A/N: Can you please share this story to your friends? Thank yooouuu ♡ Alabyu all.
Keisha
"Ba't ang tagal mo?" Kunot noo kong tanong. Pinapasok ko s'ya at inilapag n'ya ang kanyang dala sa lamesa.
"Ikaw kaya pumili ng mga damit doon sa mall? Baka sakaling hindi pa ako nahirapan." Sarkastiko n'yang sabi. At pagod na umupo sa edge ng kama.
"Bumili ka ng toothbrush, underwears, at deodorant?" Kinulikot ko ang pinamili n'ya.
"Hindi ka talaga nahiya sakin no? Andyan na po lahat, madam." Sabay irap n'ya.
Patagong ngumiti ako. Pambihira ka lalaking tao, hindi nahiyang bumili ng mga ito.
"Ay walang napkin?" Sabi ko ng wala akong makita sa plastic.
"Ano?! Kailangan mo pa non?" Singhal n'ya. At lumapit sakin na nanlalaking mata.
"Meron ako ngayon, e. Ngayon ko lang nalaman." Sambit ko.
Mahinang sinapak n'ya ko. "Ano ka ba! Mahiya ka naman sa balat mo, Keisha! Ikaw ng bumili doon."
"Aray! Sabi mo sakin, bawal akong lumabas kapag wala akong kasama." Salubong ang kilay kong tinignan s'ya.
"Hay naku! Sige na nga." Ginulo n'ya ang kanyang buhok. "Alis na ko. Babalik ako mamaya. Tawagan nalang kita."
Bago n'ya pinihit ang doorknob. Nagsalita ako. "Ano'ng nangyayari Jahon? Pwede'ng magpaliwanag ka?"
"Basta. Magtiwala ka lang sakin." At tuluyan na s'yang lumabas.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Wala akong ka muwang-muwang sa lahat. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit sinusunod ko ang lahat ng sasabihin ni Jahon. Malakas ang kutob kong may tinatago s'ya sakin. Pero may parte sa kaloob-looban kong magtiwala sa kanya. Hindi ko maintindihan.
**
Kinabukasan, wala akong ginawa kundi ang tumunganga. Naiinip na ako dito. Gusto ko nang lumabas at gumala. Magpapasama nalang ako kay Rhaine mamaya. Siguro di naman s'ya busy kasi walang pasok.
Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa gilid ng kama. Hinanap ko agad ang number ni Rhaine sa phonebook at tinawagan ito.
Dalawang ring bago n'ya sinagot.
"Rhaaaaine!" Bungad ko.
"Ansaket sa tainga, girl!" Bulalas n'ya sa kabilang linya.
"Samahan mo naman ako gumala. Nabobored na ako dito."
"Saan ka ba ngayon? Pinuntahan kita sa inyo tapos wala ka doon."
"Sa Estoria Hotel. Dito ako mag i-stay hanggang bukas."
"Huh?! Bakit?"
"Hays! Sasamahan mo ba ako o hindi?" Inis kong tanong.
"Pupuntahan kita dyan. Anong room?"
BINABASA MO ANG
In the Arms of Mr.Psychopath
Mystery / ThrillerMamahalin mo pa rin ba ang taong mas masahol pa sa demonyo o tatakbo nalang upang makatakas sa impyernong pinasukan mo? Nagsimula ang lahat sa pustahan at natapos ito sa patayan. -Keisha Morales He made a mistakes. He wouldn't safe unless he'll go t...
