Part 1 Classmates

37 0 0
                                    

Magmula high-school ay Bestfriend na ang turingan namin ni Jojo. Walang araw na kami ay hindi magkasama. Kahit sa anong bagay hindi rin kami papahuli. Maski sa simpleng biruan o kahit anong trip ay nagkakasundo kami.

Sa usapang seryoso hindi namin ito nabibigyan ng panahon. Pagdating sa usapang "pag-ibig" ay madami na ding napag-daanan. Binibiro pa ako ni Jojo na sana ako ang girlfriend niya. Todo tawa nalang ang nagagawa niya pag nakikita niyang natatahimik ako sa tuwing binibiro niya ako ng ganoon.

Hindi ko naman inisip na may pagtingin sa akin si Jojo, dahil nasasabi rin naman niya sa akin ang mga tipo at gusto niya sa isang babae. At wala sa akin ang mga hinahanap niyang iyon.

Alam din niya kung ano ang maaaring mangyari sa pagkakaibigan namin kung may ganoong pagbabagong nagaganap. Alam niyang iiwasan ko siya at magagalit ako.

Pero dumaan ang marami pang taon, patuloy na naging matatag ang aming pagkakaibigan, magkasama pa rin kami ng best friend ko. Kahit sa eskwelahang pang kolehiyo ay pareho kami ng pinasukan. Sabay kaming nag-enroll. Nagkasundo kaming pareho ang kukunin naming kurso.

Una naming semester sa iskul bilang first year ay naging dahilan upang maging mas malapit pa kami ni Jojo, dahil classmate ko sya sa lahat ng subjects ko. :-)

Nagkaroon kami ng iba pang mga kaibigan. Sina Jowen na syang malapit kay Jojo, si Monday na syang makulit kasama, si Michelle at Felix ang Lovers ng barkada. Saksi sila sa matatag na pagkakaibigan namin ni Jojo.

 -----

Pagkatapos ng klase ay nag-hihintayan kami upang sabay kaming umuwi. Ang sabi nila Jowen ay napaka-sweet naming dalawa, halata raw samin na gusto namin ang isat-isa.

0_o ^_^

Hindi ko naman iyon maipagkakaila na malapit kami ni Jojo pero best friend lang talaga ang turingan namin, tahasang pagpapaliwanag ko kay Jowen.

 (nakakinis lagi nalang nila sakin tinutukso si Jojo) grrr...

-----

Walang araw na hindi ako kinukulit nila Jowen tungkol sa tunay naming relasyon ni Jojo. Lubha ko naman iyon ikinainis.

Nalaman ko ring nagkukuwento sa kanila si Jojo at ako ang madalas nyang ikuwento sa kanila. Nalaman ko kay Michelle na may nararamdaman si Jojo para sakin. Gaya ng dati ay hindi ko parin iyon inintindi at pinansin. Alam nilang hindi talaga ako naniniwala, maliban na kung si Jojo mismo ang siyang aamin sa'kin.

(ahh basta... Best friend ko sya... at yun lang

BEST, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon