Bilang isang lalake may mga bagay kang dapat malaman sa amin. Kasi kaming mga lalake ay nilikha para magsilbing bantay,dakilang anak at responsableng ama sa lahat. Dahil nilikha ang mga lalake para bumuo ng matibay na pundasyon ng pamilya at mangaral sa mga iba ng tamang asal. Ang mga lalake ay dapat magsisilbing tagapagtanggol ng kababaihan hindi para gumawa ng kasamaan at pang aabuso sa kababaihan. Mangangalaga sa lahat ng nilikha ng diyos tulad ng kapaligiran at mga hayop. Hindi yung mang aabuso at gagamitin sa sariling kapakanan ang mga bagay na nakikita natin. Dahil bilang lalake dapat sila ang may malaking responsibildad na dapat gampanan sa lahat. At dapat ang mga lalake ay magiging magandang ehemplo ng pagiging mabuting anak para pagdating ng araw, sila ay maging mabuting magulang sa panahon na bubuo sila ng pamilya.
Pero bakit ganto !? tila iba na ang nagiging takbo ngayon ng mundo. Dahil karamihan ngayon sa mga lalake gumagawa ng krimen na nagbibigay takot sa kababaihan. Tulad na lang ng pagiging rapist at mamamatay tao. Kung minsan inaabuso yung mga bagay na meron sila. Kaya tuloy tingin ng lahat ng kababaihan lahat ng lalake masama. Pero di naman lahat dapat nilang husgahan may mga lalake pa din namang matino. At di lahat ng lalake ay manloloko o playboy. May mga lalake pa ring maaasahan parin natin sa lahat.Paano mo nga ba sila mahahanap ? simple lang ! sasabihin ko sayo.
Mga klase ng lalakeng dapat mahalin o seryosohin, pwede ring sabihin nating matino
1. Kapag ang mga lalake ay tipong Masungit, sila yung mga siguradong matino. Kasi sasabihin ko sayo, kapag ang ugali ng lalake ganto tintiyak ko pag minahal ka niya sayo lang siya. Snob niya na yung ibang aaligid sa kanya at makakasiguro kang kahit landiin siya hinding hindi siya papatol sa ganun. Kasi ang mga masusungit mahirap mahalin pero kapag yan ang nagkagusto sayo dapat sagutin muna. Sila kasi yung mga tipong Sir Chef kumbaga ! oha .. feeling mo ikaw si maya dela rosa. Alam mo ba ang mga masusungit may tinatagong kulit din yan sa mga nagiging partner nila. Maniwala ka ! marami akong kilalang ganyan kaya nga yung mama ko maligaya na kay papa.
2. Kung may masungit meron naman tayong tinatawag na Mysterious look. Mali kasi yung sinasabi nilang kapag tahimik maraming bahong tinatago. Ang totoo kasi niyan, sila yung mga tipong masarap mahalin. Kasi sila yung mga lalakeng unexpected, akala mo lolokohin ka pero ang totoo kapag nakipagrelasyon sila di mo mababasa yung gagawin niya sa relasyon niyo. Sila kasi yung mga tipong maraming sorpresang tinatago na di mo inaasahan sa isang relasyon. Huwag lang matapat sayo yung tipong mapagsamantala kasi minsan may tipo na gantong lalake ih kaya ingat ka parin.
3. Alam mo masarap din mahalin ang Badboy, kasi sila yung mga tipong gusto nila ikaw lang at tipong ipagtatanggol ka sa lahat ng mang aapi sayo. Di ba ang sarap maging princesa kasama ng night and shinning armor mo. Panget kasi kapag prinsipe, sila kasi yung tipong habulin ng babae kaya ang dapat mong piliin slave o kaya knights. Kung minsan kahit sakit sa ulo ang mga badboy, unawain mo na lang kesa naman maging sakit sa ulo mo sila sa mga kaagaw mo. Mahilig man sila sa gulo pero mahina naman sila pagdating pagmamahal, ito kasi yung mga tipong weakest point ng badboy ih.
4. At ang huli ay ang mga Workaholic, sila kasi yung tipo ng lalake na nakafocus lang sa isang bagay. Pero kapag tumibok ang puso niyan sayo lang yan nakalaan ang oras niya. Sila kasi yung mga futuristic o ang goal nila ay magandang kinabukasan. Huwag kang pipili ng mamahalin mo na walang pangarap, dahil dapat di ka mahal lang ng mahal matuto kang pumili ng alam mong may kinabukasan ka. Hindi ko sinasabing pumatol ka sa matandang mayaman. Ang piliin mo yung lalakeng iniisip ang magandang bukas o hinaharap sa inyong relasyon. Kaya lang marami kasi sa mga babae ang hindi nakakaunawa sa mga taong ganito ih. Pero ok lang ! desisyon niyo yan ih
Kahit papano sana natulungan kita sa mga sinabe bilang playboy. Sinulat ko lang to para mabawasan ang mga babaeng niloloko. Nakakaawa na rin kasi ang mga babae kapag niloloko sila. Kaya sana kahit konti may nalaman ka sa pagkatao nila. Wala na akong paki kung dumami haters ko, ang importante nabigyan ko ng kahit papaanong babala ang mga kababaihan. Kaya ingat na lang kayo at goodluck na lang sa pipiliin niyo sa tunay na magmamahal o mamahalin niyo. Always keep believe in god and pray , stay strong ! kung makaranas ka ng kabiguan matuto kang mag move on. Madali lang ang mag move on ang problema kinukulong mo lang ang sarili mo sa kahapon, kaya hanggang nananatili kang nasasaktan ngayon dapat matuto kang bumangon.
Hanggang dito na lang !
Sana nagenjoy ka, always keep smiling :) god bless ! and take care