Prologue

584 3 2
                                    

"And I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride" anunsyo ng pari na nagkasal sa kanila.

Narinig nya ang palakpakan ng mga piling bisita dito sa New York na nag-abalang umattend sa kasal nila ni Matteo Morgan Montegracia. Ilang kakilala at malalapit na kaibigan lang ang narito ngayon ayon na rin sa kagustuhan nilang mag-asawa.

Natuon naman ang paningin nya sa lalaking nagtaas ng belo nya. He was in his serious face again. She smiled secretly. Bakit hindi nawawala ang kagwapuhan nito kahit nagungunot na naman ang noo nito?

Dahan dahang inilapit ng lalaki ang mukha sa kanya. Then he smiled at her that makes her heart go wild. Hindi nya malaman kung anong dahilan ng pagwawala ng mura nyang puso.

"You look beautiful today my wife" sabi pa nito kaya lalong nagwala ang puso nya. And when his lips touched hers, it was the best five seconds of her life.

Nang matapos ang kasal at reception ay nagtungo na sila sa hotel na inookupa.

"Congratulations sweetheart. Remember that I am always proud of you okay?" Ani ng daddy nya saka sya niyakap ng mahigpit.

"Thanks daddy" ginantihan nya ito ng mahigpit ding yakap. Mamimiss nya ito pag bumalik na sya ng Pilipinas.

Binitiwan sya ng ama at ang kuya naman nya ang bumati sa kanya. Maya maya pa ay magkausap na ito at ng asawa nya.

"My man, please take care of my sister." Saad ng kuya nya na si Clove.

"Of course man I will." Nagfistbomb ang dalawa saka parehong humarap sa pamilya nilang kanina pa nakaupo sa sala.

"Cheers to the newly wed!" Anunsyo ng ama ni Matteo Morgan na si Lucas Montegracia saka itinaas ang hawak na baso na may lamang mamahaling inumin.

"Cheers" sagot naman ng iba at sabay sabay na itinaas ang mga baso.

Napatingin naman sya sa asawa nya na ngayon ay mabilis na inuubos ang inumin nya. Tumingin ito saglit sa kanya kapagkuwan ay ipinagpatuloy ang pag-ubos doon.

"Oo nga pala, napagdesisyunan namin na magturo ka sa AU Matteo. Mas mabuti na yun para magkasama kayo ni Psyche sa iisang unibersidad." Saad ng daddy nya.

Nagulat sya sa sinabi nito para mas nagulat sya sa sagot ng kabiyak.

"Okay dad." Ani nito.

"Pero dad, di ba po at bawal yun? Bawal magkaroon ng teacher-student relationship sa loob isang eskwelahan?"

"Anak, AU is my school. You know… my school, my rules. Wala naman akong balak ipahamak kayong dalawa that's why we'll keep your relationship hidden" paliwanag ng ama. "And you two should cooperate"

Napatango na lang siya sa sinabi ng ama. Sino nga ba sya para sumuway? She's just Psyche Arandale.

She heaved a deep sigh.

Ano nga ba ang mangyayari kapag magkasama na sila ni Matteo Morgan sa iisang bubong? Sa iisang unibersidad?

Magkakasundo kaya sila?

Mag-aaway?

She has no idea.

MARRIED TO PROFESSOR MWhere stories live. Discover now