Prologue

18 1 0
                                    

~~~~~

'Two shall born'

Huh? What?

'Two shall born'

Two shall born? What?

"CRUINS! WAKE THE HELL UP!!!"

Gulat akong napabangon, at agad din akong napahawak sa noo ko dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko sa ginawa kong pagbangon.

"BUTI NAMAN AT NAGISING NA KITA. HELLOOOOO, BEST FRIEND MO AKO AT HINDI MO ALARM CLOCK NA TAGA GISING MO!" Napatingin ako kay Harmony na nakatayo na ngayon at nakapameywang pa habang tumatalak. Sinigawan niya kasi ako kanina sa tainga ko kaya ako napabangon.

"Ang aga aga pa harmony ang ingay ingay mo na, can you tone down your voice? Lalong nasakit ulo ko sayo. Morning."  Sabi ko sa kanya habang hinihilot ang sentido ko. Bakit ba napaka ingay ng babaeng to?

"At ang aga aga nagsusungit ka na jan. Buti nga ginising kita hmp." Tinignan ko lang siya, ngumiti naman siya agad at nagpeace sign "Good morning din loves hehehe" Umiling na lang ako at tumayo na at dumeretso sa banyo para maligo. Hinayaan ko na si harmony na gawin ang kung anong gusto niya sa kwarto ko. 

Nang makalabas ako ng banyo ay naabutan kong nakahiga si harmony sa kama ko at nagcecellphone lang, naglakad naman ako papalapit sa cabinet para kumuha ng damit. Pagkakuha ko ng damit ay pumasok ulit ako sa banyo kasi alangan naman na magbihis ako sa harapan ni harmony. "Ano namang ginagawa mo dito ng ganito kaaga ha harmony?" Sigaw ko dito sa banyo habang nagbibihis ako.

"Parang hindi ka pa nasanay na andito ako lagi loves? At saka namiss kita loves." Rinig kong sagot niya. Lumabas ako ng banyo at kumuha ako ng running shoes at umupo sa may solong upuan dito sa kwarto at nagsapatos. 

"Plus sabi mo na magkakaroon tayo ng meeting" Napatigil ako sa pagsisintas at napatingin sa kanya "Meeting? What meeting? And harm, sunday kaya ngayon." 

"The student council meeting, para sa foundation week natin next month." Balewalang sagot ni harmony sa tanong ko na parang sanay na siya at wala lang sa kanya na nakilimutan kong may meeting. 

Shocks, oo nga pala! 

But

"HARMONY PAULINE MONDRAGON!!!"

"Loves alam kong maganda ang pangalan ko, kasing ganda ko. Pero hindi mo na kailangan pang isigaw ang buong pangalan ko at isa pa loves, nasa harapan mo lang naman ang dyosa." Masama kong siyang tinignan sa sinabi niya "Harmony alam mong mamaya pang 10 ang meeting." Tumango-tango naman siya sa sinabi ko.

"At binulabog mo na ako ng ganito kaaga? 4:30 am pa lang!" Tumango-tango ulit siya sa sinabi ko. Ginawa ko ang lahat ng pagpipigil para lang hindi ko siya mabatukan. Hay, minsan talaga hindi ko alam kung anong kalokohan ang tumatakbo sa utak ng babaeng to. Kung hindi ko lang talaga siya best friend! "Nagjajogging din naman tayo ng ganto kaaga loves ah" Painosenteng sabi pa niya.

Umiling na lang ako at sinuot na ang jacket ko kasi nakasports bra lang ako na black at jogging pants. Kinuha ko na yung cellphone at earphones ko na nakalagay lang sa bedside table. Bumangon na rin naman sa pagkakahiga sa kama ko si harmony at sumunod sa akin palabas ng kwarto.

Naunang lumabas ng unit ko si Harmony, kasi kumuha pa ako sa fridge ng dalawang water bottle. Lumabas na ako at chineck ko muna kung nalock na ba yung pinto bago ako sumunod kay Harmony na naghihintay sa elevator. Sakto naman na pagdating ko ay yun din naman ang pagbukas ng elevator kaya pumasok na kami ni Harmony.

Pagkapasok ay pinindot agad ni harmony yung top floor button dahil andun yung running field ng building. 

Parang katulad dun sa tinatakbuhan nung mga runner na stadium with running laps? Pero hindi siya stadium talaga, just the running laps and an empty bermuda grass field. Basta yung ganon, ang hirap iexplain eh.

Nilapag ko muna sa isang tabi yung mga tubig na dala ko at nagsimula ng mag warm up. "Hey loves" Pagbasag ni harmony sa katahimikan

"Hmmm?" 

"Can I ask something?" Bat may pakiramdam ako na seryoso ang tatanungin ng babaeng to? "About what?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Ano yung two shall born keme mo kanina?" Napatigil naman ako sandali sa pagwawarm up, pero pinagpatuloy ko din naman ulit, pinagsasabi neto? "Nung ginigising kasi kita kanina nagsasalita ka ng two shall born." Dun na ako tuluyan na napatigil sa pagwawarm up at tinitigan siya. 

Did I? 

"Yes loves, nags-sleep talk ka. And kaya ko lang naman natanong kasi curious ako about sa two shall born mo, ano yun isang propesiya kasi nakikita mo na ang hinarap? Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa future ko... aray naman loves. Ang brutal ah" Binatukan ko kasi, kung ano-ano pinagsasabi. "Talagang nilapitan mo pa ako para lang mabatukan mo loves. A++ para sa,.. Joke lang eto namang si loves, nakaamba na  agad eh." Babatukan ko kasi sana siya uli eh.

"Curious lang naman kasi ako loves, ikaw ba hindi ka nacu-curious? And besides eto yung unang beses na pumunta ako sa unit mo na tulog ka pa at ginawa mo pa talaga akong alarm clock mo eh no."

"Hmmm... Actually hindi ko din alam kung anong ibig sabihin nun. Basta napaginipan ko na siya dati, pero paggising ko wala na ako masyadong maalala sa naging panaginip ko bukod sa may hawak akong book at may sinasabi sa akin yung book at yun yung nakasulat dun, tapos yun na lang ang natandaan ko sa nabasa ko sa book. Hindi ko na ulit napanaginipan yun, not until now. Muli ko siyang napanaginipan kanina." 

"Wooooaaah. You and your weird dreams loves, you and your weird dreams." Napailing na lang ako sa side comment ni Harmony sa kwento ko. Pinagpatuloy ko na lang uli yung pagwawarm up ganon din naman ang ginawa ni Harmony. "But seriously speaking loves, baka mamaya yang weird dream mo, yun pa yung destiny mo." 

"You know what, let's just jog." Sabi ko na lang sa kanya at nagsimula ng tumakbo, sumunod na rin naman sa akin si Harmony.

Naniniwala ako sa destiny

But

I just don't get it

And what on earth, those words and dreams supposed to do with my destiny?  

Ano namang connect nun sa buhay ko diba?

~~~~~

Warning: This story is a work of fiction. The names, characters, place and location of the happening events in this story are all products of the author's imagination. Any resemblance to an actual person/s who is living or dead or an actual event/s in real world is just purely a coincidence.

Welcome to 'The Tri-Colored Heart' my love, enjoy :) 

xxxxx

The Tri-Colored HeartWhere stories live. Discover now