Sab POV
"Sure ka bang hindi ka sasabay saken?"
"Hindi na Yeri, baka mainip ka lang kahihintay sa akin, kaya mauna ka na"
Lagi naman talaga kaming nagkakasabay ni Yeri sa pag-uwi, ngayon lang talaga kami hindi nagkasabay dahil nga sa emergency na pinuntahan ko kanina, umalis kasi akong nakaDuty nang wala pang paalam kaya eto ang parusa saken, ang mag overtime..it's ok, 2 hours lang naman ang idinagdag na oras saken..
"Ok sige mag-iingat ka na lang mamaya pag uwi mo" pamamaalam ni Yeri
"Oo salamat, mag-iingat ka rin"
Natapos ang pamamalagi ko sa Restaurant ngayong 4:00 pm, umalis na ako at nagpaalam na rin sa aming Boss, iniisip ko ng umuwi pero may biglang tumawag saken
"Unknown Number's Calling"
Bagaman Hindi ko alam kung sino tong tumatawag, sinagot ko naman agad baka kasi emergency na naman.
"Hello po,sino po sila?"
"Are you Miss Ladrillono?"
"Hmm,ako nga po,bakit po?"
"I think you need to go here in SC Bar, I'm just asking you some question later, before the approval for your application"
sabi sa kabilang linyaNaalala ko bigla yung pag-aapply ko sa Bar, siguro eto yung manager ng Bar at siguro nabasa niya na rin yung Resume at Application Letter ko kaya agad niya rin ako tinawagan, timing din naman yung pagtawag niya,kasi tapos na ako magtrabaho sa Restaurant.
"Yes Ma'am Sure"
Hindi ako sa bahay dumiretso, kundi dumiretso na akong SC Bar, naglakad na lang ako, mga isang kilometro lang naman ang layo nito sa Misazuki Restaurant kaya di na masama kung lalakarin ko.. Gaya nga ng sabi ko kanina,nag apply ako sa Bar,dahil raketera naman ako naghanap uli ako ng pagkakakitaan. Hawak ko naman lagi and schedule ko,kaya alam Kong madami pa akong oras na Hindi at ayaw na ayaw Kong sayangin..
Habang binabagtas ko ang daan, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga lalaking tumitingin sa akin, ang tatalim kasi ng tingin, yung iba parang ang lalapot ng tingin, yung titig nila na nakakatunaw, yung titig nila na parang may mga pagnanasa na, feel ko madumi mukha ko, oo alam Kong galing ako sa trabaho, pero tumitingin ba sila dahil nakakakuha ng atensyon ang pagkahaggard ko o dahil ang hot ko pa ring tingnan?? Alam kong maganda ako,pero sa kalagayan ko bang to na galing sa trabaho,maganda pa rin sa paningin nila?
Well, sa nakikita ko mukhang oo ang sagot..haha,natatawa na lang ako kasi mukhang may mga girlfriend sila,nagiging makasalanan tuloy sila..
Binilisan ko na lang ang paglakad ko para makaiwas na rin sa mga kakaibang titig nila. Hanggang sa di ko na namamalayan na nasa SC Bar na pala ako.Pumasok ako sa loob at nakita kong maraming nag-iinuman doon, malamang Bar nga diba,kaya maraming drinks,wag ka ngang tanga Sab,
Nakita ko rin ang mga babae't lalake na sumasayaw, may mga lasing na, yung iba naman may kanya kanyang kaDate at kakwentuhan sa Bartending Area, infairness ang gagwapo din ng mga Boy dito sa loob..iba't ibang lahi, first time ko pumasok dito sa Bar,kaya medyo kinakabahan ako, parang ngayon pa lang iniisip ko ng magBack out, parang ayoko nang pumasok magtrabaho dito pero sayang naman kasi yung opportunity kung tatanggihan ko, hiring pa naman talaga ang Bar na to,lalo na marami palang costumer.
Sabi sa Orientation ko na kapag maraming costumer,mas malaki ang kikitain ko. Pero ang tanong, kaya ko ba? "Kaya mo yan Sab,kayanin mo,para sa pamilya mo"
Habang nasa kalagitnaan ako ng pangongonsensya ng aking utak, biglang may narinig akong pagtawag sa akin mula sa likuran ko. Sana walang nakakilala saken,sana wala akong kilala dito. Wala kasi ni isang may alam na nag apply ako dito,kahit ang katrabaho Kong si Yeri,hindi alam ang tungkol dito. Alam ko kasing pipigilan niya ako. Tiyaka ko na lang sasabihin sa kanya kapag natanggap na ako magtrabaho dito. So ayun,hinarap ko ang babaeng kanina pa tawag ng tawag saken."Beautiful lady in front of me,Are you Miss Ladrillono?"
tanong ng isang maganda at maputing babae pero mukhang ang edad niya ay nasa 40's"Yes I am" bitin kong sagot
"OK, follow me"
Kung hindi ako nagkakamali,malamang na siya yung tumawag saken kanina na Unknown number,at malamang siya rin yung Manager nitong SC Bar. Sinundan ko lang siya
"Base on your Resume, every weekdays ng umaga until 2:00 pm, isa kang Waiter sa Restaurant, and then Online Tutor ka naman sa gabi, at weekend rest time mo yun, pero weekend din ang available mong time makapagtrabaho dito,right?"
"Yes Ma'am, sayang din po kasi yung mga oras na lilipas kung nasa bahay lang ako"
"Kung tatanggapin kita dito, tatlo na ang trabaho mo, bakit ba ganun mo kagusto na magkaroon ng maraming trabaho? Bakit? May pamilya ka na bang pinaglalaanan? di ka na ba nag aaral?"
"Hindi na po ako nag aaral, tumigil po ako since when I was in 2nd year college, at opo may pamilya akong pinaglalaanan, namatay na po ang tatay ko,at may cancer po si mama, may sakit din po ang dalawa Kong kapatid, kaya ako lang po talaga ang nasa kalagayang tulungan sila at sapatan ang aming pang araw araw na pangangailangan"
"Oh,OK I understand, maganda ka Iha, at nanghihinayang ako sa kagandahan mo kasi naman yung mga kagaya mo ay dapat paChill chill lang sa buhay, pero atleast bilib pa rin ako sayo kasi handa kang kumayod para sa pamilya mo, pero last na tanong, Sure ka ba na pasukin tong trabahong to, kaya mo ba?"
"Yes Ma'am, kakayanin po"
"Dibale pag nagustuhan ka ng mga costumer, o nagustuhan nila ang serbisyo na binibigay mo,higit sa offer Kong mataas, tataas pa ang sweldo mo sa ibibigay nila,kaya galingan mo huh..Congrats, Tanggap ka na Miss Ladrillono"
"Pwede ka ng magstart kung kailan mo gusto"
Kinakabahan talaga ako,sinabi ko lang Kay Mam na kakayanin ko,kasi ayokong magpadaig sa takot at para sa pamilya ko to..
A/N: Ano naman kayang trabaho tong pinasok ni Sab? Tanggap na siya sa SC Bar, pero anong trabaho ang papasukin niya? Magiging bayaran ba siya?
Tama lang kaya na pinasok niya ang gantong trabaho?
Abangan ang next chapter.
BINABASA MO ANG
THE HEARTHROB GIRL BUT STICK TO ONE
Novela JuvenilMabait,Masipag,Palakaibigan,Talented at maganda,,,nasa kanya na ata ang lahat ng ugali na hinahanap ng isang lalake..pero kahit Hearthrob,STICK TO ONE siya...Pero kanino kaya??