Chapter5

54 3 0
                                    

2 month after ng pag suko ko kay eliza unti unti ay nag laho nadin ang nararamdaman ko. Siguro naging busy ako sa ibat ibang bagay. dalawang buwan nadin ako dito sa training. Wala na akong ibang kasama kundi si Shaun.si eliza naman ayun masaya na sa boyfriend niya ngayon at tanggap ko na.

Sa bawat araw na mag kasama kami ni shaun gumagaan ng gumagaan ang loob ko sa kanya.diko alam kung bakit basta gusto ko siyang kasama kasi siya yung nakasaksi sa lahat ng pinagdaanan ko dito sa seminar nato siya ang nakasaksi kung paano ko kinalimutan si eliza. At mukhang siya din ang makakasaksi kung paano ako mapapamahal sa kanya.Siguro nga sa kanya talaga ang bagsak ko pero masasabi kong gusto ko siya. Wala akong pake kahit anong sabihin ng ibang tao basta gusto ko siya. At si shaun lang ang nag paramdam sakin na worth it ako.na kamahal mahal ako.

Mukhang naka move on nadin to dun kay robin. Wala e ang saya na namin pareho.siguro nga sa sobrang pag momove on namin di ko na napansin na sakanya na ako napapamahal diko lang alam kung ganun din siya.

" Eilli! Pwede ba tayong mag usap?"

Tanong ko kay shaun. Yung kasi yung tawag ko sa kanya at jonjon naman tawag niya sakin.

"oo naman tungkol saan ba?"

" SAYO"

" anong sakin? E alam mo naman na lahat tungkol sakin"

" diba bukas na birthday mo?"

" feb.14 naba bukas?"

" oo"

" halla nakalimutan ko .oo"

" bat mo naman kakalimutan birthday mo?

" busy kasi haha"

" may pakain ba kayo bukas?"

" oo tara sa bahay sure meron yan."

" haha mabait naman siguro mama mo no?"

" oo naman kaya punta ka bukas ha? Papakilala kita"

"papakilala moko?"

" oo as a friend ano kaba"

" uhmm eilli paano kung as a boyfriend nalang?"

Pinag papawisan ako pero nginitian ko padin siya kinakabahan ako shet napalingon siya at namula.

" anong sinasabi mo? Ha? Jon jon? Paki explain"

" eilli. Gusto kita hindi mali.MAHAL KITA EILLI. Hindi ko lang napansin dahil nagiging abala tayo pareho pero oo eilli mahal kita at handa akong harapin lahat ng sasabihin ng iba."

Napangiti siya.sobrang pula na niya.pero eto ako seryoso at kinakabahan baka i reject niya ako please wag.please tell me.mahal mo rin ako eilli please

" Ako ba hindi? Oy jonjon matagal na.hindi ko lang masabi sayo kasi natatakot ako baka layuan moko.na baka ireject moko pero ngayong alam ko na gusto ko lang sabihin na oo MAHAL DIN KITA."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.pero ang saya sa feeling. Ang sarap sa feeling na MAHAL KA NG TAONG MAHAL MO. Nagtatatalon ako at saka siya niyakap.

" so tayo na?" tanong ko.

"bakit ayaw mo? Sige babawiin ko nalang bahala ka"

"HINDI SYEMPRE HINDI"

" pero parang ang bilis naman ata diba?"

" wala yan sa ligawan.at saka liligawan kita araw araw eilli tandaan mo yan"

" bakit parang kinikilig ako?"

" kiligin kalang ako nga kanina pa"

" yiiiee.bi nemen e pereng tenge te"

COMMON DIFFERENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon