Chapter 5

139 5 2
                                    

Saturday morning.

Nagising ng maaga si Psyche dahil sa nauuhaw ito. Kaya sa halip na matulog ulit pagkatapos uminom ng tubig ay dumiretso na lamang sya sa hardin para magdilig ng mga halaman. Medyo matagal tagal na rin simula ng magawa nya iyon. Kumakanta kanta pa sya ng madaanan sya ni Yaya Ester. Nakabihis ito at may hawak na basket.

"Good morning ya!" bati nya rito saka lumapit sa matanda.

"Good morning nak. Aga mo naman gumising."

"Nauhaw po kasi ako e hindi na ko bumalik sa pagtulog."

"Ngayon pa lang ako mamimili ng pang almusal. Pero may pancake naman dun. Kung nagugutom ka na, yun na lang muna kainin mo. Mabilis lang naman ako."

"Sige po. E si Morgan po? Nakababa na po ba sya?"

Tumango ito bago sumagot.

"Bumaba na sya kanina para magkape. Siguro nasa study room na naman sya. Puntahan mo na lang ha?"

"Sige po ya."

"Oh sya, alis na ko. Ingat kayo dito."

"Sige po. Ingat ka din ya!" aniya saka kumaway sa yaya.

Bumalik sya sa pagdidilig ng umalis ang yaya.

"Hi! Good morning!" Bati ng hindi pamilyar na boses sa kanya. Sa pagtataka ay pumihit sya patalikod habang dala dala pa rin ang hose na ginagamit sa pagdidilig. Hindi sinasadyang nadiligan nya rin ang kaharap nya ngayong lalaki.

"What the-" sabi nito na waring di makapaniwala sa nangyari.

"Oh my God I'm sorry! Hindi ko sinasadya. Nagulat lang ako dahil bigla kang nagsalita. Sorry talaga sorry!" Paghingi nya ng pasensya.

Tumawa naman ang lalaki na ikinagulat nya. Lumapit ito sa kanya at pinatay ang hawak nyang water hose.

"It's okay. Nagbibiro lang ako kanina. I just wanna see your reaction. You're so cute"

Nangungunot noong tumingin sya sa lalaki. She's hundred percent sure na hindi nya ito kilala. Na ngayon nya lang ito nakita. Pero bakit mukhang kilala sya nito?

"You know me?" hindi nya mapigilang itanong.

"Of course" sagot nito saka kumindat sa kanya.

"Eehh? Pero hindi naman kita kilala. Sino ka nga ulet?"

"Peter Marcus Montegracia" inilahad nito ang kanyang kamay. "Matteo Morgan's little brother"

Napatanga sya sa sinabi nito.

May kapatid si Morgan?? Bakit hindi ko alam?

She once again scanned  the guy's face trying to find his resemblance to her husband. Pero wala sya ni isang makitang pagkakapareho ng dalawa.

"Sigurado ka bang kapatid ka ni Morgan?"

The guy laughed again.

"Yes of course. Ask him if you're still doubtful."

Nagkibit balikat na lang sya. Tatanungin na lang nya siguro ang asawa nya about sa lalaking to.

"Are you not going to invite me in? Hindi mo man lang ba ko aalukin ng juice? Or water? Or maybe an extra shirt?"

Muntik na nyang makalimutan na basa nga pala ang damit nito. Wala na syang nagawa kundi ang papasukin ito sa loob ng bahay.

Dumiretso sya sa kwarto nya at kumuha ng damit ng kuya Clove nya. Buti na lang at nay naiiwan itong damit kapag bumibisita ito. Hindi kasi sya nakikialam ng gamit ng asawa nya.

"Here. Isuot mo muna tong damit ni kuya Clove. Pasensya ka na talaga."

Ngumiti lang ito saka walang sabi sabing naghubad sa harap nya. Nanlaki ang mata nya saka wala sa sariling tumalikod.

Tumawa ang binata dahil sa ginawa nya.

"Don't be like that lady. I must think my body isn't worthy to flaunt"

"Sorry! Hindi lang talaga ko sanay na may basta bastang naghuhubad  sa harapan ko."

"Okay okay hahaha. You can face me now" humarap na sya ulit dito tulad ng sabi nya.

"Nagtataka pa rin talaga ko e. Kapatid ka ba talaga ni Morgan?"

Kahit saang parte kasi ng mukha nito ay walang makitang bakas na magkadugo sila. This guy's hair is curly while her husband is not. Morgan has brown eyes and Peter has blue eyes. Morgan's tan and Peter is white. Magkaibang magkaiba talaga silang dalawa.

"Yeah. But just a half. We're brothers because we share the same father. He got my dad's look and I got my mom's."

"Aahh"

So that explains everything. Kaya pala.

"Ano nga palang ginagawa mo dito? Ahm wait. Tatawagin ko nga pala si Morgan."

"Don't bother. Hindi rin naman ako magtatagal. Binisita lang talaga kita"

"Me? Bakit ako?"

"Bakit naman hindi. I was really curious about you." he smirked.

"Huh?" she replied in confusion.

"Nothing." anito saka tumayo sa pagkakaupo nito sa sofa. Lumapit ito sa kanya saka hinaplos ang pisngi nya. "Goodbye for now my sister in law. See you when I see you." kinindatan pa sya ulit nito bago lumabas.

She was left dumbfounded.

What just happened?

Did I just let him caress my cheeks?

What the??!

Umiling iling sya sa kaisipang iyon.

Nagpunta na lang sya sa study room ng asawa para iinform ito about sa kapatid nya.

Nadatnan naman nya itong busy sa laptop nya. Kumatok sya ng konti kahit nauna nya pang binuksan ang pinto. Nag angat ng tingin si Morgan saka awtomatikong ngumiti. She smiled back.

"Hey" bati ng asawa nya.

"Hi. Naistorbo ba kita?" aniya saka tumayo sa harapan ng table nito.

"Nope. Have you eaten?"

"Not yet. I'm waiting for you" nahihiyang sabi nya. Tumayo ang asawa saka sya hinalikan gilid ng noo nya. "Then let's have a breakfast together" Aya nito.

Lumakad sila papalabas ng study room. Nang malapit na sila sa dining area ay nagsalita sya.

"Ahmm. Morgan, may gusto sana akong itanong. Is it okay?"

"Of course wife. What is it?"

"May kapatid ka pa ba?"

Saglit itong natigilan bago sumagot.

"I have none. Why?"

Nagulat sya sa sinabi nito.

"Bakit wife? May problema ba?"

"Ahh. Wala naman. Natanong ko lang" sagot niya dito. Nginitian lang sya ng asawa saka sya inakbayan patungo sa dining area.

Pero habang naglalakad ay hindi nya mapigilang mag isip.

Did Peter lie to me?

Kapatid ba sya talaga ni Morgan?

Or is it Morgan that lied?

Pero bakit?

Bakit nya itatanggi ang kapatid nya?

Sino ka ba talaga Peter Marcus?

MARRIED TO PROFESSOR MWhere stories live. Discover now