Chapter 1

217 4 1
                                    

"Psyche are you done?" Boses iyon ng asawa nya mula sa labas ng kwarto nya.

Napagdesisyunan nilang mag-asawa na hindi muna magsama sa isang kwarto. Bukod sa awkward pa rin sila, hindi pa sya handa para sa ibang lebel na ginagawa ng mga mag-asawa.

"Ah ano kasi Morgan, mauna ka na lang" sagot nya.

"What? Why? May problema ba?" Naguguluhang tanong nito.

"Wala ano lang basta.. pwede bang tawagan mo na lang si Yaya Ester?" Pakiusap nya.

Dinatnan kasi sya ng araw na iyon pero wala syang sanitary napkin sa cr. Nakalimutan nyang bumili ng umuwi sila ng Pinas.

"Yaya Ester is busy. Are you really okay? Can you open the door?"

Nanlaki naman ang mata nya sa tanong nito. She can't open the door. Wala syang saplot sa baba kaya hindi nya pwedeng buksan ang pinto. At saka magulo ang kwarto nya kaya hindi pwede. Ayaw naman nyang maturn off ang asawa dahil hindi sya organized na babae.

"Please Morgan. Tawagan mo na lang si Yaya please. Don't worry, okay lang ako. May kailangan lang akong ipabili sa kanya jan sa convenience store"

"Ano bang bibilhin? Ako na lang ang bibili." Alok nito.

"Hindi pwede. It's a girl thing. Basta."

Hindi alam ni Morgan kung matatawa ba sya o maiinis sa asawa dahil sa inaasal nito pero mas pinili na lang nya ang una.

"C'mon Psyche, wag ka nang mahiya saken. Anong napkin ang bibilhin ko?" Natatawa nyang tanong dito.

"H-ha? Hindi naman napkin yun eh! Ano bang sinasabi mo jan" halatang halata ang hiya sa boses nito.

He chuckled. His wife is really cute.

"Psyche, I am your husband. Come on sweetie, I know that girl thing."

"Hindi nga kasi napkin ipapabili ko. Ang kulit mo Morgan"

"Don't worry hindi kita pabibilhin ng condom if ever. I won't use protection on you." Biro nya.

"Morgan!"

Humagalpak sya ng tawa ng sawayin sya ng asawa. He really likes teasing her. Kahit hindi nya nakikita ang mukha nito ay alam nyang namumula na naman ito. Ganon ito kapag nahihiya.

"Joke lang sweetie hahaha. Sige na nga, tatawagin ko na si yaya Ester tutal girl naman si yaya e hahaha"

Tatawa tawa pa rin syang umalis doon saka hinanap ang pinapatawag ng asawa.

Nang makita ito ay agad syang lumapit.

"Yaya pinapatawag ka ni Psyche. Pakipuntahan na lang muna sya. Ako na muna ang magluluto" aniya sa katulong.

"Sigurado ka hijo? Bakit daw?"

"May ipabibili daw. Girl thing." Nangingiti nyang sagot.

"Ay sya sige. Pagkamalambot na itong karne ilagay mo na itong mga gulay" tumango naman sya. Agad namang umalis ang ginang.

Nang mapansing nakabalik na ang matanda ay agad syang humarang dito.

"Ya ako na po ang bibili" prisinta nya

"Ha? Nako hijo hindi na. Ako na." Tanggi nito

"Ya ako na po. Para hindi na kayo maabala. Sabihin nyo na lang ang brand name." Sabi nya rito. "At kung may pakpak o wala" natatawa nyang pahabol na ikinatawa rin ng matanda.

"Napakabait mo namang asawa hijo. Natutuwa naman ako at ikaw ang naging asawa ng alaga ko. At saka salamat na din at ako pa rin ang kinuha nyong katulong nyo"

"You're not just katulong yaya. You're my wife's family. At wag kayong mag-aalala kayo pa rin ang kukuhanin namin para mag-alaga ng mga anak namin. Solid kami sayo ya"

"Ay walang problema saken. Magiging masaya lalo ako dahil may mapapaliguan na ko ulit. Basta ba bilis bilisan nyo ang paggawa. Hindi na ko bumabata hijo" tumawa ang matanda ganon rin sya.

"Your wish is my command yaya. Kapag naakit na sakin ang asawa ko gagawa agad kami ng triplets" nakangisi nyang sagot

"Aba't hinahamon mo ata ang kakayahan ko hijo ah. Haha. Osya bumili ka na at hindi makakalabas ng kwarto si Psyche hanggat wala yan"

"Sige ya. Sa susunod siyam na buwan ko syang hindi pagagamitin ng napkin hahaha"

Narinig pa nya ang pagtawag sa kanya ng loko loko nito pero tinawanan nya lang ulit yun saka nagtungo sa convenience store. Pagdating doon ay agad syang kumuha ng nasabing brand ng napkin. Dumampot agad sya ng tatlong balot noon at ng dalawang balot na jelly ace. It's his wife's favorite. Nang babayaran na nya ay bakat sa mukha ng babaeng kahera ang gulat. Ikaw nga ba naman ang makakita ng gwapong bumibili ng napkin hindi ka ba magugulat? Naiiling na lang nyang binayaran ang binili.

"Miss, alam mo ba kung anong binibili ng mga tunay na lalaki para sa minamahal nila bukod sa singsing?" Tanong niya sa babaeng kahera habang tinitingnan ang kahon ng condom.

"Ahmm. C-condom?" Namumula nitong sagot.

"Nah. Real man buys napkin." Nginitian pa niya ito saka umalis doon. Agad naman nyang inabot kay yaya Ester ang mga binili saka matyagang naghintay sa paglabas ng asawa sa kwarto nya.

MARRIED TO PROFESSOR MWhere stories live. Discover now