Chapter2.1: Bestfriend

4.8K 127 23
                                    

Chapter2.1

I don't have to worry anymore, cause you will be by my side when I cry
You always smile at me
I am blessed because you always shine before me

Things that we have missed hastily at time, that's the way it is
Faces that always being looked at
Forever hugging each other

Your smile has helped me endless time, you know
Thank you thank you Best Friend...

Casey's POV

Napakapalad ko at naging bestfriend ko si Travis, lagi niya akong ipinagtatanggol, lagi siyang nandiyan para makinig sa mga problema ko, lagi siyang nandiyan para palakasin ang loob ko. Siya na nga ang Superhero ko, siya na rin ang Knight in Shining Armor ko at siya din ang kaisa-isa kong Bestfriend.

"Hoy, ano na? 'Yung Magic Words. Dali. Ang bagal mo naman, isusubsob na talaga kita sa mabango kong kili-kili."

"Sige na pagbibigyan na kita, TRAVIS..." sadyang pinatagal ko talaga. "ANG BAHO-BAHO MO!" sigaw ko sa bandang tenga niya at kumawala sa pagkakahawak niya tapos tsaka ko siya binelatan at tumakbo sa sala. Tawa ko nang tawa sa itsura niya.

"Hoy, aba't loka 'tong babae na ito. Bumalik ka dito papadilaan ko sa iyo 'yung kili-kili ko," sigaw niya habang hinahabol ako. "Kapag naabutan kita, humanda ka sa akin." Nagtago ako sa likod ni Mama para naman hindi siya makalapit sa akin.

"Ano ba kayong dalawa, 'wag niyo nga akong isali sa kalokohan niyo," sabi ni Mama. "Eh kasi Ma, si Travis. Papadilaan daw po niya sa'kin 'yung kili-kili niyang maantot," sumbong ko.

"'Wag ka magtago diyan kay Tita, duwag ka pala!" sabi niyang sinusubukang hablutin ako sa likod ni Mama.

"Ay nako. Para pa rin kayong mga bata. Ang tatanda niyo ng dalawa. Tapusin niyo na ang pagkain niyo doon, male-late ka na sa trabaho mo Casey, baka nakakalimutan mo na," sabi ni Mama na nakukulitan na sa amin ni Travis.

"Ay oo nga pala, first day ko pa naman ngayon sa work ko," nag-aalalang sabi ko sabay takbo sa kusina, umupo at sumubo na ng pagkain. "Ang kuyet kuyet kasi nitong Tsonggong Travis na 'to."

"Ako na naman sinisi mo diyan, na-miss ko lang na gawin 'yun sa iyo."

"Ako din naman," sagot ko napahinto ako sa pagkain at tumingin sa kanya. "Salamat ah? Sa patuloy na pagpapasaya sa'kin. Until now, nandito ka pa rin lagi sa tabi ko at masaya ako," seryoso kong sabi. Ngumiti siya sa akin at nag-abot ng tissue.

Akala ko may dumi ako sa mukha pero... "Maiyak ka ha!" sabi niya at tumawa na naman na akala mo naman ngayon nalang pwede tumawa ulit. Nagda-drama na nga ako, seryosong-seryoso na nga mukha ko tapos pagtatawanan lang ako nitong lokong 'to. Hay nako, panira talaga ng moment.

"Seryoso naman ako don, Travis. Kainis tlagang matsing ka! Gunggong!" sabi kong naiinis kunwari.

"Alam ko naman po. Pero alam mo na naman na okay lang 'yon sa akin. Bestfriend kita eh, ganoon kita kamahal," puno ng sinseridad niyang sagot sabay akbay sakin.

Oo. Alam kong mahal na mahal niya ako, syempre bilang Bestfriend at mahal na mahal ko din naman siya, hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa'kin. Bukod kay Mama, siya lang naman ang taong pinagkakatiwalaan ko ng lubos at syempre ang pamilya niya. Tanggap din naman kasi ako ng pamilya ni Travis bilang kaibigan nito.

Kung wala si Travis nung mga panahong broken-hearted ako, siguro wala nang nangyari sa buhay ko ngayon. Siya kasi ang nagpalakas ng loob ko, mula pa noong bata pa lang kami. Siya lang naman ang tagapayo ko lagi at siya ang nagpursige sa akin para magbago.

