Hinintay ko si Jojo dahil malapit nang matapos ang kanyang maghapong klase. Habang naghihintay ay nakikipagkwentuhan ako sa ibang estudyante at mga instructor.
Sa wakas ay natapos na ang klase ng best friend ko. Sabay kaming lumabas ng campus, ngunit hindi manlang ako inimik ni Jojo habang kami'y naglalakad. Inaya ko siyang magmeryenda subalit tumanggi ito.
Halata ko kay Jojo ang kanyang tila pag-iwas. Hindi ko nalamang pinansin iyon, marahil ay pagod lamang sya sa klase o di kaya'y may problema.
Kinabukasan ay wala paring pag-babago. Hindi parin ako pinapansin ni Jojo. Wala akong maisip na dahilan kung bakit sya nagkakaganito. Ni hindi nya sinasagot ang tanong ko at hindi rin nagrereply sa mga text messages ko. Siguro ay talagang iniiwasan nya ako at alam kong may malalim syang dahilan.
Gumawa ako ng paraan upang makausap ko sya. Humingi ako ng tulong sa iba naming mga kaibigan. Napansin din pala nila ang tila pag-iwas sakin ni Jojo.
Nagkaroon nga ng acquintance party sa iskul. Pagkakataon ko na siguro para makausap ng maayos ang best friend ko. Masaya ang araw na iyon, muli kong nakitang nakangiti si Jojo. Hindi ko alam subalit naging masaya na rin ako nang mga sandaling nakita ko syang masaya.
Sa cottage ng aming section/year, kami ay nagsama-sama. Lahat kami ay kumain ng sabay, gayundin ay nagkaroon ng kaunting inuman. Hindi kami magkatinginan ng diretso ni Jojo.
Nagkaayaan ang barkada na lumabas at bumili ng iba pang makakain. Hindi ako sumama pero sumama si Jojo sa kanila. Ang hindi alam ni Jojo ay naiwan nito ang kanyang wallet. Dinampot ko iyon at mag-hihintay na silay muling bumalik at maisauli ko ito kay Jojo.
Sa pagkuhay may nahulog na kung ano... pinulot ko ito. Nakita kong picture pala naming dalawa iyon nung high school pa kami ni Jojo. Napansin ko ring may nakasulat sa bandang likuran nito, at ikinagulat ko ang mga nabasa kong iyon...
Si Jojo na best friend ko ay may nararamdaman ngang pagmamahal sa akin, sapat na angf mga nabasa ko upang maniwala sa mga sinasabi ng iba na mahal nga ako ni Jojo hindi bilang isang kaibigan, best friend o kapatid, kungdi pagmamahal na tunay.
Sa mga sandaling iyon ay nakita ako ni Jojo. Bumalik raw sya dahil nawawala ang wallet nya. Ibinigay ko agad ang wallet at nagtanung tungkol sa picture at ng tungkol sa mga nakasulat. Sa unay pilit na ikinakaila iyon ni Jojo hanggang sa hindi na nga nya iyon naitago pa.
Natakot raw sya sa mga maaaring mangyari kung sakaling malalaman ko ang tunay nitong nararamdaman. Sinubukan raw nyang itago ito at umiwas sya upang hindi na lumala subalit lalo lang daw sya nahihirapan.
BINABASA MO ANG
BEST, I LOVE YOU
Short StoryPaano mo sasabihing mahal mo sya kung nag aalanagan kang baka parehong mawala ang relasyon nyong magkaibigan kung ipipilit mong maging kayo nalang? Pa'no?