Chapter 2: Activity Thief

7 1 1
                                    

~~~~~

'Two shall born'

"Sino yan?" Inilibot ko ang paningin ko pero wala akong nakita na kahit ano o kahit sino.

'Two hearts as one...'

Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin na may hawak akong bagay.

'The other one will...'

"Glycolate." Napatingala naman ako sa nagsalita. Nakaupo kasi ako dito sa ilalim ng malaking puno dito sa school. "Hindi ko alam na may tumatambay din pala dito bukod sa akin." Ngumiti siya at naupo sa tabi ko.

Walang pasabi na hinaklit niya sa akin ang Biology book ko at ang activity sheet na sinasagutan ko at inabot sa akin ang isang cup na may lamang kwek-kwek. "Hey mister! Kaya kong sagutan magisa ang activity sheet ko." Pag angil ko sa kanya, sinimulan na niya kasing sagutan yung mga hindi ko pa nasasagutan na tanong. Hindi niya naman ako pinansin at pinagpatuloy ang pagsagot sa activity sheet ko. Sinubukan kong agawin sa kanya yung book at activity sheet pero hindi niya ako hinayaan gawin ang gusto ko.

"Akin na lang tong kwek-kwek?" Again, hindi niya na naman ako pinansin at pinagpatuloy pa din ang pagsagot sa activity sheet ko. Nanahimik na lang ako at kinain na lang yung kwek-kwek, bahala na kung hindi siya pumayag o ano. Hindi niya naman ako pinapansin.

"So gawain mo bang mang-agaw ng activity sheet ng ibang tao na hindi ka naman kilala?" Sabi ko sa kanya habang inuubos ko yung kwek-kwek, at para lang naman akong nakikipagusap sa hangin dahil hindi naman siya sumasagot sa mga sinasabi ko. Sumuko na akong makipagusap sa kanya dahil hindi rin naman siya nagsasalita o ang makipagagawan sa kanya ng activity sheet, dahil matatapos na rin naman niya kasing sagutan lahat.

"Done." Ngumiti naman siya at binalik na niya sa akin yung activity sheet ko, tinignan ko ito at chineck ang mga sinagot niya. Puro tama naman ang mga sagot niya, "Sobrang favorite mo naman ata tong subject na ito para agawan ako ng activity sheet?" Binalingan ko siya na ngayon ay nakasandal na sa puno at nakapikit.

"Ganon ba siya kahirap para matulala ka na lang at titigan na lang yung activity sheet?" Balik tanong niya sa akin, pinagsasabi neto?

"Hindi ko tinitigan."

"Oo kaya."

"Hindi nga." Nagshrug lang naman siya at hindi na ako pinansin pa. Ang tino niyang kausap promise. Bahala na nga siya. Inayos ko na lang ang mga gamit ko at hindi na siya binigyan pansin pa.

"There you are! Kanina pa kita hinahanap loves." Biglang pagsulpot ni harmony sa harapan ko. Ano bang meron ngayon at nagsusulputan ang mga tao? Hinila na lang ako patayo bigla ni harmony, mabuti na lang at tapos ko nang ilagay sa bag ko ang mga gamit ko.

"San tayo pupunta loves?" Pagtatanong ko sa kanya, naglalakad kasi kami papunta sa parking lot. Eh may klase pa kasi kaming dalawa.

"Sa mall, bibili lang tayo ng mga kailangan pa para foundation week, at saka ng magiging damit mo."

"Ha? Damit ko? Para san? Ang dami kong damit sa bahay loves. At saka, baka nakakalimutan mo na may klase pa tayo, ano magcu-cutting tayo?"

"Baka kasi judge ka sa Mr and Ms, hano po." Sarcastic na sagot niya sa akin "Hindi tayo magcu-cutting kasi wala na tayong class loves, nagkaroon ng meeting sila Mrs. Coangko. Bat ba hindi mo tinitignan ang cellphone mo ha trae maximillean? And by the way, sino yung gwapong guy na kasama mo kanina?" Pagpapatuloy niya pa.

"Eh last day pa naman yung Mr and Ms ah." Pagtatakang sabi ko sa kanya, friday pa lang kasi ngayon. Tas next week pa ang foundation week "Malay ko ba, busy akong magsagot sa Bio."

The Tri-Colored HeartWhere stories live. Discover now