Chapter 9

34 2 0
                                    

Maaga akong nagising dahil kailangan kong makiseminar  at tanungin kung anong gagawin dahil wala na si shaun.

Pagkarating ko nakita ko si Eliza.naalala ko yung nakababata kong kapatid kapangalan niya. Mag isa lang  siya at tulala. Ano kayang nangyari? Hinayaan ko lang siyang mag isa muna naupo ako sa upuan kung saan kami nakapwesto ni shaun dati at saka kinuha ang earphone sa bag ko. Napansin ko ang tatlong maliit na kahon ito yung regalo ko kay shaun at sa mama niya bago kami maghiwalay.hindi ko pa pala naibibigay. Muli akong nakaramdam ng sakit habang nakatitig sa mga regalong to.kailangan kong lumaban.

Nag simula ang practice napansin ko ring walang partner si eliza.

"uhmm excuse me sir.can i ask something? "

" yeah what is it?"

" pano po ang gagawin ko kasi wala na po partner ko sir"

" ah yes! I heard that Mr.Pascua and Mr Mateo passed away nakaka bigla nga"

" Mateo?"

" yes"  holyshit boyfriend ni eliza yon kayaba tulala siya?

" anong set ka?"

" set B sir"

" Perfect set A si Miss Cortez" umalis siya ng walang instruction paano nayon? Biglang may kumalabit at nagtanonng sakin nagulat ako si Eliza.

"Wala kang partner?"

"may nakikita kabang kasama ko?"

" ok so tayo na"

"Ha?! T-tayo?!"

"Ang mag partner no kaba"

Sandali naulit nato ganito kami nag kakilala.gantong ganto yung una naming paguusap naulit nato.

" Ano? Kaya paba natin?"

" kakayanin natin"

"bakit kaya nangyari to?"

" diko din alam pero sure ako  na malalim ang dahilan niya kung bakit tayo nasasaktan kung bakit tayo iniiwan"

" sana ganun nalang kadali lahat.sana ganun kadaling kalimutan yung masasakit na pangyayari.sana kung gaano kabilis silang kinuha ganun din kabilis tayo makakalimot"

" alam mo kung bakit? Kasi Hindi lahat ng bagay kailangang madaliin may mga process yan tulad ng pag sayaw. Hindi naman kailangang sayaw agad kailangan muna ng warm up para hindi masakit kapag natapos ang sayaw. Para din yang pagiging mayor.hindi yan agad agad mayor kailangan muna ng botohan.para yang pagiging author hindi pwedeng Climax agad kailangan muna ng introduction para yang pagbabasa ng libro kailangan mong basahin ang unang pahina para maintindihan mo ang kwento.

Ngumiti siya at ipinagpatuloy lang namin ang pa practice medyo nahirapan kami dahil naadjust ng kaunti dahil sa nangyari.hapon na at nag si uwi na kami.Nag palit agad ako ng damit dahil alam ko na ayaw ni ate ng matuyuan ako ng pawis. Tinabihan ko si mama dahil siya ang nagbabantay kay ate.

"Bat dimo patawarin ang papa mo nak?"

Nilingon ko siya at seryoso siyang nakatingin sakin. Anong tanong yan ma?

" gusto ko lang alisin ang galit sa puso mo anak.dahil patuloy kang masasaktan hanggang may galit jan sa puso mo."

" matagal ng may galit ang puso ko ma at nakabaon nayon hinding hindi na maalis pa. Bakit hindi mo nalang tanggapin na wala na si papa? Na hindi na siya babalik?"

" tanggap ko na,ang gusto ko lang naman ay maging malaya na tayo sa kulungan ng galit ilang taon narin naman ang nakalipas bakit hindi nalang natin hayaang makawala iyon?"

Napaisip ako sa sinabi niya bakit ngaba ako  patuloy na magagalit kung tanggap kong may iba na siyang pamilya. Kaya ba pakiramdam ko may kulang padin dahil hindi pa naalis ang galit sa puso ko.

Siguro nga ngayon diko pa matanggap pero naniniwala ako magiging maayos din ang lahat.

" sige ma susubukan ko po"

.
.
.
.
.
.
.
.
.
After 5 days 

( please play 'Before it Sinks in' by moira dela torre for this pary)

Napolish na namin ang routine  handa na kami kaya humingi ako ng permission kung pwedeng wag na muna akong pumasok ngayon dahil ililibing na si ate at si shaun. 1 week lang silang ibinurol pinayagan ako naman ako  at  madami kaming bisita   
Ang hirap padin tanggapin na wala na talaga si ate.pero kailangan ko ng tanggapin pati ang pagkawala ni shaun.

" Any message from the family?" tanong ng  matanda sa harap.tumayo ako at saka pumunta sa harap.

" Nais ko pong mag pasalamat sa lahat ng narito at mga nakiramay" nag simula na akong umiyak

" kung titignan niyo kaming mag kapatid hindi kami sweet.para kaming mga aso at pusa pero kung ako ang tatanungin? Si ate alexa ang pinaka sweet na ate sa buong mundo ayaw niya ng natutuyuan ako ng pawis, ng napapagod ako ng nasasaktan ako at higit sa lahat kaya niyang mag sakripisyo ng sariling kaligayahan para sa kaligayahan ko. Masasabi kong matapang siya dahil kinaya niya kaming pag sabay sabayin.mahilig siyang mang asar lalo sa mga nagugustuhan ko.at ito yung pinaka unique at kami lang ang nakakagawa. Hindi kami nag  a ilove youhan ni ate dahil nag mumurahan kami. Kasi para samim yun yung ibigsabihin namin sa isat isa kaya father sorry po kung mag mumura ako pero ate gusto ko lang sabihin na  Gago ka putang ina mo"

Tuluyan na akong umiyak nung maalala ko lahat ng memories namin ni ate at saka bumaba sa altar at yumakap kay mama.

Ilang oras pa ang lumipas at natapos na ang libing nakahiga ako sa kwarto ko dahil gusto ko munang mag pahinga napagod ako.

Pupunta pa ako sa libingan ni shaun. Kaya nag palit ako at inayos ang gamit dala ko din yung regalo ko kay shaun bago siya mawala.

Nang makarating ako nahanap ko agd ang puntod niya.

" Shaun alam ko nag papahinga kana sorry kung di ako nakinig sayo sorry kung naging sarado yung isip ko pero gusto ko lang sabihin kahit sa huling pagkakataon na mahal kita.at minahal kita siguro nga hindi tayo para sa isat isa kaya ka kinuha ni Lord pero thankful ako kasi kahit sa madaling panahon nakilala kita.Thank you"

Inilapag ko ang box ng earphones at ang libro na paborito niya  at hinalikan ang lapida bago tuluyang umalis.

Sana mawala na yung sakit sa puso ko at tabggapin lahat ng mga nangyari at buksan ang puso para sa mga taong kumakatok.

Natulog na ako kinagabihan dahil competition na bukas at kailangan ko ng energy.sana napapanood niyo ako ate at shaun sana ikaw ang partner ko ngayon.



Last Chapter na ang next! Sorry kung mabilis dahil 10 chapters lang ang target hope you enjoy this story kahit sobrang ikli at sana napasaya napaiyak at pinakilig kayo ng istoryang ito.

don't forget to Vote Comment,nd Follow😇

Thanks💓

COMMON DIFFERENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon