Chapter Five

1.4K 46 0
                                    

Chapter Five
         
          
Sabi ni Mama noon, isa raw akong bata na may pagkafriendly at snobbish. Kung titignan, friendly raw ako kasi marami akong kakilala at kapag kinakailangan talaga. Kapag naman di ko kilala at wala akong kailangan sa kanila, snob ako. Hindi naman daw sa user ako. Ayaw ko lang daw na magfeeling close sa di ko kilala.

Di ko nga nagets eh. Pero nung napansin ko na maraming bumabati sa akin sa hallway na di ko kilala tapos iniisnob ko lang na parang di ko narinig, masasabi kong naintindihan ko na. I mean who won't?! Minsan maririnig ko na lang ang pangalan ko sa loob ng perimeter ko. Yun pala pinag-uusapan na nila ako.
         
          
"Snob pa rin siya."

"Halata naman. Tignan mo o. Ang seryoso ng mukha. Kailan kaya yan ngingiti gaya ng dati?"

"Ngumingiti naman yan eh. Nakita mo yung mga post sa page niya?"

"Ay oo nga noh? Buti natetyempuhan nung kumukuha sa kanya ng litrato yung mga ngiti niya."

"But is that even legit? Yung mga stolen pics niya. I mean pang professional talaga yung kuha ng photographer."
         
          
That tick me off.
         
          
"Who knows? Parang love sick puppy yung may gawa. I mean parang stalker-ish ang dating na hindi."

"I know right. Buti di pa narereport. I'll get creeps if ako ang nagiging sentro ng mga pics niya."

"Yet she's not giving a care at all."
         
          
Tiis muna, Mirovi. Baka aalis din sila.
         
          
"Pero alam mo. Agree ako sayo. I mean ang hirap kaya tyempuhan ang nakangiting Mirovi Ortiza."

"Para talaga siyang bato."

"Oo nga. Saka si Azen Orzina? Remember him? Napapangiti rin siya nung lalaking yun. Akala ko nga sila kasi tinanggihan niya si Derek. Yun pala kaibigan lang talaga sila."

"Really? So wala pa siyang boyfriend?"

"Yeah. Kaya nga-"
          
"Pwede pakihinaan?" Pasiring na sita ko sa dalawang nag-uusap sa likuran ko. "Naririnig kayo ng lahat ng tao sa lakas ng volume ng boses niyo. Kung pag-uusapan niyo ko at ang mga taong nakakasama ko, pwede wag niyo iparinig sa akin? At kung maaari, wag niyo ibackbite ang gumawa nung page sa harapan ko o sa loob ng perimeter ko? Pwede?"

"S-Sorry." Sabay na sabi nila saka umalis sa pwesto nila.
         
          
Huminga ako ng malalim at nagbuntong hininga. My God. Bat pinapainit ng lahat ng tao ang ulo ko ngayon? At pinili pa nila ang araw na to. Di pwedeng isang sakit ng ulo sa isang araw lang? Or alternate? Para di masyado nasisira araw ko?
         
          
Ginawaran ko ng tingin na masama ang cellphone ko na umilaw. Nagflash ang pangalan ni Andrea sa ikalimang pagkakataon.
         
          
For Pete's sake.
         
          
Andrea Ortiza Guzman. Ang pinsan kong babae na saksakan ng insecurities. Schoolmate ko siya rito sa University at same year pero tourism ang course niya. She's pretty. Mas maganda kaysa sa akin. Actually, siya ang pinakamaganda sa aming magpipinsan sa father side. Pero di ko alam bakit ayaw na ayaw niya sa akin. Ang swerte nga niya eh. Kumpleto siya sa lahat. While I have nothing other than myself.

Andrea is calling me because of Derek. Gusto niyang ipakilala ko siya kay Derek na inayawan ko. Siya yung tipo ng tao na hindi mapermi kapag walang syota. Kung akala ni Azen ay ganon kalala si Derek, try niya tignan si Andrea.

Or wag na lang. Baka pagdiskitahan pa siya ng babaeng yun. Yes. I'm protective of Azen. What I heard from 'them' (my cousins who hate her, not me), her reputation is too much to handle. Mas grabe pa raw siya kaysa sa mga Senior High School girls sa America sa dami ng naging karelasyon niya. It's stereotyping, but they lived some of their times in US, so who am I to judge their prejudices?

The Girl Named Mirovi [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon