Entry #2

490 21 0
                                        

Entry #2

March 29, 2000

Dear Ary,

Ilang araw ko nang gustong lumabas ng bahay para maglaro. But daddy wouldn't let me because mommy is sick. He'll be having a business trip for a week so I need to look out on mom and take care of her. Binilin pa niya sa'kin na wag akong maharot at sundin ang lahat ng sasabihin ni mommy, also, take care of my younger sister.

Again, I felt disappointed. Wala man lang siyang sinabi na alagaan ko ang sarili ko. Napahinga na lang ako ng malalim ng araw na yon. What change? Wala naman. He's still the same. Maybe I should stop assuming things.

Late in the afternoon, hindi na ako mapakali. Gustong-gusto ko nang lumabas para makalaro. Pinatulog ko muna ang kapatid ko bago magpaalam kay Mommy. Good thing she let me play outside. I promise her that I will be back before dawn.

Halos walang dumadaang mga sasakyan sa tapat ng bahay namin so it's a good time to play basketball. Meron kasing basketball ring sa tapat ng bahay namin which it is made for me because of my mommy, of course. Not my daddy.

I don't have any friends in this village. Hindi kasi ako pala-kaibigan. Sa school lang akong merong mga kaibigan. Malalayo kasi ang bahay ng mga kaibigan ko.

Ilang minuto na akong naglalaro ng basketball, hindi pa rin ako napapagod. This is my favorite sport. Dito lang ako magaling. Nagtagal pa ang paglalaro ko. I notice that it is getting a little bit darker yet I still continue to play.

I later notice that there is this cute little girl that looks lost. Naglalakad siya patungo sa'kin habang umiiyak siya.

Halos hindi na yata siya makahinga dahil sa pag-iyak niya.

Ang ginawa ko, niluhod ko ang isang tuhod ko at pinunasan ang basang mukha niya gamit ang palad ko.

Tinanong ko siya kung nawawala ba siya. She quickly nodded her head while crying.

I want to help her yet hindi ko kabisado ang village. Baka lalong maligaw kami kapag pinagpilitang hanapin pa namin ang mga magulang niya.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak niya. I remember my little sister to her. Parang magkasing-edad lang yata sila.

Kaagad ko siyang binuhat at sinabi na hahanapin ang magulang niya. Napaisip din ako na baka hanapin ako ni mommy. Pero kasi kawawa kasi siya.

I'm feeling guilty because I know I will break my promise but I needed to do this.

While ending this diary ay nakayakap pa rin sa'kin yong bata. I have no choice but to end this.

Ibabalik ko lang yong bata sa mga magulang niya. I'll be her superhero for now.

-Skyler

__________________________________________________________________________________________

Posted: January 27, 2019

A Professor's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon