(Song: Hanggang Kailan by Michael Pangilinan)
Hindi ko alam subalit sa mga sandaling iyon ay nagalit ako ng husto sa kanya. ang pakiramdam ko ay naiinis ako kay Jojo. Dahil katulad nya ay iniingatan ko ang aming pagkakaibigan, ayokong dumating kami sa puntong mawawala ang
lahat ng mga naging samahan namin bilang magbest friend. Sa mga sandaling iyon ay hindi ko tinanggap ang pagmamahal nya, natakot ako sa mga maaaring magyari bagkus ayokong mawala si Jojo sa buhay ko.
Nang malaman ko ang tunay na damdamin sakin ni Jojo ay nailang ako sa kanya. Iniwasan ko nga sya sa loob ng dalawang linggo. Hindi ko rin kasi matanggap na ang best friend ko ay may pagtingin sa akin. At hindi ko kayang suklian kung ano man ang nartaramdamn niya. Best friend lang ang turing ko sa kanya. Pero inaamin kong miss na miss ko na si Jojo sa loob ng dalawang linggong iyon.
Muli ay kinausap ako ni Jojo at nangako syang handa niyang kalimutan ang nararamdaman nya alang-alang sa pagkakaibigan namin. Nagkasundo nga kami na hindi na namin babanggitin pa iyon. Naibalik namin ni Jojo ang nagkalamat naming pagkakaibigan.
Nasa second sem na kami nang may magtransfer sa school namin. Si Jayson at nagpapahiwatig na manliligaw sa akin. Ikinuwento ko iyon kay Jojo. Ang unang naging reaksyon nya ay pagkabigla. Paano raw ako magkakagusto sa isang napakayabang na lalaki na feeling daw ay lahat ng babae ay may gusto rito.
Bukod sa mahina naman daw ang ulo nito ay dinadala lang sa pagpapapogi ang lahat. Inis na inis ako sa mga sinabing iyon ni Jojo. Akalain ko bang sisirain nya ng ganun-ganon lang ang crush ko.
Sa inis ko kay Jojo ay hindi ko sya kinausap. Sa isip ko, siguro sinasabi nya iyon dahil hindi pa rin nya nakakalimutan ang nararamdaman nya sa akin. At ayoko noon.
Ayoko na muling masira ang pagkakaibigan namin.Muli akong inamo ni Jojo at ipinangakong hindi na ako aasarin tungkol kay Jayson. Balik kami sa dating routine namin. Mula noon ay wala na nga akong narinig na pangongontra mula sa kanya.
Hanggang sa isang araw ay ibinalita sa akin nina Jowen na may idinedeyt daw na kaklase nila si Jojo. Si Jesica. Minsan na nagpakilala ng babae sa akin si Jojo at natatandaan kong iyon nga ang babaeng patay na patay sa bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
BEST, I LOVE YOU
Short StoryPaano mo sasabihing mahal mo sya kung nag aalanagan kang baka parehong mawala ang relasyon nyong magkaibigan kung ipipilit mong maging kayo nalang? Pa'no?