Chapter 14 ( Mr. Mapang asar)
Ashley P.O.V
Nakakatampo na si Yvone hindi man lang ako kinakamusta hindi porket may love life na tsk! Bahala siya tss hindi ko rin siya papansinin kanina tumawag siya sabi ko busy ako pero sa totoo lang nandito ako ngayon sa locker ko naka tayo lang iniintay ko kung hahanapin niya ako pag hindi magagalit na ako sa kanya pero kilala ko si Yvone hindi siya nakakalimot kahit na ako ang best friend niya.
"Hoy! panget" -Lucas
Aba sira ulong toh ako panget eh kung sapakin ko kaya siya sa ganda kong to tss.. ano naman kayangang ginagawa niya dito
"Bakit!" - Ash
Pataray kong sabi umayos siya beastmode ako ngayon
"Anong drama mo, bakit ka nandiyan?" -Lucas
"Pake mo ba" - Ash
"Bakit nag away kayo ng boyfriend mo?... Gusto mo upakan natin??" - Lucas
Sabi niya habang hindi naka tingin sa akin aba ako ba'y iniinis nitong tukmol na toh.
"Wala ka na ron" - Ash
Pag ako naasar sisipain ko toh
"Hiwalayan mo na kasi paiiyakin ka lang naman non" - Lucas
Sira wala na kami late ka na sa balita pero infairness tama ka pinaiyak niya nga lang ako
"Matagal na kaming hiwalay" - Ash
"Edi mabuti... ang panget mo kasi" - Lucas
"Isa hindi ka ba titigil malapit na kitang masapak" - Ash
"Woah! Biro lang... pero seryoso tama lang yung ginawa mo sa panahon kasi ngayon bihira na lang ang lalaking seryoso" - lucas
"Bakit isa ka narin ba don?"-ash
Sarkastiko kong sabi.
"Paano pag sinabi kong oo maniniwala ka ba?"-Lucas
"Paano naman ako maniniwala sayo eh sa mukha mo palang hindi na kapani-paniwala eh."-ash
"Kaya nga tinatanong kita eh"-Lucas
Luh anyare sa tukmol na ito di kaya broken din siya katulad ko aba,aba buti nga sa kanya.
"Aisshhh ewan ko sayo hindi naman yun ang pinopbroblema ko eh"-ash
"Eh bakit magisa ka dito"-lucas
"Kasi si yvone nagtatampo ako sa kanya"-ash
"Bakit"-lucas
"Aish basta usapang babae na yun noh atsaka bakit ba ang dami mong tanong"-ash
"Nung isang araw sila ni jake ang nagkatampuhan ngayon naman kayong dalawa aba baka next nako diyan"-lucas
Tumawa naman siya na para bang nangaasar.
"Asa ka naman noh may jake na yung tao eeksena ka pa"-ash
"Sus, sabihin mo nagseselos ka lang"-lucas
"Mukha mo noh...kapal ah"-ash
"Di magtatagal baka gusto mo narin ako baka nga lagi mo na akong isip-isipin tama ba ash?"-lucas
Anong nakain nito at parang natimang ang loko teka ako magkakagusto sa kanya wow huh baka siya yung may gusto sakin tss.
"Sige na alis na ako panget"-lucas
"Aba hoy! Tukmol hinding hindi ako magkakagusto sayo asa ka baliw nakakainis"-ash
Pasigaw kong sabi sa kanya habang siya kumakaway habang hindi nakatingin sa akin siraulong yun hays.
BINABASA MO ANG
You're My Beautiful Karma (Constancio Series #01)
Teen FictionDestiny or Meant to Be? Maaari sa dalawang yan ay para sa kanya... Pero paano kung wala sa dalawa diyan ang kapalaran niya? Destiny? Meant to Be? Hindi talaga natin alam kung ano ang kapalaran natin sa buhay. Until one day nakaabang nalang pal...