Kabanata 7 Si Simoun

54.9K 40 1
                                    

Kabanata 7 Si Simoun Buod
Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag na palapit. Nangubli siyan sa puno ng baliti. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio-ang mag-aalahas nang mag-alis ito ng salamin. Nangsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol. Naalaala si Basilio. Ito ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun- ang si Ibarra?
Napakita na kay Simoun si Basilio at nag handog ng pagtulong bilang ganti sa tulong na ipanagkaloob nito nam ay 13 ton na ang nakalilipas. Tinitutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Sino ako sa palagay mo? tanong ng mag-aalahas. Tugon ni Basilio. Kayo po'y isang taong mahal sa akin, kayo'y ipinalalagay ng lahat, matangi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong ikinalulungkot. Lumapit si Simoun sa binata. Aniya: Basilio, ika'y naghahawak ng isang lihim na maaring magpangayaya sa akin, at ngayo'y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak. At sinabi ni Simoun na dapat ay patayin na niya si Basilio upang iligtas ang kanyang layunin. "Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ika'y di ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan Dapat tayong magtulungan.
At inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito ang pagkakapaglibot sa buong daigdig upang magpakayaman. Nagbalik upang ibagsak ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo. Siya raw ay sadyang nagpapalala sa pag-iimbot at pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik.
Nguni't sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at humihinging gawing lalawigan ng Espanya ang pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ito raw ay magbibigay daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Ibig raw nina Basilio na matulad ang Pilipinas sa mga bansang magugulo sa Timog Amerika (South Amerika).
Ayon kay Basilio ang kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas.
Ito'y pinabulaan ni Simoun. Anya: Ang kastila kailanman ay di magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ; sapagka't sa mga kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila. At ang iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, paaalipin. Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang wika. Tinuligsa rin niya ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling wika.
Mabuti, ani Simoun, at hangal ang pamahalaang Kastila na ayaw magpaturo ng wika nito sa mga nasasakupang di tulad ng Rusya at Alemanya. Ani Simoun: Kayo'y nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika, napananatili rin nito ang kanyang paglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng bayan .
Inihimutok ni Simoun na ang kilusan ng kabataan sa pagpapaturo ng Kastila ay ipinagdurusa ng kanyang loob. Naniniwala siyang matapat sa kabataang ito ang paniniwala na sa kapakanan ng bayan ang kanilang ginagawa. Ninais niyang kausapin sina Isagani at Macaraeg. Nguni't baka di siya pakinggan ng mga ito. Naisip rin niyang pagpapatayin ang mga ito.
Nagpatuloy si Simoun ukol sa kilusang ibinunsod ng kabataan Bukod sa isang pag-aaksaya ng panahon ay nilinlang ninyo ang bayan sa pag-asa sa wala at tinutulungan ninyong magyuko ng ulo sa mga mapangamkam. Ayaw silang matulad kayo sa mga Kastila? Napakabuti! Paunlarin ninyo ang katutubong ugali. Ayaw kayong bigyan ng kinatawan sa Kortes? Mabuti. Ano ang magagawa ng isang tinig sa karamihan? Habang nagmamaramot sila sa pagbibigay ng karapatan sa inyo lalong malaki ang matatamo ninyo pagkatapos upang ibagsak sila at gantihan ng sama ang sama. Ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika, paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa. Huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at sila'y bahagi ng bayang ito kundi manlulupig at dayuhan. Sa gayo'y matatamo ninyo ang paglaya. Iyan ang dahilan at binayaan ko kayong mabuhay!
Nakahinga si Basilio. Aniya'y di siya pulitiko. Lumagda siya sa kahilingan ukol sa paaralan dahil inaakala niyang iyo'y mabuti. Sa panggagamot daw siya nakaukol.
Sa kasalukukuyang kalagayan daw ay di makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay Simoun. Ang sakit ng bayan ay siyang higit nangangailangan ng kagamutan. Walang halaga ang buhay na di nauukol sa isang layuning dakila, parang isang bato sa linang sa halip maging sangkap sa isang gusali.
Ani Basilio pinili niya ang siyensiya para makapaglingkod sa bayan. Nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap. Ang karunungan ay panghabangpanahon, makatao at pandaigdig. Sa loob ng ilang daantaon, kapag ang sangkatauhan ay tumalino na, kung wala nang lahi-lahi, lahat ng bayan ay malaya at wala nang mang-aalipin at napaaalipin, iisa na ang katarungan at lahat ng tao'y mamamayan na ng daigdig at ang tanging layunin ng tao ay pagkakamit ng karunungan, ang salitang kagitingan at pag-ibig sa bayan ituturing na panatisismo o kabaliwan at ikabibilanggo ng nagsasabibig nito.
Napailing si Simoun. Upang makaabot daw sa kalagayang sinabi ni Basilio ang daigdig kailangan munang lumaya ang mga tao at ito ay nangangailangan namang pagpapadanak ng dugo upang ang mga sinisikil ay makalaya sa mapaniil. Pangarap lamang daw ang kay Basilio. Ang kadakilaan ng tao ay di magagawa sa pagpapauna sa kanyang panahon kundi nasa pagtugon sa kanyang pangangailangan at hangarin sa pag-unlad.
Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ni Basilio. Inulos niya ng tuya si Basilio. Sinabi ni Simoun na walang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay ng ina na parang babae. Paano ako makapaghihiganti? tanong ni Basilio. Ako'y dudurugin lamang nila. Sinabi ni Simoun na tutulungan siya. Hindi na raw bubuhayin ng paghihiganti ang ina o kapatid niya, tugon si Basilio. Ano ang mapapala ko kung sila'y ipaghihiganti? .
Makatulong sa iba nang di magdanas ng gayon ding kasawian, tugon ni Basilio. Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan, ito'y kasalanan kung nagbibigaay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin. At ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang kamumuhian. Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi, ani Simoun. Nguni't di ko sila pinakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at mabuhay. Tugon ni Basilio na sinundan ni Simoun ng:
At magkaanak ng mababait na alipin Ang mga damdaming mabuti o masama ay namamana ng anak. Kayo ay walang hangad kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa inyo, ituturing ninyong kayo'y mapalad na.

Magmamadaling araw na. Matapos sabihing di niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta. Nagpasalamat si Basilio. Naiwan si Simoun na nag-iisip: Di kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak itong maghiganti nguni't naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o sadyang wala nang hangad maghiganti. Lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti.

El Filibusterismo (Buod ng bawat kabanata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon