"Ay kabayong palaka!" Omyghad! Nagulat ako sa biglang pagkalabit ng isang bata sa p'wet ko pano ba naman bigla-bigla."E ano yun?" Mahinahon ko ng tanong ng makilala ko sya, siya ang pamangkin ng krass ko, ang pangalan nmang ng batang ito ay Jay. Syempre magiging pamangkin ko na din to soon kaya mabait muna tayo.
"Hello po ate" Nakangiting sabi niya, minsan ng nagconfess to sakin kahit 10 years old pa lamang siya.
"Pwede po magconfess?" Wow, kita ng naghihintay ng jeep yung tao e. Pero pigil! Keith! Magiging pamangkin mo na din yan soonHAHAHA asa.
"Sige" Sagot ko ng nakangiti, sige lang basta di ako maiwan ng jeep.
"All these awards, but he want to win your heart." Ngayon ko lang napansin ang malaking box na nasatabi niya ng kinuha niya ang mga trophies. God effort ah!
"Yieeee" kunwaring kinikilig kase naman eh!
"All these towers but Eifell for you" sabi niya sabay labas galing sa box ng mga keychain na eifell tower, cuteee.
"smoothhaha" komento ko, cute nung mga keychain, hingin ko lagay ko sa bag.
"All those dictionaries, but you bring meaning to his life" Sabay pakita ng mga dictionaries, kailangan ko yan sa assignment ko pwede kaya manghiram?
"pwede pahiram?" tanong ko pano ba naman e.
"Hiniram ko lang rin po ito e" Nahihiyang sagot niya.
"Sigehehe" sayang di na sana ako manghihiram pa
"All these headphones, but you are the one he want to listen to" pagpatuloy niya at ngayon nacucurious na ako sa mga laman pa niyang box na 'yan, isang mystery boxHAHAHA
"All these garbage but he want to take you out" Pinakita niya sakin ang natitirang laman ng box at puro basura nga ang laman.
Ngunit nahagip ng peripheral vision ko si Jay! Ang krass ko! Mygod! Ang hot niya sa suot niyang t-shirt at jeans yieee sana sya na lang nagkoconfess sa akin ngayun.
"Hi! You're drooling" Di ko na namalayang nasaharap ko na siya at naglalaway pa akong parang aso.
Pupunasan ko na sana ang laway ko ngunit naunahan ako ni Jay na pinunasan ng panyo niya, Ambango sobra
"Ganun ba kabango yung panyo ko, e may pawis nayanHAHAHA" ohmyghad Keith! You're embarrassing yourself! Kakahiya ka!
"ah hehe sorry" kunwaring natatawang sabi ko, awkward malamang.
"All these roads, but I want the way to your heart" yieee kenekeleg eke nangangamoy magkakajowa na ako ha.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang jeep na nalampasan kami, omyhmghad mapapagalitan ako ni papsi neto e.
"Huwag kang mag-alala binibini ihahatid kita" nakangiti niyang wika, mayghad sarap matawag na binibini.
"papunta saan?" tanong ko note! In a pabebe tone!
"sa puso ko yieeee" baklang twoh! Joke! Papakasalan ko pa yan
"tss." singhal naman ni Fourth, nandyan pa pala sya?!
"Oh eto!" sabi ni Jay at binigyan si Fourth ng 50 pesos, hanuto? Kagagawan ba ito ni Jay?!
"Akina yung itlog!" dagdag pa ni Jay, Hello! Nadito pa po ako!
Binigay ni Fourth ang egg at umalis na habang si Jay naman ay humarap sakin ng nakangiti.
"All these eggs, but I want to fertilize yours" sabi niya at ipinakita ang mga itlog, luh!
"Sira!" Pinalo ko siya gamit ang kamay ko, siraulo ba naman e.
"Just kidding hehe but Keith future Montefalco can I court you?" tanong niya ohmyghad.
Nagsimula ng magsilapitan ang mga tao sa amin upang makichismis. Kakahiya shocks!
"Yes na yan!"
"Yieeee"
"Sana all"
"kainggit kayooo"
Nagsisigawan na ang mga tao sa kilig daig pa ako pero dahil krass ko namn siya ba't ko siya papahirapan debaa?! Jowa na agad!
"Girlfriend na agad daming satsat!"
Sabi ko at hinalikan siya, syempre ganyan ako kapurok, binawian naman ako ng halik ni Jay.And we live happily ever afte—
Joke lang naghiwalay den kameHAHAHA
Wag mamadaliin ang love dahil ganun din kadali matataposHAHAHA
Please support my first ever work and Voteee☆
— Andrea Writes💜
BINABASA MO ANG
Andreeeea's One Shots
RandomJust a bunch of One Shots my imaginations caused Please support my first ever work^o^