Kwadernong walang laman

2 0 0
                                    

                 By JackieOfHearts

Paano ko ba sisimulan,
Ilan pahina ko pa ba susulatan,
Sa kwadernong walang laman,
Itong aking nararamdaman,
Nasa iyo dapat ko bang ipaalam?

Ang hindi ko kayang ipagsigawan.

Ilang tula, pa ba ang pahahabain,
Ilang letra pa ba ang susulatin,
Kung maaari ko naman banggitin
Ang damdaming matagal ko nang inilihim.

Ito na, sasabihin ko na, mahal kita,
Mahal na mahal kita,,,,
Ito ang nadarama ng puso ko,
Sa iyo'y naitago ko.
Naitago ko sa kwadernong walang laman,

Na hanggang ngayon ikaw lang
Lakas ng loob ang kailangan
Upang sa iyo'y sabihin ang nilalaman,
Kahit pa walang kasiguruhan,
Ang kasagutang inaasam.

SA LIHIM NG KWADERNOWhere stories live. Discover now