Keisha
Sobrang tahimik ng paligid. Dinamdam ko ang lamig ng hangin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata't kumawala ng malakas na buntong hininga.Hinawakan ko ang puntod ng aking magulang. Isang taon na rin simula nung mawala sila. Nawala ako saking landas dahil sa pagka wala nila. Masakit para sakin. Hindi ko matanggap. Ang bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan na sa isang iglap mawawalan ako ng magulang.
"Mama... Papa" usal ko. Ngumiti ako't tumingala. Nababadyang tumulo ang aking luha. "Miss na miss ko na kayo, hindi nyo man lang naabutan yung graduation day ko. Nasaksihan n'yo sana ang pagtanggap ko ng diploma."
"75 percent lang yung average ko ma, pa. Pero at least grumaduate ako. Yan lang naman yung hinihingi ng gobyerno e" napatawa ako ng mahina.
"Di bale, sa susunod na ga-graduate ako, suma na po""Suma... sumagnanakaw!" humalakhak ako sa tawa at di nagtagal na palitan rin ito ng hikbi. "Ipinapangako ko po sa inyo, mabibigyan po ng hustisya ang pagkamatay ninyo. Gagawin ko ang lahat. Kahit buhay ko pa yung kapalit" kinuyom ko ang aking mga palad. Malakasang pwersa ang aking ginamit para lang mailabas ang lahat ng galit ko.
Biglang umulan ng malakas. Ngunit, nananatili pa rin ako sa aking pwesto kung saan nakalibing ang aking mga magulang. Di ko alintana ang lamig na dulot ng ulan. Ibinuhos ko lahat ng luha kasabay ng pagdampi ng ulan sa aking mukha. Hindi ko napigilan ang aking sarili at sumigaw ako sa abot ng aking makakaya. Hanggang sa mawalan ako ng boses.
Nanghina ang aking katawan, tila nakaramdam ito ng pagod. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Sa di kalayuan, naanigan ko ang isang lalaki na balot na balot ng itim, nakatayo't nakatingin sakin. Nanlalabo na aking paningin dahil na rin sa luha't ulan. Niliit ko ang aking mga mata upang makilala kung sino 'yon. Pero hindi ako nagtagumpay. Biglang kumirot ang aking ulo't umiikot na rin ang aking paningin. Tumayo ako kung kaya't muntikan na akong mawalan ng balanse. Dahan-dahan kung inihakbang ang aking mga paa, hanggang sa tuluyan akong natumba.
Hindi ako kumilos, pa tuloy lang akong nakahiga sa lupa. Maya't-maya, ang lalaking nakatingin sakin kanina ay nandito na sa harapan ko. Pinagmasdan n'ya lamang ako. Hindi s'ya gumawa ng paraan para makatayo ako. Gumuhit ng malaking ngiti ang kanyang labi.
Nakaramdam ako ng inis. Kung may lakas lang ako, kanina ko pa pinatay ang taong 'to. Ngunit, hindi ko magawa dahil unti-unti nang sumusuko ang aking katawan.
Ibinuka ko ang aking bibig at pinilit kong ilabas ang gusto kong sabihin.
"I'll never forget the man who killed my parents. After one year, and now you're already here, Timothy Cervantez"
**
"I'm the long lost brother of Timothy Cervantez"
Wtf?
"Seryoso ka dyan, Jahon?" hindi makapaniwala kong sabi. "Diba may pamilya ka na?"
Naningkit ang kanyang mga mata. "Kailan ako nag kwento sa'yo tungkol sa buhay ko?"
"Aba malay ko ba! Jahon, lahat ba ng ipinakita mong kabutihan sakin, palabas lang 'yon?"
"Ngayon ko lang din nalaman na mag kapatid kami ni Timo" pakya s'yang tumawa. "Ilang beses kong pinagtangkaan ang buhay n'ya tapos mag kapatid pala kami. Nakakatawa diba?"
Umiling ako. "Paano ka nakakasiguro na totoo ang sinabi ni Timo?"
May idinukot s'ya sa kanyang bulsa. Isang litrato, at pinakita n'ya yon sa akin.
"Sapat naman siguro 'to para maniwala ako sa kanya" itinuro n'ya ang batang lalaki na nakaupo at karga-karga ang sanggol. "Halata naman siguro na si Timo ito, at ako yung sanggol."
Humalakhak ako. Tinakpan ko ng palad ang aking bibig para lang pigilan ang sarili na h'wag nang tumawa. "Ang bobo mo! Sigurado ka talagang ikaw yang sanggol na yan?"
Tinignan n'ya ako ng seryoso. "Oo, dahil ang suot kong lampin sa litrato na yan, ang nagpapatunay na ako si Thaddeus Cervantez. Nahalungkat ko ang gamit ng umampon sakin. At nakita ko, ang lampin na yan na nakapangalan mismo sakin."
"Edi ikaw na! Nagpapatawa talaga kayong dalawa. Dahil sa lampin na yan maniniwala ka?" humalukipkip ako.
Lumapit si Timo kay Jahon. Itinaas ni Timo ang pangtaas n'yang suot. At itinuro ang tattoo sa tagiliran n'ya. Ganon din ang ginawa ni Jahon. Parehong tattoo ang nakatatak sa katawan nila.
"So, this is already enough for you to believe?" usal ni Timo.
"Anong ibig sabihin ang tattoo na yan?" wala sa sariling tanong ko. Nanatili parin ang aking tingin sa tattoo nila. Parang pamilyar sakin ang tattoo na yan. Hindi ko maalala kung saan ko nakita yan.
"Simbolo ng pamilyang Cervantez" sagot ni Jahon
"Pero hindi sapat ang dahilan n'yong mag kapatid para pahirapan ninyo ang mga magulang ko!"
"At hindi rin sapat para patayin nila ang Mama ko!" umalingaw-ngaw sa paligid ang boses ni Timo.
Nagulat ako sa lakas ng boses n'ya. Mama n'ya lang? Ibig sabihin buhay pa ang Papa n'ya?
"Dahil pinatay ng Papa mo ang kapatid ko!" nag-init ang gilid ng aking mga mata. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko maging emosyonal.
"Sinong nagsabi patay na ang kapatid mo?" ngumisi si Jahon. Ngayon ko lang nakita ang mala-demonyo n'yang pagkatao.
Kumunot ang aking noo. "Anong ibig mong sabihin?" tumingin ako kina mama't papa. Nanatiling nakayuko lang sila.
"Buhay ang kapatid mo."
"Nagpapatawa ka ba? Imposibleng mangyari 'yon! Nakalibing na ang kapatid ko!"
"Subukan mo kayang tanungin ang mama't papa mo"
Tumulo na ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan. "Pa, totoo po ba?"
Wala akong nakuhang sagot kay Papa.
"Ma, totoo ba?"
Humagulgol s'ya't tumango. "O-Oo anak, buhay ang kapatid mo"
Nasampal ko ang sarili kong noo. "Kailan pa? Kailan n'yo pa ko niloloko ma, pa!" pinunasan ko ang aking luha. "Kailan n'yo nalaman?!"
"Nung nakaraang taon lang. Kaya nag hanap kami ng paraan para makauwi agad kami dito sa Pilipinas upang hanapin ang kapatid mo" paliwanag ni mama.
"Nakilala n'yo ba s'ya? Nakausap n'yo ba s'ya?" malamig kong tanong.
"Oo, pero hindi n'ya kami tinuring na tunay na magulang. Sinisi n'ya kami sa nangyari sa kanya."
"Sino s'ya?" direktang tanong ko.
"Si Rhaine, ang tinuri mong best friend"
To be continued...
BINABASA MO ANG
In the Arms of Mr.Psychopath
Misterio / SuspensoMamahalin mo pa rin ba ang taong mas masahol pa sa demonyo o tatakbo nalang upang makatakas sa impyernong pinasukan mo? Nagsimula ang lahat sa pustahan at natapos ito sa patayan. -Keisha Morales He made a mistakes. He wouldn't safe unless he'll go t...