Yvone's P. O. V
"Sorry rin kanina"-gian
"ok lang napaupo lang naman ako wala yun" - yvone
"hmm so dito ka pala nagtratrabaho?" - gian
"ahh oo" - yvone
"matagal ka narin ba dito?" - gian
"oo matagal narin" - yvone
"ah ok pangumaga pala schedule mo?" -gian
"nope paiba iba ang schedule ko sira kasi yung manager namin pero ok lang sanay na ako" - yvone
"ah ganon ba ang dami ko na at ang tanong nakakahiya" - gian
"OK lang" - yvone
Medyo naiilang ako dahil ang awkward namin magusap. Magkalayo kami habang naguusap tahimik lang ako pero pag nagtatanong siya sumasagot din agad ako. Mabait siya hmm gwapo rin wala lang napansin ko lang nakakatuwa kasi ang friendly niya hindi siya yung ibang lalaki na pacool tapos ang yayabang pa.
"baka busy ka sorry sa istorbo ah" - gian
"hindi naman masyado... Teka parang kanina ka pa sorry ng sorry" - yvone
Natawa naman kami parehas dahil sa reaksyon niya na parang nahiya dahil sa sinabi ko. Naglalakad na kami papunta kung saan namin iniwan si ash at pati narin yung pinsan niya na si Mark.
"hmm k-kailan ka free?" - gian
"hmm sa Friday day off ko kasi yun... Bakit?" - yvone
"pwede ba tayong lumabas wag kang mag alala libre ko para naman pambawi ko" - gian
"haha OK lang pero ikaw bahala" - yvone
"you mean pwede?" - gian
"oo"-yvone
"sige pero pwede ko bang makuha yung num----" - gian
"0936*******"-yvone
"t-teka ang bilis mo" - gian
"hahaha amina nga" - yvone
Binigay ko sa kanya ang number ko. Medyo natawa ako dahil sa ikinilos niya.
"ayan na yung number ng papa ko" - yvone
"h-huh" - gian
"haha biro lang number ko talaga yan" - yvone
"akala ko sa papa mo talaga kinabahan ako" - gian
"oo nga eh kung nakita mo lang reaksyon ng mukha mo para kang nakakakita ng aswang" - yvone
"grabe mapagbiro karin pala" - gian
"bakit hindi ba halata?" - yvone
"wala sa mukha mo" - gian
"nasan ba dapat?" - yvone
Pagbibiro ko sa kanya napailing na lang siya habang nakangiti dahil sa sinabi ko minsan talaga kung sino pa yung mukhang inosente sila pa yung masarap asarin at pikonin. Mayamaya pa nakikita na namin si Ashley at yung pinsan niya aba mukhang nagkakamabutihan narin sila ah tama nga yung sinabi ni papa na pag may umaalis may bumabalik pero pag hindi bumalik may darating. Oo naniniwala ako diyan dahil nung umalis si papa dumating naman sa buhay ko si Jake.
"Ang tagal niyo naman yiv ano bang ginawa niyo bakit hindi niyo kami sinama?" - ash
"Tama tama" - mark
Pagsasangayon ni Mark sa pagtatampo ni Ash ngumiti lang kami parehas ni gian.
"pasensya na Ash" - yvone
"hinahanap narin tayo Don yiv baka pagalitan tayo" - ash
"ah sige una narin kami baka pagalitan na kayo" - gian
"oo nga may next time naman eh diba Ash?" - mark
Ngumiti lang si Ash sa sinabi ni Mark nako mukhang may kaagaw na si Mr lucas ah haha nag nod naman si gian sa sinabi ni Mark.
"ah sige una na kami kailangan narin naming bumalik sa trabaho" - yvone
"sige sorry sa abala yvone tama ba?" - gian
"oo tama Mr gian tama ba ako?" - yvone
Natawa lang kami parehas pati narin si Mark at Ash.
"sige alis na kami Ash" - mark
"sige ingat kayo sa paguwi" - ash
"salamat ulit" - gian
"sige" - yvone
Hindi pa kami tuluyang nakakaalis nang marinig ko ulit ang salita ni gian.
"salamat ulit yvone see you next time" - gian
Ngumiti lang ako bilang sagot at kinawayan ko siya ngumiti rin siya at kumaway pabalik sa amin nakita ko naman na pala as na sila ng NAIA kaya tuluyan a rin kaming bumalik sa trabaho ni Ash.
BINABASA MO ANG
You're My Beautiful Karma (Constancio Series #01)
Teen FictionDestiny or Meant to Be? Maaari sa dalawang yan ay para sa kanya... Pero paano kung wala sa dalawa diyan ang kapalaran niya? Destiny? Meant to Be? Hindi talaga natin alam kung ano ang kapalaran natin sa buhay. Until one day nakaabang nalang pal...