Tinulungan niya kong mgapapayat at magpaganda. Araw-araw niya kong sinasamahan sa gym, araw-araw din niya kong pinagsasabihan sa mga dapat na kinakain ko at sa mga hindi dapat sobra na kainin ko. Kaya utang na loob ko sa kanya kung ano man ang naging resulta ng lahat. Ipinadama niya sa akin iyong pagmamahal at suporta na kailangan ko.

Ibang-iba na kasi ako ngayon, malaki na talaga ang ipinagbago ko. Mula sa 40+ na waistline, 24 na lang 'yun ngayon. Ang laki na nang ipinayat ko, at dahil doon lahat ng gusto kong damit na dati ay sa panaginip ko lang nasusuot ngayon ay yakang-yaka ko ng irampa. Nakita din ang maganda kong katawan, makinis at maputi naman kasi ako noon pa man kaya mas bumagay sa akin iyon ngayon. Mahaba na ang buhok ko at syempre may bangs akong bumagay lalo sa mukha ko.

Natuto din akong mag-ayos sa mukha ko. Mula sa kilay, pilik-mata, sa pisngi at sa labi. Nag-memake-up na ko, pero light lang para simple pa ring tingnan. At syempre kung nagbago man ang itsura ko ngayon, tumaas din naman ang self-confidence ko. Mas malaki na ang tiwala ko sarili ko. Salamat sa bestfriend kong baliw.

"Uy, natigilan ka diyan? Male-late ka na Manang!" sabi sa akin ni Travis sabay pingot sa tenga ko. "Aray!" reklamo ko.

"Eto na nga, nagmamadali na nga ako! Ang emo mo kasi, makaalis na nga," tumayo na ako at kinuha ang gamit ko.

"Ma, alis na po ako salamat po sa masarap na almusal! I love you, Ma!" sabay kiss at hug kay Mama.

"Galingan mo, Anak," sabi nito.

"Opo, Ma. Fight, Fight, Fight!" sagot ko at muli akong nagbigay ng kiss at mahigpit na yakap.

"Ako ba walang kiss at hug diyan mula sa pinakamaganda kong Bestfriend?" tanong ni Travis na naghihintay nang yakap.

"Travis, hindi mo na ko kailangan pang bolahin. Ako lang naman ang nag-iisa mong bestfriend kaya wala nang gaganda pa sa'kin," sabi ko sa kanya sabay hug.

"Ay oo nga no? Pero hindi kita binobola. Maganda ka talaga!" puri niya. "Kiss ko?" sabi niyang nakayakap ng mahigpit sa akin.

"Tse! Kiss ka diyan? Ano ka boyfriend ko?" pabibiro ko.

"Bakit? Boyfriend lang ba dapat ang i-kiss? hindi ba pwedeng bestfriend din?" sabi niyang nakangiti.

"Oo na. Panalo ka na!" sabi ko at kiniss siya sa pisngi. "Bye na. Ma, bye na po!" paalam ko sa kanila.

"Sige, anak. Mag-iingat kang mabuti!" pahabol ni Mama.

"Ingat. Pasalubong ko!" sigaw ni Travis na ngiting-ngiti. Kung hindi ko lang bestfriend 'tong mokong na 'to, iisipin ko may gusto siya sa akin pero imposible iyon.

Nagmamadali akong umalis at nag-aabang ng taxi. Maya-maya ay nakasakay na ako, at pinagmamadali ko na si Manong driver dahil malaki ang posibilidad na ma-late ako. Si Travis kasi ang kulit tapos ang bagal ko pa kumilos.

Malapit-lapit na kami pero anak ng tipaklong, ang traffic.

"Traffic naman oh, bakit nakisabay ka pa?" napabuntong-hininga nalang ako. Traffic talaga eh. "Manong, wala na po bang ibang daan? 'Yung shortcut o kahit longcut basta iyong maiiwasan po natin iyong traffic?" tanong ko kay Manong Driver.

"Nako, Miss eh traffic din po dun sa kabila eh," sagot ni Manong.

Naisipan kong lakarin nalang kasi malapit na din naman ako kaya nang makabayad na ako kay Manong ay agad akong bumaba sa taxi. Isang tawid nalang ako mula sa company namin nang biglang...

BEEP!

***

D A R A N A K A H A R A

Lie to me again✔️CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon