Sa Lihim ng Kwaderno

3 0 0
                                    

By JackieOfHearts


Ang buhay ko ay parang isang lihim ng kwaderno,
Maraming ganap,
Maraming tinatago
Maraming kasiyahan
At minsan may kalungkutan
Lihim na di ko kayang sabihin kahit kanino man.

Dahil sa lihim ng kwaderno, parang misteryong hinahagilap ng mga tao,
May trill, nakakachallenge, yun bang sa social medya, nakalike at share ka na nababash ka pa at ang masakit viral pa.

Naiilalabas ko ang imosyon ko,
Dahil sa lihim ng kwaderno,
Daig pa ang kaibigan ko,
Na mas maraming pang alam tungkol sa buhay ko at mapoproteksyon ang nararamdaman ko.


Ngunit minsan naiisip ko,,,
Hanggang saan ba ako mapoprotektahan ang lihim ko?
Dapat ko bang pagkatiwalaan ang kwaderno?

Sa totoo lang, parang isang traydor na kaibigan ang lihim na kwaderno,
Minsan babaliktad ang mundo mo,
Sa realidad,,, ikaw ang talo.
Sa lihim na isinulat sa misteryong kwaderno
Magsisiwalat ang lahat ng lihim ko.

Mga lihim na matagal ko ng itinago,
Pero siguro nga, habang buhay ko nalang kimkimin ang nakaraan ko,
Na di ko kailan man ilalahad, sa tao man o kahit pa sa lihim ng kwaderno.

SA LIHIM NG KWADERNOWhere stories live. Discover now