Nagising ako dahil sa ingay ng mga sasakyan sa labas, napahawak ako sa aking sintido dahil naalala kong late na pala ako sa trabaho , tsk! di bale rest day ko naman bukas at makakapag pahinga na ako ng maayos tumayo na ako para mag ayos ng sarili hindi na ako mag aalmusal sanay naman ako at malalate na talaga ako. Nandito na ako sa NAIA at dala dala ko ang lagi kong kasama alam niyo kung ano? walang clue hulaan niyo haha char isang maleta lang naman ang lagi kong dala by the way mag papakilala muna pala ako ..ako si Yvone Garcia im 21 years old isa akong flight attendant isa ako sa pinakamagaling na flight attendant and im so proud to myself hindi sa pagmamayabang proud lang talaga ako sa sarili ko ewan ko kung bakit itong kurso ang napili ko dahil gusto ko naman talagang kurso ay HRM pangarap ko yan nung bata pa ako at pangako ko yan sa sarili ko pati kay papa hayss....kaya lang hindi ko natupad ang pangakong yan dahil gusto kong kalimutan ang mapait at masalimuot kong nakaraan kaya lang hindi ko magawang burahin ang nakaraan sa mga isip ko dahil kahit anong pilit ko hinding hindi ito mabubura ng kahit ano ...sadyang nakatatak na talaga siguro ito sa utak at puso ko siguro nga hindi pa panahon para kalimutan ito. Kakalimutan ko ang mapapait na nakaraan pero ang masasayang nakaraan na kasama ko si papa ay hindi imamarka ko sa puso at isipan ko ang pangalan ng taong pinakamahalaga sa akin kundi si papa ang the best super hero para sa akin wala nang iba pa kundi ang ama ko.
~FLASHBACK ~
Yvone P.O.V
PAPA! -yvone
masayang sigaw ko kay papa alam kong masaya at proud si papa dahil naka graduate ako ng collage sa kursong gusto at pangarap ni papa para sa akin masaya rin ako dahil alam ko ang hirap na dinanas ni papang magisa para sa akin tungkol kay mama? hindi ko alam oo tama kayo kahit pangalan niya hindi ko alam dahil bata palang ako namulat na akong walang ina lagi kong tinatanong si papa tungkol sa sarili kong ina kaya lang ang tangi ko lang naririnig mula sa kanya ay hindi niya rin alam kahit na minsan nag dududa ako kay papa hindi ko na ulit ito binanggit sa kanya dahil alam kong may dahilan kung bakit walang masagot si papa sakin pero masaya na akong kasama ko si papa masaya na akong kaming dalawa lang .
Anak ko! -papa
papa masaya po ba kayo? -yvone pabiro ko kong tanong
anak hindi mo lang alam kung gaano kasaya ang papa mo. -papa
*smile* alam ko naman po papa hayaan mo po pa maghahanap agad ako ng trabaho at hindi na kayo mamrormoblema sa gastusin natin sa bahay ok ba pa? -yvone
Nako ang anak ko talaga...opo maam -papa at sabay kaming nagtawanan ni papa masaya kaming uuwi at doon nalang kami mag cecelebrate ng biglang ........
papa?.....papa?....papa! -yvone
A-anak yv--- -papa
Kung ngayon ako sobrang saya ngayon din pala ako magiging sobrang lungkot hindi mo talaga alam kung hanggang kailan ang limitasyon ng mga bagay bagay. Dahil sa nangyari sa papa ko hindi ko alam kung isang bangungot lamang ito o isng pagsubok na hindi ko alam kung kakayanin ko bakit sa papa ko pa nangyari ito bakit sa amin pa. Nandito ako ngayon sa labas ng ICU kung saan nakahandusay ang papa ko na hindi ko alam kung makikita ko pa siya wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak na lamang dahil wala naman akong kapangyarihan para iligtas ang sarili kong ama. Ako lang magisa dito at umiiyak habang nakatingin sa kawalan ng biglang lumabas yung taong inaasahan ko na maililigtas niya ang papa ko dali dali akong lunmapit sa kanya para alamin kung ano ang lagay ng papa ko.
BINABASA MO ANG
You're My Beautiful Karma (Constancio Series #01)
Teen FictionDestiny or Meant to Be? Maaari sa dalawang yan ay para sa kanya... Pero paano kung wala sa dalawa diyan ang kapalaran niya? Destiny? Meant to Be? Hindi talaga natin alam kung ano ang kapalaran natin sa buhay. Until one day nakaabang nalang pal...