Chapter 4

2.4K 95 47
                                    

Keisha

"Are you insane?" mahina n'yang tanong

Hindi man lang s'ya nagulat sa sinabi ko.

Ang totoo, tao ba s'ya?

"Malapit na Timo, konti nalang at mababaliw na ako kapag hindi mo ko tinulungan!" natataranta kong sabi.

Nilingon ko ulit ang mga lalaking humahabol samin. Napatalon ako sa gulat nang nasa likuran na pala sila at diretsong nakatingin samin.
Nagtago ako sa likod ni Timo at nanginginig akong kumapit sa damit n'ya.

"Master, may kasalanan ang babaeng 'yan samin" wika ng lalaking may bigote.

Eh? Master?

"Nobya n'yo po ba 'yan?" tanong ng lalaking kulot ang buhok.

"Sabihin mong 'oo' Timo, please" bulong ko sa kanya. Tumingala ako para makita ang mukha n'ya. Ito na naman ang walang buhay n'yang awra.

"Hindi..." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. "Hindi ko s'ya nobya"

Patay na!

"Kung ganon, maaari ba naming makuha s'ya?" ramdam kong may pag galang ang tono ng lalaking pula ang buhok.

"Hindi ko s'ya nobya..." bumaling s'ya sakin at hinintay ko ang susunod n'yang sasabihin.

"Dahil asawa ko s'ya"

Asawa ko s'ya

Asawa ko s'ya

Asawa ko s'ya

Parang nag echo sa akin ang sinabi n'ya. Paulit-ulit itong binigkas hanggang sa mag sink in sa utak ko ang kanyang sinabi.

"ANO?!" gulat kong tanong ngunit hininaan ko.

"Pasensya Master, inutusan lang po kasi kami." bahagyang yumuko ang isa at ganon rin ang ginawa ng dalawa n'yang kasama.

Anyare?

"Alis na po kami." paalam nila at humakbang na palayo.

Nakahinga ako ng maluwag nang mawala na sila sa paningin ko. Bahagya akong lumayo kay Timo at nilagay ko sa aking baywang ang dalawa kong kamay.

"What's the meaning of asawa ko s'ya?" mataray kong tanong.

Tinalikuran n'ya ko at padabog kong sinundan s'ya.

"Answer me Timo!" napapa-ingles tuloy ako. "Anong ibig sabihin non?"

"Search mo sa google."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi n'ya. Seryoso s'ya?

"Hoy Timo! Kailan ka pang natutong magpilosopo?" marahas kong hinablot ang braso n'ya at hinarap s'ya sakin "Ako lang dapat ang gumagawa non! H'wag na h'wag kang magpipolosopo. Masama 'yon!"

He smirked. "Pag pumatay, ok lang?"

Napahimas ako sa aking baba. "Oo, ok lang 'yon. Talent mo naman 'yon diba?"

In the Arms of Mr.PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon