" Mizzy's P.O.V"
Its been two weeks mula nung umiwas ako sa Barkada . Ilang araw nakong nagmumukmok . Hindi ako makakain ng ayos, hindi ako makatulog . Para akong teen ager na iniwan ng boyfriend . Para akong brocken hearted na hindi maka move on . Masakit parin kasi eh .
Alam ko namang kasalanan ko kung bakit sya nawala! Anung magagawa ko nangyari na . Nasa huli talaga ang pag sisisi.
Pansamantala akong tumira dito sa condo na pag aari ng tita ko . Hindi naman kase kame mayaman at Ayokong makita nila mama na nagkakaganito ako.
(Shhhrrrgggh)
Aissst! Kumukulo tyan ko . Nagugutom nako.
Nagluto lang ako ng ham at bacon. Tapos inayos kona yung tinapay. Gagawa nalang ako ng sandwich para sa lunch.
Kakaen na sana ako kaso ...
(Ugh!)
(Uwaaaashhk)
Ang baho na bakon! Parang ang pangit. Parang karne ng tao . Yuuuck!
Ang ending kumaen ako ng tinapay na walang palaman. Haist.
Diko maintindihan. Nabahuan talaga ako. Paborito ko naman yun eh. Kaso ewan diko magets tong sarili ko. Sumesalan na ata ako.
Nahiga nalang ako sa sofa. Inaantok nanaman ako. Kaasar. Tanghaling tapat pero inaantok ako. Nakakaloko ah!
* * *
Nagising ako . Pag gising ko palang hinanap ko agad yung cellphone ko. Kailangan ko syang tawagan. Miss ko na sya ..
_ _
(Ringing)
(Rinhing)
(Call ended)
Hindi nanaman nya sinasagot.
Ang hirap ng ganto nag papakadesperada ako. Parang dati lang akin pa sya ,Parang kelan lang masaya pa sya sakin, Kelan lang ako pa yung dahilan ng pag tawa nya ,Pero ngayon yung matalik na kaibigan kona yung dahilan ng kaligayahan nya.Hindi pako susuko.
Lalaban ako .
*. *. *.
"Vincent's P.O.V"
Nag ka ayos na kame ng Girlfriend ko .
Nasaktan ko talaga sya. At ang gago ko sobra !
Mahal ko si Abby , sadyang hindi lang ako nakuntento ..
Gusto ko sya yung unang taong makikita ko pag gising ko at huling taong makikita ko bago ko ipikit yung mata ko.
Gusto ko na syang pakasalan .
.pinag iisipan kona to. Kaya ko naman na syang buhayin eh.
Gusto ko nang mag sama kame .Gusto kong makasigurado na kami na talaga .
Sobrang nasaktan ko sya at tama na yung sakit na naibigay ko , sobra-sobrang sakit na yung naramdaman nya sakin .
Hindi ko kayang makita syang umiiyak pero nagawa ko syang lokohin , hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun sa kabila ng pagiging perfect girlfriend nya sakin.
Gusto ko na syang pakasalan.
*_ *_ *_
"Abby's POV"
Namimiss kona yung Bestfriend ko .
..
Haistttt bakit naman kase kailangan pa samin mangyare to .