ANAK AT APO

2 0 0
                                    

                     By JackieOfHearts

Unang yugto ng buhay ko,

Pagmulat ng aking mga mata,
Sa liwanag, Kayo ang unang nakikita,
Ngiti ko ang inaabangan,
Ramdam ko ang inyong kaligayahan.

Sa tuwing umiiyak ako,
Di malaman kung anu ang gusto,
Nag-aalala ka, dama ko ang lungkot mo.
Hele mo ang magpapaamo.

Mama, Papa
Una kong nabanggit mula sa aking bibig,
Unang gapang, ikot ng katawan,
At Ang damit ko, para ng basahan,
Pero ok lang sayo, at dama ko na masaya ka sa ginagawa ko.

Unang hakbang ko, nakaalalay ka,
Isang araw, nadapa ako't nasugatan,
Agad akong umiyak,
Sabi mo pa, ok lang yan ANAK,
Minsan kailangan mong maranasan,
Ang sakit at hapding naramdaman mo,
Upang sa ganun, alam mo kung anu ang tatahaking daan, upang di na muling masaktan.

Ikalawang yugto....

Ma,Pa...
Lumalaki na ako, nagagawa ko na ang gusto ko, malayang maglahad, di para sagut-sagutin kayo,
kundi ilahad kung sino ako sa harap ng ibang tao,
Malayang maglakad, hindi para lumayo sa inyo,
Kundi para tahakin ang tamang landas na tatahakin ko, upang maabot ang mga pangarap ko.

Mama at Papa,
Maraming salamat po sa pagmamahal at pag-aaruga sa akin,
Hindi niyo iniinda ang sakit at pagod na katawan
Para lang sa aking kinabukasan.

Ikatlong yugto ng buhay ko...

Magtatapos na ako sa kolehiyo,
Mahirap man humarap sa panibagong pagsubok,
Pero nandyan pa rin kayo, di nagsawang suportahan ako.

At sa huling yugto,
Ma, Pa....
Ikakasal na ako, haharap sa altar,
Upang mangako sa mahal ko.

Ma, Pa,
Sana kahit wala na ako sa poder ninyo,
At iba na ang makakasama ko at lalayo sa tabi niyo.
Hwag ninyo sanang kalilimutan na ang sanggol na minahal at nilabas sa mundong ito,
Ay ang panibagong yugto niyo,
Ay ang inyong magiging APO...

SA LIHIM NG KWADERNOWhere stories live. Discover now