Prologue

17.1K 281 34
                                    

All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without written permission from author, except in the case of a reviewer, who may quote brief passages embodied in critical articles or in a review.

Paalala: Hindi po ako magaling sa English. Pakiintindi na lang po ang mga sumusunod na kabanata na may linggwaheng hindi kaaya-aya sa mundo ng grammar!

Hello po! This is my first ever Story! Based on half of my experiences sa buhay. Enjoy reading!

***

LIE TO ME AGAIN (COMPLETED)

A N O V E L B Y D A R A N A K A H A R A

New Adult, Romance-Drama, Comedy, General Fiction

(August 29, 2012)

***

About Love and what Lies ahead in their Lives.

Kasinungalingang nagtatago ng tunay nilang nararamdaman. Maling akala na nag papasakit ng kanilang mga damdamin. Paano nila mapapaniwalaan ang lahat ng kasinungalingan? Paano nila maitatama ang maling akala? Paghihiganti lang ba ang dahilan ng lahat? Pagpapanggap ba ang makakasira sa kanila? To lie is to pretend. To pretend is to lie. Will they see the love behind their lies or will their lies vanish the love they have?

Prologue

Hindi ko akalaing ito pala ang mararamdaman ko sa muli naming pagkikita ng taong ito. Biglang dumilim parang gumabi pero maliwanag ko namang nakikita ang mukha niya at..at ang buong siya.

Bigla din namang tumahimik na parang walang tao sa paligid pero maliwanag ko rin namang naririnig ang tibok ng puso ko. Nakakabingi. Nakakabingi ang lakas ng tibok nito pero naririnig ko rin ang boses niya na nag-aalalang nagtatanong sakin.

Nag-aalala?

Tama nga ba ako? Sa tono kasi ng boses niya ay parang nag-aalala siya. Hmmm. Imahinasyon ko lang siguro. Hindi kasi puwede 'yon, imposible.

"Miss? Hey, please talk to me. Are you okay? Huh?" tanong niya ng paulit-ulit na hinihintay na sumagot ako. Pero hindi ako makasagot, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung ano man ang gagawin ko sa mga oras na ito. Tulala pa rin ako, wala sa sariling napayuko lang ako mula sa pagkakatitig ko sa kanya.

Bigla ko na lang naramdaman muli ang hapdi sa puso ko, sa isang iglap bumalik lahat nang sakit na naramdaman ko dati na pilit kong kinakalimutan. Bumalik lahat ng ala-alang ayoko ng balikan at naramdaman ko nalang ang pag-init ng magkabila kong pisngi sa sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.

Ayoko sanang makita niya akong ganito, ayoko sanang makita niya akong umiiyak. Dapat ay makita niya ako ngayon na isang babaeng matatag, matapang at palaban hindi katulad ng dati na mahina, duwag at walang laban.

"Hey! Why are you crying, Miss? Please naman, 'wag ka umiyak oh. Look, I'm so sorry kung muntikan man kitang masagasaan, dadalin na lang kita sa hospital," natataranta na ito at hindi malaman ang gagawin nang mapansin niyang umiiyak ako.

"Miss, don't cry!" ulit pa niya saka niya ako hinawakan sa mga balikat ko at iniyuko niya ng bahagya ang kanyang mukha para makita ako.

"D-dont! Don't l-look at me! A-and don't y-you dare touch me again!" sigaw ko sa kanya kahit garalgal ang boses ko. Nagulat ata siya kaya naman inalis niya agad ang kamay niya at bahagyang lumayo sa akin.

Lie to me again✔️CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon