Chapter 1

27.3K 460 72
                                    

Farra Anica

Excited siyang papasok sa school dahil sa wakas. Huling taon na niya sa pag-aaral at magtatapos na siya. Pero mas excited siyang maging guro ang love-crush niya ng tatlong taon, si Miss Frea. Sa wakas, magiging professor na din niya ito. She wanted to become a fashion designer pero unang kita palang niya kay Miss Frea nong first year siya para mag-enrol ay crush na talaga niya ito.

She learned that she's teaching in Engineer department kaya from designing ay nag-switch siya into architecture engineering. At laking tuwa nga niya ng makita sa schedule niyang isa nga ito sa magiging Professor niya.

She's not creepy. Humahanga lang siya dito. Miss Frea's sexy and hot. She admire everything about her. She's just so perfect sa paningin niya. Alam naman niyang bawal ang magkagusto sa isang guro but she couldn't help it. Isa pa, isa siyang closeted femme gay.

Crush din niya noon si Miss Bryant pero last year lang ay nag-resign ito dahil nagpakasal na daw. Ang swerte naman ng lalaking napangasawa nito. Mag-bestfriend kasi si Miss Bryant at Miss Frea at popular sila sa school. Buti hindi nag-resign si Miss Frea kundi ay mawawalan na siya ng inspirasyon at isa pa. Hindi pa naman ito mag-aasawa at ang tagal niyang naghintay para lang maging professor niya ito. She teaches in fourth year kaya ngayon pa lang.

At hindi niya maiwasang kiligin!

Wait till her parents know about her being gay. Siguradong mahihimatay ang Mommy niya. Nag-iisa kasi siyang babae, siya ang bunso and believe it or not. She have identical quintuplet brothers namely, Dio, Fio, Gio, Rio and Zio. Mas nauna ang mga ito ng dalawang taon at napaka-overprotective ng mga ito pagdating sa kanya.

"Mom! Dad! I'm going to school now!" Pasigaw niyang sabi habang kumakain ang mga ito ng umagahan.

"Farra, you need to eat anak. You don't enter that school without anything in your stomach!" Pasigaw din ng Mommy niya.

Ish! Ano ba?! Excited na siyang makita si Miss Frea!

"Ako maghahatid sa iyo sa school Farra!" Isa sa mga kapatid niya. Paano niya malalaman kung sino iyon e magkakamukha ang limang kapatid niya.

"Ayoko Kuya! Malaki na ako!" Pasigaw niya at lalabas na sana siya ng mansyon pero mabilis siyang nahabol ng kapatid niya at may hawak itong sandwich na nakalagay sa isang plastic. Pinagduldulan nito sa kanya kaya walang choice kundi hawakan niya iyon. Hindi nga siya gutom!

"Kuya! Ang bigat ng braso mo!" Reklamo niya dito dahil nakadantay pa talaga sa kanya e ang laki laki ng katawan nito. Nag-gi-gym kasi ang lima at minsan nagpapalakihan ang mga ito ng muscles sa harapan niya.

"Saka Kuya, hindi na ako bata kaya please lang. Kaya naman akong ihatid ni Mang Dindo sa school."

Umiling ito bago siya pagbuksan ng kotse. Pumasok siya doon habang nakanguso siya. Ng makaupo ito sa kabila ay saka naman nagsilabasan ang iba pang mga kuya niya. Halos mahilo siya ng makitang pare-pareho ang suot ng mga itong damit. Lagi nalang! Magkakapareho na nga ang mga mukha at tindig, pati ba naman sa damit?

Nagsiksikan ang apat sa likuran ng kotse. Minsan napakachildish ng mga ito. May sari-sarili na nga silang sasakyan e. Meron din siya pero hindi niya alam magmaneho dahil nababahala ang mommy niyang baka may mangyaring masama sa kanya kaya si Mang Dindo ang driver niya.

Hindi siya makapaniwalang tinignan ang apat sa likuran at nagpakandong na ang isang Kuya niya. Ang tatlo ginawang apat. Natawa siya sa hitsura ng mga ito at halos maluha siya. Kahit kailan talaga ay sira ulo ang limang ito.

"Bakit ba kasi kayo nagsisiksikan diyan? Saan ba ang punta niyo?" Takang tanong niya dito. Her other Kuya drive the car already.

"Ihahatid ka namin sa school."

Loving Miss Frea _Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon