Yunit 8

37 0 0
                                    

Bakit kaya ganun ? ang dami dami niyong tinatawag sa mga playboy. Pero iisa lang naman ang gusto niyong ipahiwatig. Ang alin ? ang hindi kami namin kaya makuntento at heart breaker. Para sabihin ko sayo anu man ang itawag niyo magkakaiba parin ng meaning. Para sa malawak na kaisipan ipapaliwanag ko.

Babaero o Womanizer

   Kung inaakala mo na ang english ng babaero ay playboy, pwes! nagkakamali ka. Dahil ang english po ng babaero ay womanizer, sige nga ! tagalogin mo ang womanizer at playboy para malaman mo pinagkaiba, hanapin mo sa dictionary ko ang meaning. Mabalik tayo sa topic, ang babaero o womanizer po kasi ay mahilig lang sa babae. Pero nasa sa kanya yun kung papatol siya o hindi. Kasi kung papatol siya hindi na babaero ang tawag dun playboy na talaga. Alam mo ba ang babaero kasi close lang o sabihin na nating malapit lang sa babae. Yan ang meaning talaga ng babaero, kasi sa lahat2x ng paniniwala mo sa mga babaero. Ito kasi yung klase ng lalake na mahilig nga sa babae pero may papatol o papatulan ba nila. Kasi nga ! mahilig lang ibig sabihin natutuwa lang sila makipagsalamuha sa mga babae.

• chikboy

      Mahilig sa chiks mahilig sa boy ? hahaha nakakatawa. Mali po ! ang tunay na kahulugan niyan ay tulad ng babaero. Pero ang pinagkaiba nga lang nila, ang chikboy bumabase sa itsura o porma yan ! lalo na pag sexy. Di kasi tulad ng babaero walang pinipili yan, ito naman may pinipili. Kasi nga ! ito yung tinatawag na pa'chiks na lalake o sabihin na nating pa'chiks na boy. Oh ! alam mo na ? diba nga ! mapapansin mo sa mga chikboy pala ayos ? panay porma ? at higit sa lahat daig pa ang mga babae sa pag aayos ng sarili malala pa ! panay ang salamin. oha ! yan ang chikboy pa'chiks talaga haha ang bagal pa at ang arte.

• Pabling

     ito naman yung klase ng lalake na nilalapitan na ng grasya tumatanggi pa. Tulad ng chikboy masyadong pa'chiks din ang kinaibahan lang, sila yung pinaka humble pagdating sa pambababae. Ang ibig kong sabihin kapag nilapitan siya ng babae tumatanggi siya kasi iniisip niya ayaw ka niya o di kaya ayaw niyang mag take advantage sa babae, porket ! may gusto lang sa kanya sasamantalahin na. ito kasi ang nasa isip ng mga pabling ih, kaya pag may gusto kang lalake at ayaw sayo ibig sabihin pabling yun. Isipin mo na lang kung bakit ayaw niya, malay mo natotorpe lang din.

• Loverboy

    ito naman yung uri ng playboy na sweet at romantic. Kaya kapag may karelasyon siya at nakitang sweet sa iba pinagseselosan agad ih. Loverboy nga kasi ! di mo maalis na nilalapitan siya dahil sa ka sweet'an at ka romantikohan niya. Ito kasi yung nagsisilbing asset niya bilang loverboy.

• Chikmagnet

    katulad siya ng pabling na habulin kaso ang kinaibahan lang wala pa siyang ginagawa pero nilalapitan na ng babae. Madalas mga macho gwapito ang mga ganto ih. Sila din kasi ang tinatawag na hearthrob at boy next door, yung tipong pag nakikita sa siya ng mga babae nagtitilian na. Hindi lang kasi artista ang may angking galing na ganto. Minsan mga ordinaryo lang haha kaso bihira lang sa ordinaryo to.

Mr. suave

   Sila yung mga lalake na ang asset nila sa pang akit ay bigotilyo o balbas sarado. Kasi minsan may mga babaeng mahilig sa mabalbon na lalake. Sabi kasi ng karamihan sa kanila nakakakiliti daw sila pagdating sa romansa. May mga lalake din kasing nakakaakit sa pagiging bigote ih. Tulad na lang sa napapanood mo, pero madalas nadadala lang din nila ng pagiging romantiko.

-------------------------------------------------

Ayan ! alam mo na ang meaning nila. Hindi ka na malilito kung ano sila at di lang sa salitang playboy ka aasa ng meaning nila. Alam mo mas maigi ng malaman mo ang meaning ng mga ito. Para kung sakaling makita mo sila, alam mo yung meaning nila. O di kaya yung kahulugan ng meaning nila. Hanggang dito na lang muna, Sana nadagdagan ang kaalaman mo sa mga tulad ko. Not on totally na ako itong lahat ng sinasabe at kinukwento ko. Yung iba lang naman po wag mo po kong husgahan hahaha.

Salamat sa suporta !

*****************************

Epalogue

"  hahaha nakakasawa na kasi yung salitang epilogue kaya naisip ko to. Ang korny ! wag mo na ngang pansinin. Ang gusto ko lang pong sabihin sayo ay humihingi ako ng sorry sa di ko pagreply ng mga comment mo. Sa kadahilanang abala lang saka minsan ayaw magsend ih. Pasensya na sa phone lang kasi ih, para sa sagot ko sa katanungan. Oo ! based on my experience ko po ito kaya nga po tinytilan ko ng " confession of a playboy ". Kasi ako yung nagcoconfess sayo ng pagiging playboy ko dati. At lalo na ng mga pinagdaanan ko nung naging playboy ako. Yun lang po ! pasensya na talaga, kung may comment pa po kayo ... mag comment lang kayo kahit negative ok lang ! desisyon niyo po yan.

  Salamat !

"Keep reading our filipino author"

                                    -jabbee

Confession of a playboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon