(Song: All About Us by He Is We)
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na nawala sa isip ko ang sinabing iyon ni Jowen. Kahit na noong sunduin ako ni Jayson sa classroom namin at ihatid sa bahay. Wala akong maintindihan sa sinasabi nya. Sabagay puro tungkol lang naman sa sarili nya at sa mga may gusto sa kanya ang sinasabi nya sa akin.
Na-turn off talaga ako sa kababawan ni Jayson. Magmula noon hindi ko na inentertain ang panliligaw ni Jayson hanggang sa kusa na rin itong huminto.
Ang ikinakainis ko naman noon ay kung kailan wala na si Jayson ay saka naman naging abala si Jojo sa sinasabi nilang nililigawan daw nito.
Hindi ko maamin na nagseselos ako.
Huli na naman kasi ang lahat. Wala nang nararamdaman sa para sakin si Jojo. May iba na siyang mahal. Alam kong best friend ko sya subalit iba na rin ang naging damdamin ko para sa kanya.
Eksaktong magbe-birthday pa naman ako. Dalawang araw bago ang eksaktong birthday ko ay nagpaalam si Jojo na magbabakasyon daw siya sa probinsya nila. Bakasyon na kasi namin noon. At lalo na akong nanlumo nang sabihin nyang sa loob ng isang linggong iyon ay kasama raw nito si Jesica. Sa sarili ko'y alam kong huli na talaga ang lahat. Aminin ko man sa sarili kong nagseselos ako dahil mahal ko na si Jojo higit pa sa isang kaibigan ay huli na. Hindi na siya para sa akin. Hindi na ako ang mahal niya.
Iyon na yata ang pinakamalungkot kong birthday kung sakali. Niyaya pa ako ng mga kaibigan namin na lumabas . Treat daw nila sa akin dahil birthday ko.
Habang nasa mall kami hindi ko naman magawang mag-saya dahil sa kauna-unahang pagkakataon, noon lang ako magbe-birthday na wala si Jojo at hindi man lang ako binabati kahit sa text.
Niyaya ko nalang sila umuwi pagkaraan ng limang oras. Pagod na talaga ako at talagang malungkot na ang pakiramdam ko. Pagdating sa bahay ay tuloy-tuloy ako sa kwarto ko. Duon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Umiyak ako ng umiyak. Miss na miss ko na si Jojo pero wala akong magawa.
Hanggang sa maramdaman kong may ibang tao sa kwarto ko.
Si Jojo at ngiting-ngiti na nakatingin sa akin.
Alam na raw niya ang ibig sabihin ng pag-iyak ko. Bistado na raw ako kaya huwag na raw ilihim pa. Alam daw niyang magmula nang sabihin niyang magbabakasyon siya kasama si Jesica ay iba na ang ikinilos ko. Saksi raw ang Mommy ko at ng mga kaibigan ko sa lahat ng iyon.
Saka lang inilabas ni Jojo ang mga bulaklak at cake na regalo nya sa akin. Hindi na ako nakapag-deny pa.
Wala na namang silbi dahil nag-uumapaw na ang nararamdaman ko.
Mahal na mahal ko si Jojo at hindi ako papayag na mawala pa siya sa akin.
Hindi ko kakayanin...bilang Bestfriend ko at bilang lalaking nais kong makasama habam-buhay.
Kwento ni: Jocel Myrton Tsah Tiamzon
BINABASA MO ANG
BEST, I LOVE YOU
Historia CortaPaano mo sasabihing mahal mo sya kung nag aalanagan kang baka parehong mawala ang relasyon nyong magkaibigan kung ipipilit mong maging kayo nalang? Pa'no?