Chapter3: Out of Reach

3.8K 111 33
                                    

Chapter3

[NP: Out of Reach by Gabrielle]

Knew the signs wasn't right 
I was stupid for a while 
Swept away by you 
And now I feel like a fool 

Chorus 
So confused 
My heart's bruised 
Was I ever loved by you? 
Out of reach, so far 
I never had your heart 
Out of reach, couldn't see 
We were never meant to be...

 Dale's POV

Maaga akong umalis sa bahay tumakas lang kasi ako kay Mama. Papagalitan kasi ako non kapag nalamang aalis ako ng walang driver na kasama. Pagkatapos nang nangyari noon, wala na siyang tiwala sa pagmamaneho ko. Maingat naman ako mag-drive, ewan ko lang kung ano ang nangyari.

Isang linggo na rin ang nakalipas nang makabalik kami mula sa America. 2 years din kaming tumira doon pero piling ko 7 years akong nawala dito sa Pilipinas. Na-miss ko tuloy dito, parang ang dami na agad nagbago.

"Traffic!"

Maya-maya umusad na rin iyong nasa unahang sasakyan akala ko aabutin pa kami ng taon. Medyo bumilis na rin ang usad kaya naman relax na akong magmaneho nang biglang may sumulpot na babae...

BEEP!

"Shit!" napasigaw ako hindi sa takot, kundi sa sakit nang mauntog ako sa manibela ko. Buti na lang nakapagpreno ako agad at nakapagbusina. "Ang sakit!" napahawak ako sa ulo ko.

Sa sobrang sakit ng ulo ko nakalimutan ko na 'yung babaeng nasagasaan ko. Kaya nung maalala ko nagmadali akong bumaba. Kinakabahan ako baka mamaya puro dugo siya, iniisip ko pa lang 'yun nasusuka na ako at sumasakit ulit ang ulo ko.

May fear of blood na kasi ako kaya naman ma-imagine ko lang nasusuka ko. Pero laking pasasalamat ko nang makita ko siyang nakaupo sa kalsada at wala namang galos. Hindi ko siya nasagasaan, kamuntik lang pero mukhang nabigla siya sa nangyari.

"Miss? Okay ka lang ba ha? May masakit ba sa iyo?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot.

Napakunot ang noo ko, hindi ata niya ko naririnig. "Miss, okay ka lang ba? Anything that hurts?" tanong ko sa kanya ulit nilakasan ko pa nga baka naman kasi mahina ang pandinig niya.

Pero hindi pa rin niya ako pinansin, ano ba problema nito? Baka may after-shock siya? o kaya baka nga napuruhan ko siya?

Inilahad ko 'yung kamay ko sa kanya para tulungan siya. Inabot naman niya ang kamay ko, "Nothing hurts. Thank Y----" naputol ang sasabihin niya. Nakita ko na lang na nanlaki 'yung mata niya nang makita ako.

Bakit kaya ganun ang naging reaksyon niya nang makita ako? Para siyang nakakita ng multo, sa gwapo kong ito?

Kanina pa siya nakatitig sa akin, nakaka-conscious kaya, ano na naman problema nito? Napahawak ako sa ulo ko, at napakunot ang noo.

Ang gulo naman ng babaeng ito, bakit ba siya ganyan? Nakatitig lang siya, hindi kaya sumasakit mata niya. Baka naman baliw ito? Pero imposible, ang ganda niya kasi eh.

"Miss? Hey, please talk to me. Are you okay?" tanong ko ulit, nag-aalala na kasi ko baka matunaw na ako kapag hindi pa niya tinigilan ang pagtitig sa akin. Sayang kagwapuhan ko no, madaming iiyak 'pag natunaw ako. Sayang lahi ko.

Pero hindi na siya sumagot, na-lovestruck siguro sa akin. Maya-maya ay tumulo na 'yung luha niya. Teka, ano ba sinabi ko? May masama ba kong sinabi? Natakot ko ba siya?

Lie to me again✔️CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon