntang Amerika yung hinahantay niya, kaya tumakbo na rin kami agad sa kinaroroonan niya.
"Kylbe! Kylbe!" pagkuha namin ng atensyon sa kanya,napadako naman ang tingin niya sa kinaroroonan namin na tiyak na ikinagulat din niya
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Klybe samin
"Kami nga dapat nagtatanong sa iyo niyan eh,hindi naman kami pupunta rito kung wala ka dito, atsaka ano ba trip mo Klybe at napadpad ka dito sa Airport" pag-uumpisa ko
"Ahmm,magbabakasyon lang ako sa America"
"Magbabakasyon..pero walang paalaman!!, kung hindi pa kami pumunta in Temmy sa bahay niyo malamang wala kaming kaalam-alam na ang isang childhood friend namin ay umalis na at tuluyan na kaming tinalikuran..para namang wala tayong pinagsamahan niyan eh" sermon ni Abby sa kanya
"Kaya nga,tama si Abby, 11 years Kylbe,11 years tayong naging magkaibigan, ang tagal ng pinagsamahan natin pero ngayon ka pa talaga nagsekreto samin" panunumbat ni Temmy
BINABASA MO ANG
THE HEARTHROB GIRL BUT STICK TO ONE
Teen FictionMabait,Masipag,Palakaibigan,Talented at maganda,,,nasa kanya na ata ang lahat ng ugali na hinahanap ng isang lalake..pero kahit Hearthrob,STICK TO ONE siya...Pero kanino kaya??